Warning: this chapter contains bad words which are not sensored.
Confession
"Pa. Dahan dahan." Paalala ko sa papa ko habang umuupo sa kama niya galing wheel chair. Kauuwi lang namin galing hospital.
"Chill ka lang naman, nak. Ayos lang ako" he assured me with a smile.
Ihh. Alam ko naman kasi yun eh. Pero kasi ewan. Nagiging OA na ata ako. O guilty o both. Hahaha.
"Oh siya. Punta lang po akong kusina at igagawa kitang dinner." Ngingiti akong lumabas ng kwarto niya. Ansarap magkaroon ng papa. Well, ulit? Hehe. Si Mama nalang ang kulang.
Habang gumagawa ako ng dinner ni papa ay may nagdoorbell. Di ko na rin pinansin dahil bumaba si na si Kuya para pagbuksan ang pinto.
Naisalang ko na ang bigas sa rice cooker at naghihiwa ako ng mushroom para sa soup ni papa ng kunin ni kuya ang atensyon ko.
"Ten andito si Elle." Napabaling naman ako kay kuya sa sinabi niya. Anong ginagawa niya dito? Inismiran ako ni kuya sa nakita niyang reaksyon ko.
Papalapit na si Elle sa kinatatayuan ko. di ko maintindihan pero parang may mga nangangarerang kabayo sa puso ko. Nabuhay ang kaba. Para akong pinagpapawisan ng malamig. Anong ginagawa mo saakin, Marcus Elle?! Nakakainis na.
"Can we talk?" Bungad niya saken. Wala man lang ba, kamusta ka, Kirsten. Long time no see ah? Walang ganon? Can we talk agad? Teka? Ano pag uusapan namin? Ugh! Nikakabahan ako.
Tumingin ako kay kuya para himingi ng tulong pero, "sige na, Ten. Ako ng bahala sa dinner ni papa." Ay tapete! Bat ka pumayag?! Gusto mo bang lumundag palabas yung puso ko?? Aish! Wala akong nagawa kundi yayain si Elle sa garden. Naupo kami sa isang concrete bench at ilang minuto kaminh tahimik.
*kru* *kru* awkward silence all over. Gusto ko sanang pawiin yung nakakabinging katahimikan pero wala akong alam na topic na ioopen. Eh kung tanungin ko kung ano pag uusapan namin? I don't have the guts!
"Uh..." ay thena Kirsten Venice! Anong ingay yan?!
"I love you." Halos mahulog ako sa upuan ko sa narinig ko. Jusq. Totoo ba to? O baka may kausap sa cellphone? Unti unti ko syang nilingon at nakitang nakatitig ito saaken. Wala na akong marinig na iba. Kundi yung malakas na kabog ng puso ko!
"A-ano?!" Narinig ko pero...
"Mahal kita, matagal na." Ma-matagal na? Pinuputang ina ba niya ako?! Mahal niya ako matagal na pero may girlfriend sya?
"Ginagago mo ba ako?!" Hindi ko na napigilan. Naiiyak na ako sa inis!
"N-napilitan lang akong samahan si Cassandra kasi --" di na niya naituloy ang sasabihin niya dahil dumapo na ang palad ko sa pisngi niya.
"How dare you! Paano mo nasasabi yan? May konsensya ka pa ba?! Kayo pa habang sinasabi mo saakin na mahal mo ako?! Gago ka ba o gago lang talaga?!" I shrieked! Tang ina pala tong lalaking to eh. Oo, mahal ko sya pero di sapat na dahilan yun para maging masaya ko sa naririnig ko ngayon.
"Wala na kami' sabi niya ng nakayuko. "Di ko na kasi kaya. Ikaw kasi talaga ang gusto ko hindi ikaw talaga ang mahal ko. Please. Maniwala ka." He pleaded while kneeling down. Hinawakan niya ang dalawang ko at ginaya ito patungo sa kanyang noo.
"Alam mo, putang ina mo!" Itinulak ko sya tska ako lumayo sakanya ng bahagya.
"Naalala mo ba nung tumawag si Tiffany sayo ng kalagitnaan ng gabi? Nung hrm night niyo?" Naalala ko yun. Yung ung sinundo niya ako. "Ako ang napumilit na tawagan ka kasi gusto kitang makausap. Gusto kong marinig boses mo." Nagulat naman ako sa sinabi niyang yun. Nakakabwisit na e. "Hindi ko sinasadya. Pero noon palang? Mahal na mahal na kita. Natakot lang ako na baka hindi mo maibalik yung nararamdaman ko para sayo. Na baka-" he sniffed. Umiiyak ba siya? "Na baka iba ng gusto mo. Kaya nagstick nalang ako kay Cass kahit na--"
Di ko na siya pinatuloy sa sasabihin niya. tumakbo na ako ng kwarto. Di ko na kayang pakinggan mga sinsabi niya. Napahinto pa ako at Nagulat dahil nakikinig pala si Kuya saamin. Nagagalit ang kanyang mga mata dahil na rin siguro nakita nyang umiiyak nanaman ako. At dahil nanaman sakanya.
Di ko alam. Di ko maintindihan. Bat galit na galit ako sakanya. Kung bakit di ko matanggap. Diba dapat masaya ako kaso finally, mahal din pala niya ako. Pero bakit hindi ko magawa? Dahil ba alam kong may masasaktan?
Ayokong maging selfish ulit. Ng huli ko yung ginawa ay may napahamak. Ayokong may mapahamak ulit. Ayoko.
Nakakulong lang ako sa kwarto ko at binabalikan lahat ng sinabi niya. Paano niya nagawa yun kay Cass? Saakin? Bakit hindi muna sya nagtake risk bago siya sumuko? Bakit ganon? Bakit ansakit?
Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa matapos ang gabi. Pinilit ko pa ring pumasok kahit na parang di ko na kakayanin. Dark circles around my eyes. Swollen eyes. At parang lantang lanta ako. Nag alala pa nga si kuya at ayw akong papasukin pero sinabi ko nalang na kaya ko naman.
Pagdating ko ng classroom ay naabutan ko sila Aj sa pwesto namin.
Iba ata ang aura ni Kaye ngayon. Nakadark make up sya at heels na very unusual. Kasi hindi yan nagme-make up at heels kahit na required sa course namin. Nakapagtataka. Ikinibit balikat ko na lamang yun at tumuloy sa upuan ko.
"What happen, girl?" Tanong ni Aj saakin ng makaupo ako.
Kwinento ko sakanila ung nangyri pero di nila kilala kung sino. At hindi rin masyadong detailed. And Im proud of myself dahil di ako umiyak habang nagkwekwento.
"Alam mo?" Singit ni Kaye na ikinatingin namin sakanya. "Iinom nalang natin yan! Party tayo! Kalimutan lahat ng problema! Tsk. Disregard all the bullshits in life and let's partyyyy!" Masigla niyang sabi na ikinatingin namin sakanya at pabalik balik ag tingin sa mga kaibigan ko. Anong ibig sabihin non? Anong nngyyari sakanya?
Di na namin sya nagawang kausapin at tanungin dahil dumating na yung prof namin.
Weird.
*****
Pauwi na ako ng mapadaan ako sa locker ko may nakadikit dito na sticky note.
I'm sorry.
~ M.E.
Nilukot ko lang yung papel at tinapon.
Bago ako makapunta ng exit ay napadaan pa muna ako sa engineering building. Nahagip ng mata ko si Cass na naka-cling ang mga braso kay Elle. Napatawa nalang ako ng mapait.
Liar.
***end***
A/N. Sorry kung medyo masabaw ang chappy na to. No time to edit. Nitamad na si ate niyo i-scan ulit. Hehe. xoxo 😘😘
BINABASA MO ANG
Wish We Could Happen
Teen FictionAnong gagawin mo sa relasyong hindi n pwede? Anong gagawin mo kung puro ka panghihinayang? Magkakaroon pa ba ng 'tayo' kung meron ng 'kayo'? Ako si Kirsten Venice Mendez, I fell in love with the right person at the wrong time. Could we still happen...