Chapter 5

17 0 0
                                    

          Ewan ko kung paano tinuruan bumasa ang henerasyon nyo.Pero kami di marunong bumasa ng pabaliktad"Tumingin ang binata sa matandang lalaki .Itinuro ni Delfin ang menu,"baligtad
          Inayos ni  Wax.Nag order."Bigyan mo ako ng fried chicken,crispy pata,menudo,kaldereta,roast beef,pancit.Bigyan mo ko ng halo halo,coke,spite,pepsi,buko,kalamansj juice,melon."Tinapik ni Delfin ang braso ni  ang waiter."I cancel mo ang order.Bigyan mo siya ng sisig at beer.Bigyan mo ko ng pancit palabok at coke."Tumalikod ang waiter para kunin ang order nila.
          "Masama ang tama mo kay Heart.Ano ang balak mo?"Parang natauhan  ang binata.Natanga.Ikakasal nga pala ang dalaga."Ihahatid ko siya sa simbahan."Umiling si Delfin.Mauulit kaya kay Wax ang nangyari kay Rudy?Anak  niya si Rudy.Tulad ni Wax umibig ito sa isang babae na ikakasal na sa iba.Inaya  ng babae si Rudy na magtanan.Pero di pumayag si Rudy.Best friend niya ang groom.Nakasal ang dalawa.Pinilit ni Rudy na makalimot.Lagi itong lasing.Nagsugal din.Nambabae.Pero di ito nakalimot.Minsan sa sobrang kalasingan,nabangga ang motor na minamaneho nito.Dead on the spot si Rudy.Nalungkot siya ng husto.Hanggang ngayon  nasasaktan siya pag naaalala ang anak.Ngayon,si Wax sinusundan ang yapak ni Rudy.Di sya papayag.Tutulungan niya ang binata.
         "Ibig mong sabihin hahayaan mong makasal sa ibang lalaki si Heart kahit nagmamahalan kayong dalawa?"tanong ni Delfin.Malungkot na sumagot si Wax.Ako lang ho ang may gusto kay Heart.Hindi niya ko gusto."Nailing si Delfin.Wag kang duwag.Ipaglaban mo ang nararamdaman mo.Kung hindi ka niya mahal bakit di ka niya sinampal nung pinaghahalikan mo siya?"Inalala ni Wax ang nangyari.Hindi nga pala ito nagalit.Itinulak lang siya nuong bandang huli.Nabuhayan siya ng loob.Pwede kkayang mapasakanya ang dalaga?
          Nakikita ni Delfin ang pagbabago sa mukha ng binata.Mukhang tumalab ang advice niya."Gaano na ba kayong magkakilala?"Tumingin ang binata sa relo niya."Mga 3 hours na po."
         "3Hours palang?Sobra namang malupet ang ginamit na palaso ni kupido.Pero di bale .Ipaglaban mo ang 3 oras na yan.Kung mawawala siya sa yo di mo kakayanin.Itanan mo siya.Kung wala kang pera pahihiramin kita."sabi ni Delfin.
          "Pero di pa po ako pwedeng magasawa.Marami pa akong pangarap para sa  magulang ko at kapatid.Bibigyan ko sila ng magandang bahay.Bagong kotse.Pahihintuin ko na sa pagtratrabaho si tatay."paliwanag  ng binata.
          Kahit kasal na kayo ni Heart matutupad pa rin ang pangarap mo.Ang pagkakaiba lang nasa tabi mo siya.Katulong mo siya sa pagabot ng mga pangarap mo.Ipaglaban mo ang gusto mo.Wag kang duwag.Sige itanan mo siya."

           Umahon na sa pool si Heart.Naisip niya si Wax.Attracted ito sa kanya at attracted din naman siya dito.Tama ba na pakasal siya kay Ramon kung nagkakagusto siya sa iba?
           Pumunta siya sa restaurant.Tumabi kay Wax.Hinapit ni Wax ang baywang niya.Umupo siya sa tabi.Nagorder siya ng pancit Malabon at coke.
          Nagtanong si Delfin "kaya ka ba papakasal  sa groom dahil mayaman ito?"Nag isip si Heart."Mayaman si Ramon.May mga lupain silang taniman ng palay.May ten wheeler truck siya,jeep na pampasahero at meron siyang hardware.Pero hindi yun ang dahilan kung bakit magpapakasal ako sa kanya.Mabait siya.Nirespeto niya ako at ang mga magulang ko.Feeling ko safe ako kung  kasama ko siya."
          "Hindi ka pakakasal dahil nirerespeto mo siya.Kawawa naman  si Ramon"payo ni Delfin.
           "Wag kayong magalala.Sabi ni Ramon sobra niya akong mahal.Kung konti lang daw ang pagmamahal ko sa kanya ang pagmamahal niya ang magpupuno.."sagot ng dalaga.
Nailing si Delfin.Isang pagkakamali ang gagawin ni Heart.Tatlong tao ang magdudusa.

10 Years AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon