Chapter 15

7 0 0
                                    

"Ma,Nay,Tay,tignan nyo may baby na ko."Sumagot ang umiiyak ding si Nilda"oo anak may baby ka na".Tinignan niHeart ang biyenan at magulang.Nagiiyakan ang mga ito.Pati na ang mga magulang ni Wax at pati si Meldy.
Kinuha ng nanay niya ang bata kay Ramon.:Ako na ang magdadala.Baka mabitiwan mo.Tayo na at ng makapagpahinga na sila.Maraming salamat po ulit",sabi nila kila Igme.Umuwi na sila.
Sa bahay nila Ramon wala silang pagsidlan ng kasiyahan.Abalang abala ang mag balae sa baby.Si Ramon akap akap si Heart."Luv,wag ka na ulit mawawala.Halos mamatay ako sa pag aalala.Ipangako mo sa akin na di nyo ko iiwan ni baby".Masayang sumagot si Heart.Itinaas ang kamay."Promise.Nasa tabi mo kami forever".Inakap siya ng mahigpit ni Ramon."Kayong mag ina ang buhay ko.Tandaan mo Heart.Tayong lahat ni baby pati na si mama,nanay at tatay mabubuhay ng masaya.Proprotektahan natin.ang bawat isa."
Lumipas ang mga araw,halos doon na nakatira ang mga magulang ni Heart.Sabik na sabik sila sa.apo nila."Ano kaya tay,kung ibenta na ninyo ang bahay nyo sa Cabanatuan.at magsama sama na tayo dito".sabi ni Ramon.Sabat naman ni Nilda,"Oo nga.Maaasikaso nating mabuti si Igor"
"Gustuhin man namin balae,hindi pwede.May mga sakahin kaming dapat asikasuhin.Mayroon pa kaming palaisdaan na binabantayan.Iyon lang ang maipapamana namin kay Heart,sagot ng tatay .

Lumipas pa ang dalawang taon.Lumaking mabait at matalinong bata si Igor.Kinapansinan nila ito ng hilig sa musika.Pinaturuan nila ito ng piyano.Gusto nila na sundan na si Igor.Pero abala sila sa pag aasikaso ng papers nila papuntang Amerika.Ameriican citizen si Ramon pati na ang biyenan niya.American citizen din siHeart at si Igor.Gusto ni Ramon doon na manirahan.Kinukumbinse niya ang mga biyenan na sumama na sa kanila.Ayaw ng tatay ni Heart.Dadalaw dalaw na lang daw sila doon.
Ibenenta lahat ni Ramon ang properties nila.Doon na sila sa Amerika nagpasko.Sa California,nakapagtrabaho si Ramon bilang accountant.Malaki din naman ang sweldo kaya di sila kinakapos.Si Heart ,sa bahay lang.Magkasama sila ng biyenan niya na nag aasikaso kay Igor.
Okey naman.Isang araw may naging bisita sila.May ari ng isang carehome.Gusto na nitong magretire at bumalik ng Pilipinas.
Intresado si Ramon.Di problema ang pera.Malaki ang napagbentahan ng properties nila sa Pilipinas.Si Heart at ang mama niya ang mag ma manage.Malilibang ang dalawa.
Di niya sinabi kay Heart pero nanaginip siya na tinangay ni Wax si Heart.Mula noon natakot si Ramon.Dali dali niyang kinumbinse si Heart na pumunta sa America.
Napapayag naman agad si Heart.At ngayon gustong bumili ng carehome ni Ramon.
Ayos naman sa magbiyenan.Management lang naman ang kanila.Kukuha rin sila ng mga workers.Si Igor ipapasok ma nila sa school sa isang taon.Marami silang libreng oras.
Sa Pilipinas,binata pa rin si Wax.Si Meldy naman ikakasal na sa isang American.Gusto ng Amerikano sa Pilipinas manirahan.Mahirap daw ang buhay sa States.Okey naman kay Meldy.Ayaw niyang mahiwalay sa mga parents niya.Inaalala din niya ang kuya nya.Di na ito nag asawa.Di nila pinag uusapan si Heart.Ayaw nilang masaktan ito.Sabi ng kuya niya,sapat na daw ang mga alaala ni Heart ng magtira ito sa kanila.Memories last a life time daw.Para naman kay Meldy,di naman naaakap ang alaala.Di nakakausap.Pero siyempre di niya sinabi sa kuya niya.
Nagkaroon ng seminar sa Baguio sila Wax.Kasama niya si Carla.Hanggang ngayon dalaga pa ito.Umaasa na isang araw magigising si Wax at mamahalin siya.Maraming participants.Galing sa iba ibang parte ngPilipinas.Naging masaya atmatagumpay ang seminar
Di siyempre maaalis ang inuman,kantahan at libot.3 days lang ang seminar pero di agad umuwi si Wax.
Nag flash back sa kanya ang nakaraan.Galing din siya ng Baguio noon.Nag via Cabanatuan siya dahil bibili siya ng langgonisa ng Cabanatuan .Kabalitaan ito sa sarap.Si Heart ikakasal noon.Nasiraan ng bridal car.Dahil sa sobrang pagod ipinarada ni Wax sa shoulder ang taxi.Natulog ng kalahating oras.Di niya namalayan ang pag sakay ni Heart sa taxi.Nakatulog din ito.
Pag gising ,pinaandar na ni Wax ang taxi.Lagpas na siya ng.San Miguel ng mapansin niya ang babaeng nakapangkasal.Nahiyaw siya sa takot.Nagulat din si Heart.Naghihiyaw din.Biglang nagtawa si Wax.Macho man natatakot din,lalo na kung nabigla.

Natingin sa kanya si Desto.Mukhang masaya ang boss niya.Mag on na kaya sila ni mam Carla?.Nag aya si Wax sa Mt.Pulag.Aakyat daw sila ni Desto.Hindi siya mahilig umakyat ng bundok.Mas gusto pa niyang manood ng tv.Pero di naman niya pwedeng pabayaan ang boss niya.Nakainom na ito.Baka mahulog pa ito sa bundok.

10 Years AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon