Chapter 10

24 0 0
                                    

Pinagmasdan ni Zeny si Heart.Maganda ito pero ito na yata ang pinakamaganda niyang mukha.Maamo,mapayapa.Larawan ng isang masaya at kontentong babae.Nakatinngin ito kay Wax habang hawak niya ang kamay nito.Paano ba di mahuhulog ang loob ng anak nya dito.
"Salamat sa lahat ng tulong mo Wax.Naging posible ang lahat dahil sa iyo."sabi nj Heart sa binata.Pinisil ni Wax ang kamay ni Heart.Lahat gagawin ko parA sa iyo".Nangiti si Heart.Kung di siya nadala ni Wax sa hospital noon baka patay na.sila ng anak niya.Dahil sa dalawang beses na siyang nakunan takot siyang malaglag ito ulit.
Dahil nadala siya sa ospital agad naligtas ang baby niya.Umaapaw ang kaligayahan sa puso niya.Nuon niya napansin sila Meldy.Ngumiti siya."Kumustsa ho ang baby?"tanong nya.Ang gwapo.Siya ang piinakamagandang baby sa nursery""sagot no Meldy.Tumayo si Wax.Titignan niya ang baby.Siya namang pagpasok ng nurse,dala ang baby.Masaya itong kinarga ni heart.Sobra ang saya niya.Ganito pala ang nanay.Masarap ang pakiramdan.Si Wax ,nakatingin sa baby.Tama si Meldy.Gwapo ito.Maputi at tsinito.Manang mana sa ama.
Dalawang araw lang sa hospital si Heart.Umuwi siĺa agad.Alagang alaga niZeny si Heart.Kaya lang ang daming pamahiin.Di pwedeng humarap sa salamin.Di pwedeng kumain ng maasim.Ayaw siyang pakilusin halos.Gusto nakahiga lang siya.Ganun daw ang nasa dimon.Hindi nagreklamo si Heart.Alam niyang gusto lang ni Zeny kung ano ang mabuti sa kanya.Si Wax lagi din sa kwarto.Panay ang dala ng goto.Tinapay at lugaw.Iniinspeksyon ni Zeny lahat ng dala ni Wax.Si Meldy naman iyong baby ang inaatupag.Umingit lang ng konti pinadedede agad.Lagi itong kinakarga.Isinasayaw."Wag mong pagkakargahin"saway ni Zeny sa anak."Magiging malambing iyan.Mahihirapan si Heart sa pag aalaga.Kinakarga din ito ni Wax.Hinahalikan.Nahuli siya ni Zeny."Di pwedeng halikan sa mukha iyan.Gagaspang ang kutis.Magkakaroon ng butlig.Sa kamay mo lang pwedeng halikan.Wag nyong hahalikan sa paa.Bad yun.Sisipain daw kayo paglaki.Sunod sila sa bawat sabihin ng nanay.Puro naman sa kabutihan ni Heart at ng baby nya ang sinasabi nito.Nagpasundo din ito ng hilot.Kailangan daw maalagaan si Heart.
Matanda na ang hilot.Mga 75 na.Mas mapamahiin pa ito.Wag daw basta tatanggap ng dalaw.Magmamana daw doon ang baby.Tignan kung mabait at matino ang tao bago papasukin.15 days na di nakaligo si Heart.Sabi nung nanay ni Wax"magtiis tiis ka.Wala namang namamatay sa baho."Nung pinaliguan siya ng hilot,mainit init na tubig ang ginamit niya.Kaya lang pinagkuluan ito ng pito pito.Pakiramdam ni Heart parang para siyang naligo ng kape at saka sandali lang.Binalot siya ng kumot at pinabuhat kay Wax.Pangalawang ligo nya after 3days.Inilaga naman ang balat ng suha at ang pinagkuluan ang ipinaligo sa kanya.Kontra binat daw.Sunod pa rin si Heart.
."Huling araw na ito ng paghihilot ko sa yo.Sundin mo lahat ang bilin ko.Wag kang manalamin.Wag kang paaabot ng dilim sa labas.Bago mag alas sais dapat nasa kwarto ka na.Every 3 days ang ligo.Wag kang maggagalaw ng mabilis".sabi ng matandang hilot.Pinatayo siya.Tinalian ng tela ang mga tuhod niya.pinagdikit."Lakad"sabi ng hilot. "Ho?"Paano ho aq lalakad.Itinali ninyo ang tuhod ko"nagtatakang sagot ni Heart."Makakalakad ka pa rin.Dahan dahan nga lang.Wag matigas ang ulo Ineng.Para sa kabutihan mo lahat ito.Pag tinanggal mo na ang tali pagkatapos ng isang araw lalakad ka ng parang nakagapos pa rin .Unti unti lang ang hakbang.Iyoni itinali ko sa tiyan mo,hayaan mo ng 6months.Wag ka ding magkakain ng karne at isda,gulay muna.Mga isang linggo ka pang magtitiis.Pagkatapos back to normal na". sabi ng hilot
Halos himatayin sa kakatawa si Wax ng makita si Heart na lumalakad na nakatali ang magkadikit nitong tuhod."Ano ba ang ginawa nila sa yo?.Gusto ba nilang mabuwal ka?.Halika at tatanggalin ko"sabi ni Wax.
.... Narinig ni Zeny ang sinabi ng anak."Wag kang makialam Wax.Para sa mga babae lang ito.Konting tiis na lang Heart"sabi ni Zeny.Tumango si Heart.Wala namang masama kung sumunod siya sa matandang kaugalian.Alam ng matatanda ang dapat gawin.Sigurado siya ganun din ang magiging pag aalaga sa kanya ng nanay at biyenan niya.

10 Years AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon