Chapter 30

1.1K 24 1
                                    

Wedding

"Pa.. hindi daw mahanap si Kirsten sa hotel room niya!" Bakas ang pag aalala sa mukha ni Vince, ang kuya bi Kirsten.

Ako? Para akong nabato sa kinatatayuan ko. Ang kamay ko ay tila nagyelo sa mga cuffs ko. Daig ko pa ang na-stroke.

"V-Vince.." tawag ko sakanya ng may nanginginig na boses.

Pano ang kasal ko kung wala akong bride? All set na. Siya nalang ang hinihintay. Pero bakit nawawala siya.

Nanatiling nakamulat ang nanlalaki kong mga mata at kahit hindi kumurap ay tumulo ang butil ng luha ko.

Tinignan ako ni Vince at ni Tito Randy na parehong may nag aalalang tingin.

"Nasan si Kirsten?" Tanong ko. At hindi maiwasan ang pagkabasag ng boses ko.

Pareho silang nag-iwas ng tingin tsaka nayuko.

Nagsisimula na akong kabahan. Kanina ay yung pagkakaba ko ay may excitement. Ngayob ay may halo ng takot.

Takot na baka di ko na siya ulit makita. Takot na baka sa susunod na araw ay gigising ako na unan lang ang katabi. Paano ako mabubuhay sa araw araw na walang Kirsten sa tabi ko?

Dinukot ko ang cellphone sa loob ng puti kong slocks at tsaka agad na tinawagan ang numero ni Kirsten.

Pero dumoble ang kabang namuo sa dibdib ko ng operator lang ang sumagot sa kabilang linya. Sinubukan ko ng sinubukan. Totoo kaya ang pamahiin?

Sinabihan kasi kami kagabi na huwag magkikira dahil baka hindi matuloy ang kasal. Pero tumakas kami.

"Sigurado ka ba? Baka naman magkatotoo yung pamahiin?" Bakas sa boses niya ang pag aalala pero alam kong kating kati rin siyang makita ako. Nararamdam ko sa boses niya ang pananabik na makita rin ako. Paano, ay maghapon na kaming di nagkikita at nag uusap. Andun na sya sakanyang hotel room at andito rin ako saakin.

"Oo. Miss na kita. Buti nga at naitakas ko pa itobg cellphone ko." Parehong confiscated ang mga gadgets namin and other devices para makapag communicate. "Tsaka bakit naman hindi matutuloy ang kasal? Pareho naman tayong sigurado."

"Oo na. Teka. Pababa na ako."

Naputol ang pagbabalik tanaw ko sa katangahan ko kagabi ng narinig ko ang tawa ni Tito Randy, Vince at daddy.

"Huwag nga kayo." Saway sakanila ni Tita Katrina, ang mama ni Kirsten. "She's on her way" dagdag neto habang nakangiti at marahang pinisil ang kamay ko.

"There's no woman would dare to left you in the aisle, baby." Sabi saakin ni mommy habang inaayos ang collar ng tuxedo ko.

Pinalis rin niya ang luhang tumakas sa mga mata ko tsaka niya ako niyakap ng mahigpit.

"I love you, son. Please, take care of her like how you and your dad took care of me and my baby Tiffany."

I smiled and gave her the tightest hug I could ever give. Kasabay nun ang pagsigaw ng organizer na umayos na ng pila ang lahat at magsisimula na ang ceremony.

Habang naglalakad ako papuntang altar ay di ko maiwasang magbalik tanaw sa kahapon.

Parang kailan lang ng una kong makita si Kirsten. 10 years old palang siya nun at ako ay 13 years old. Naglalaro sila ni Tiffany sa Garden namin at pinanunuod ko sila mula sa veranda ng kwarto ko. Ang ganda ng mga ngiti niya at di maipagkakaila ang ganda ng mukha niya. Paano pa kaya kung nag mature na siya?

Buong araw ay di niya ako pinapansin. Uneasy siya tuwing nagkakasalubong kami. Hindi rin niya ako pinapansin.

"Ahhhhh!!" Malakas niyang sigaw ng naitulak ko siya sa pool. Hindi ko naman yun sinasadya gugulatin ko lang dapat siya pero madulas ang morena niyang kamay kaya dumulas ang kamay ko at dumiretso siya.

Wish We Could HappenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon