Chapter 28

438 9 0
                                    

Yes

Ilang linggo na rin magmula nung komprontasyon kay Cassandra.

Nakausap na rin siya ni Marcus at nakumbinsi niya ng wala na talaga silang pag asang dalawa.

Pinunta na rin nila Tita Freda, mama ni Cass, sa America and they are staying there for good. Tita Freda didn't tolerate her deeds and I'm very thankful for that.

But that stubborn girl! Ayaw niyang aminin na wala talaga siyang sakit! Pambihirang paninindigan ang meron siya!

Andito ako sa office ngayon at nirereview ang financial status ng shop ko. Alas tres na at maghapong hindi nagpaparamdam si Marcus. Nagtatampo na ako pero mas nangingibabaw ang pag aalala ko.

Ano na  kayang nangyari sakanya? I texted him Goodmorning pero wala pa rin siyang reply.

To think na second month na namin ngayon.

Nanlalamig na ba siya? Pero kagabi, ang sweet pa niya. Pinagluto pa niya ako ng dinner. Bat ngayon... urgh! Napaparanoid nanaman ako!

Alas sais na at nakapagligpit na ako ng gamit ko kailangan ko pang magpunta ng church, nagulat nalang ako ng biglang lumitaw ang isang Tiffany Buenaventura sa pinto ng office. At naputok ng confetti.

"Yeheeey!! Lez partyy!!" And she laughed her ass off. What the hell. Nagkalat pa sya dito sa office ko. Sumilip ako sa labas at nkitang nagtatawanan ang mga empleyado ko. Nahawa ata sa ganda ng mood netong batang to!

Parang nakakahawa naman yung say niya na pati ako tumatawa na kahit di ko alam kung bat siya tumatawa.

"Samahan kitang samba, Ate" she smiled like she won the lottery. May iba. May iba sa mood niya.

6:30pm na at muntikan pa kaming malate sa church.

Pagtapos ng isang oras ay biglang nagbrown out. Saktong nakalabas na lahat ng nagsamba. Nakapagtataka dahil hindi gumana ang emergency light sa loob ng kapilya namin. Biglang kumalabog ang puso ko dahil madilim.

"Shhh ate. I'm here." Tifanny held my hand and squeeze it. I feel secured.

Malawak ang compound ng church namin. Sa harap ay may parang mini garden gayon din sa paligid ng mismong Kapilya. Sa likod ay ang office at sa magkabilang gilid ay parking area. Ang right side ay parking na deretso sa gate samantalang sa left ay kelangan pang umikot para makapag park dun. Ang mas nakapagtataka wala ring nakapark dun kanina.

Mula sa kinatatayuan ko ang may maliliit na ilaw na hugis arrow na nagtuturo ng dereksyon. Nilingon ko si Tiffany na nasa gilid ko. She mouthed "go"

Curiosity killed the cat ika nga kaya sinundan ko yun ay naglead ito sa akin sa parking lot sa left.

Sa magkabilang gilid ko ay may mga sky lanterns na nakatali. Sa bawat lanterns ay merong pictures ko, candid photos.

Napangiti ako. Nang makatapak ako sa kulay lilang tela ay nagsimula ring umulan ng petal roses. I love these roses, lavander petal roses. Where the hell did they get this?

Kulang nalang ay maghugis puso ang mga mata ko.

Biglang sumulpot si Kier. Five years old na anak ng pastor namin. Favorite ko syang inaalagaan. May dala syang bouquet. Pinaghalo halong tulips, daisies tska rose. My favorites! Napatigil ako. I smiled while eyeing on the flowers. Pagtapos ibigay ay tumakbo na siya paalis.

Mula sa likod ng kapilya ay lumabas ang lalaking hindi ko nakita ng maghapon. Kumakanta siya, yung favorite ko!

Wish We Could HappenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon