Chapter 12

6 0 0
                                        

Naghiwalay ang dalawa.Bawat isa may kanya kanyang iniisip.Di nila napansin si Desto.Isa itong empleyado sa kompanya nila.Madalas ipinag dra drive nito si Wax pag bumibisita ito sa project sites.May kapayatan ito kaya siguro di nila napansin.Nakasalampak ito sa semento at nakasanndal sa pader.Di siya makapaniwala sa narinig niya.Si mam Carla tinanggihan ng boss niyang si Wax.Maganda si mam .Marami sa mga binatang engineers ang may gusto dito.Tapos nabasted ni Wax.Kailangan siguro paeksamin ang ulo ni Wax.Kung meron man siyang iba dapat di niya deŕetsong sinabi kay Carla.Bata pa kasi si Wax kaya di pa niya alam makipaglaro sa mga babae.Di ba pag palay na ang lumalapit sa manok dapat itong tukain.Marami pang dapat matutunan ang binata.
Si Wax di agad umuwi.Dumaan siya sa Ali mall.Uminom muna.Nakokonsensiya siya.Nakita niyang pinipigil ng dalaga ang maiyak .Hindi naman normal sa isang babae na pagsabihan ng isang lalaki na may mahal itong iba.Na dapat humanap na ito ng iba.

Uminom siya ng limang bote ng beer.Pulutan niya ang inihaw na pusit.Babae,puro babae ang problema niya.High school pa lang siya hinahabol na siya ng chicks.Ngayon may babae na naman.Isang nasa tabi lang niya at isa namang unreachable.
Natawa siya.Ano yung sinasabi nung kanta?Sino ang pipiliin niya.Si Aida,si Lorna o si Fe?Sino bang poet ang nagsabi,it is better to have loved and lost than nevet to have loved at all.Di kaya lasing lang ang nagsabi nun.Baka katulad lang niyang nakakarami na ng beer na naiinom.
Sa bahay nila Wax ,di mapakali si Heart.Napansin ito no Zeny."May iniisip ka ba Heart.Kanina ka pa di mapakali,may problema ba?"Tumango si Heart."Wala pa ho si Wax.Magpapaalam ho sana ako.Nagpapasundo na ho ako sa asawa ko"
Hindi nakakibo si Zeny.Dumating na ang kinatatakutan nila ni Igme.Nagsalita ulit si Heart."Salamat ho sa mga kabutihan ninyo sa aming mag ina.Pinatira ho nyo ako sa bahay ninyo kahit di nyo ko kakilala.

"Kaibigan ka ng anak ko.At saka parang anak na rin ang turing ko sa iyo.Si Igor parang apo ko na.Anumang oras pwede kayong bumalik dito."sabi ni Zeny.

10 Years AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon