Chapter 11

10 0 0
                                    

Three months ng nakapanganak si Heart.Pagkatapos ng trabaho umuuwi agad si Wax sa bahay nila.Laging karga ang baby.Lagi ring kausap si Heart.Lagi itong napapansin ni Igme at Zeny.Paano na si Wax pag umuwi na si Heart sa asawa nito?.Enjoy na enjoy naman sa pagaalaga ng baby si Meldy.Tawag ni Heart sa baby ay Igor. Tulad ng gusto ni Ramon .
Nakakahalata na si Carla.Tuwing aayain niya si Wax n
a kumain sa labas,manood ng sine lagi itong tumatanggi.Busy daw.May appointment na nauna.May ni ra rush na trabaho.Di naman dati ganito si Wax.Di na nakatiis nagtanong na siya sa binata."Iniiwasan mo ba ako?May nagawa ba akong mali?'
Umiling si Wax.Paano ba niya sasabihin sa dalaga na wag na itong umasa.May mahal siyang iba.Di niya kayang suklian ang pagmamahal nito sa kanya.Tumitig siya sa dalaga.Maganda ito..Mabait .Matalino.Isa din itong engineer.Kahit sinong lalaki ma a attract sa kanya.Ang problema mayroon na siyang Heart wala ng lugar ang ibang babae sa puso niya.
"Carla,paano ka magkakaboyfriend kung ako lagi ang kasama mo.Bigyan mo ng chance ang sarili mo na makilala ang mga suitors mo.25 ka na.Wala ka pa bang balak na magkapamilya?tanong ni Wax sa dalaga.
Nabigla si Carla.Ngayon lang nagsalita ng ganun si Wax.Alam niyang alam ni Wax na gusto niya ito.Akala niya torpe lang si Wax pero ngayon ipinahihiwatig ni Wax na wala siyang maaasahan dito.Nasaktan siya.Di siya nakasagot agad.Akala niya na de develop na si Wax sa kanya.Para siyang binuhusan ng malamig na tubig.Ayaw diretsuhin ni Wax pero binabasted siya nito.
Alam nyang maganda siya.Marami siyang manliligaw.Mga disente at titulado.Pero malayo ang mga ito sa itsura at ugali ni Wax.Ang binata ang ideal man nya.Ito ang Mr.Right para sa kanya."May gusto ka bang ibang babae?May girlfriend ka na ba?Kilala ko ba siya?"tanong ni Carla sa binata.
Nagpasya ang binata na magsabi ng totoo.Aasa lang ang dalaga sa wala."May mahal na ko.Siya ang gusto kong makasama.Di na ako pwedeng magmahal ng iba.Sana makahanap ka rin ng magmamahal sa yo.Napakaswerte ng lalaking magugustuhan mo".
Napapikit ang dalaga.Alam niyang alam ni Wax na nasasaktan siya.Parehas silang ayaw sa mga nangyayari.Pero narito sila,parehong nasasaktan.Totoo ang kasabihan,Truth Hurts.Sabi nila Be Honest pero kung masisipa lang niya ito ssinipa na niya.Honesty ripped her heart apart.Nakalimutan na ba ni Wax na birthday niya ngayon.?Ito ba ang regalo nito sa kanya?Tumayo siya."Uuwi na ko.Siguro sa ibang araw na tayo magusap.We are hurting each other."sabi ng dalaga. May inabot na maliit na box si Wax sa dalaga."Happy Birthday.Kala mo nakalimutan ko no"sabi ng binata sa dalaga.Napabuntunghininga si Carla. Paano ka ba magagalit.sa isang taong ganito kabait at ka thoughtful.Swerte ang babaeng gusto ng binata.Sana mahalin niya ito tulad ng pagmamahal niya dito."Thank you.Saka ko na ito bubuksan.Masyadong hurt ako ngayon.Kailangang mag relax muna ako.I wont see you.Pero kung kailangan mo ako just give me a call".

10 Years AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon