In California Igor is having another dream.He saw a huge eagle diving towards him.He ran but the eagle was too swift for his short legs.It carefully enveloped him with his claws.It flew to the mountain top and released him there carefully.The eagle started making strange sounds.The funny thing is,the boy undertands what the eagle is saying.
Igor woke up."Papa we should go to Siquijor.Let's look for Magdalena Rada before it's too late".
"And who is Magdalena Rada?And who told you about Siquijor?"asked Ramon.
"Magdalena is a very bad witch.We have to talk to her before she dies".
"What are you talking about?Did you see it on tv?"Igor shook his head."The eagle told me".
"So you can talk to eagles now"Igor nodded."And what did this eagle said ?"
Igor
Sa Siquijor may mangkukulam.Kailangan nyo siyang makausap bago siya mamatay.Dalian nyo.Buhay ng mama mo ang nakasalalay.
Kinilabutan si Ramon.Di pwredeng di siya maniwala.Di kayang imbentuhin ng anak niya ang lahat.Ni hindi nga nito alam kung ano ang mangkukulam.At ang Siquijor ni hindi nababanggit sa carehome.
Kinausap niya ang mga in laws niya.
Gina
San mo nakita ang eagle?
Igor
Sa panaginip lola.Dinala niya ako sa bundok tapos kinausap nya ko.
Gina
Nagsasalita siya ng tagalog?
Igor
Hindi lola.Huni ng ibon pero naiintindihan ko.
Gina
Anong sabi?
Igor
Pumunta kayo ng Siquijor.Hanapin ninyo ang mangkukulam na si Magdalena Rada.Dalian ninyo bago mahuli ang lahat.
Ramon
Ano ang gagawin natin tay?
Bartolome
Uuwi tayo ng Pilipinas sa lalong madaling panahon.Kumuha ka ng apat na ticket .
. Nakakuha naman si Ramon.Lumipad sila ng alas dose ng Lunes.Straight flight ang kinuha nya.12 ng gabi ng Martes nag land sila ng Cebu.Mula Cebu nagpunta sila ng Siquijor.
Iba ang Siquijor sa inaasahan nila.Maganda ito.Maganda ang dagat.Maraming puno at mukhang safe .Nagtanong tanong sila tungkol kay Magdalena Rada.Tikom ang bibig ng lahat.Di daw nila kakilala.Wala daw ganung tao sa kanila.Nagtanong sila sa palengke,sa grocery,sa hospital pero wala daw ganung tao.
May matandang lumapit sa kanila."Hinahanap ninyo ang mangkukulam?Dalian ninyo baka di ninyo abutang buhay."Itinuro sa kanila ang lugar.
Kakaiba ito sa mga lugar na napagtanungan nila.Tumawid sila ng bukid.Sa isang maliit na kakahuyan pumasok sila.May mga bahayan doon na hindi mo agad mapapansin.Siguro dahil naitatago ito ng naglalakihang puno.Takot si Ramon.Ilang na lugar na ito.Hindi niya maiwasang kabahan .Baka di na sila makalabas ng buhay.Kahit si Gina at Bartolome di mapalagay.Parang may mga matang nagmamatyag sa kanila.Isama mo pa ang nadaanan nilang parang maliit na altar.Parang dito nagdadaos ng pag aalay.Napansin nilaa na may mga bahid pa ito ng sariwang dugo.
Kilik kilik ni Ramon ang anak.May nakita silang nakahiwalay na bahay.Maraming tao.Marami ding nagkalat na patay na manok.Inabutan pa nilang kasalukuyang sinasaksak ang isang baboy na itim.Meron ding asong itim na nakabitin.
Habang palapit sila sa bahay di maiwasang manginig ang tuhod nila.Tumatayo ang kanilang balahibo.
Halos kumaripas ng takbo si Ramon ng may magsalita sa gilid niya.Di niya napansin ang matandang babae.
"Kanina pa kayo hinihintay ng ina.Dalian ninyo.Hirap na hirap na siya.Di siya mamatay matay dahil sa inyo.Mababa ang boses ng babae.Halata ding naiinis ito.
Pilit na kinukuha ng matanda si Igor.Itinulak ni Ramon ang matanda.Hindi niya ibibigay ang anak nya.Noon lumabas ang dalawang lalaki.Hinawakan nila ang mga braso ni Ramon.Kinuha ng matanda ang bata.
Matanda
Ang tapang nyo.Hindi kayo pwedeng lumapit sa ina.Tanging ang bata lang.Siya ang alay.Kung karapat dapat siya,mabubuhay kayo lahat.Kung hindi kasama kayong malilibing ni ina.
Pumasok na sa kubo ang matanda.Sa loob may matandang nakahiga.Kulubot na kulubot ang balat at nakasabog ang buhok.Nanlilisik ang mga mata..
Mangkukulam
Ano ang pakay mo bata.?Hindi ako mamatay matay dahil sa yo.Igor
Gusto ko po ang mama ko.Mangkukulam
Naiintindihan mo ba ang sinasabi mo?Ang mga espiritu di nagbibigay ng walang kapalit.Pwede kang mamatay .Alam mo ba yun.?Igor
OpoMangkukulam
Pero gusto mo pa dinIgor
Opo.Mangkukulam
Ihanda ang altar.Sigurado ka gusto mo ang mama mo.Gusto mo bigyan kita ng maraming kendi at laruan kapalit ng mama mo?Igor
Si mama lang po ang gusto ko.
May lumapit na dalaga.Inihiga sa altar si Igor.May lumapit na isang dalagita.May dala itong kumot na itim.Ikinumot ito kay Igor.Takip nito ang bata pati na altar.Dalagita
Kailangan matapang ka.Kung gusto mo ang mama mo wag kang matatakot.
Dalawang babae ang lumapit sa tinatawag na ina.Medyo inupo nila ito.Nilagyan ng unan sa likod .Inipit din nila ang katawan nito ng dalawang unan.Lumulungayngay ang ulo nito.Mahinang mahina na talaga.Humilig sa kanan ang ulo matagal itong di kumilos.Matandang babae
Desta buhay pa ba ang ina?Kung patay na,ihiga mo na at umpisahan na ang ritwal.Isa pa ring matandang babae
Ina di ka pwedeng mamatay.Di mo pa naisasalin ang mutya.yugyugin nyo ng magkamalay.
Niyugyug ng dalawang babae.Nakayukayok pa din ito.Pi nayugyog pa ulit.Matandang babae 1
Baka naman naisalin na nya.Manloloko ka ina.Sabi mo sa akin.mo ibibigay.Matandang babae 2
Ako ang dapat lipatan.Ako ang pinakamatanda.At pag ako na ang puno,iaalay natin ang mga dayuhang iyan.Mga pangahas.Mangkukulam
Buhay pa ako.Mga walanghiya.Para kayong mga buwitreng nagbabantay sa namamatay.Pupunta ang mutya sa karapat dapat.Urza,kumuha ka ng maliit na lamesita.Kunin mo ang baraha ko.
Kumuha si Urza ng maliit na bangkito.1foot by 1foot ang lapad.Ang taas ng paa nito isang dangkal lang.Inilagay ito sa may hita ng matanda.Mangkukulam
Ipang,kunin mo ang belo kong itim.Magsitahimik kayo.Gagawin ko na ang ritual.
Itinaas ng matanda ang kamay.Nagsimulang umusal ng orasyon.Nagsimulang mahulog ang butil butil na itim na bigas.Dumami ito.Hindi mapakali ang dalagita.Awang awa sa bata.Pag puro itim ang lumabas na bigas di na makakauwi ng buhay ang mga dayo.
Tumatango ang matatanda.Dapat lang daw.Sekreto ang kanilang culto.Ni ang mga taga Siquijor takot pumasok sa teritoryo nila.
May nahulog na puting bigas.Nasundan pa ito ng bigas.Puro puti na ang lumalabas ngayon.Natakpan na ng puti ang itim.Matandang babae 1
Hindi maaari.!Kailangang mamatay sila.
Inilagay ng mangkukulam ang kamay niya sa bigas.Naging malaki itong rose.Ang pinakagitna parang bola ng pingpong.Kakilakilabot ang rose.Ang mga talulot nito ay pitong puso ng tao.Pumipintig ito.Pinaalis nito ang nakatalukbong na itim na kumot kay Igor.Mangkukulam
Lumapit ka sa kin bata.Ang bawat puso ay ang mga nilalang na nagmamahal sa iyong ina.Nanghihingi ng kapalit ang mga espiritu.Palayain nyo ang iyong mama.Pag pinalaya nyo mabubuhay siya pero di na ninyo makakapiling.Kung palalayain nyo siya,dalin ninyo sa dagat ang pusong rosas.Ito ay pagaari ng mga babaylan ng Siquijor.Nararapat na sa dagat din niya ito malibing.Papasukin ang mga dayo.Tinignan niya si Ramon,Masakit magparaya.Kung magiging makasarili ka,mamamatay ang asawa mo.Nasa iyo ang pagpapasya.24 oras lang kayo pwedeng mag isip.Humayo kayo.Walang lilingon.Kailangan bago sumapit ang 12 ng gabi nakalabas na kayo sa bayang ito.Sa loob ng 24 oras kailangang wala na kayo sa Siquijor.At wag na kayong babalik.Habang buhay ako,ligtas kayo kaya samantalahin ninyo.
Pinalapit niya ang dalagita.Binulungan.Gabayan mo sila.Kung talagang di sila makakalabas ipasok mo ng bisita.Duon sila mamalagi hanggang magumaga.Magbantay ka sa labas ng pintuan.Maraming may gustong dumanak ang dugo ngayong gabi.
Hinawakan ng dalagita ang kamay ni Igor."Tayo na.Delikado ang buhay nyo."Lumabas na sila.Galit ang mga tao.Gusto silang sugurin .Ng nakalabas sila ng kakahuyan tumakbo sila.Takbo puro takbo.Matandang babae 2
Hindi kami sang ayon sa pagpapalaya mo sa kanila.Dapat patayin natin sila at ialay sa mga espiritu.Mangkukulam
Di ninyo sila gagalawin.Ang sekreto natin di nila ipagsasabi.Ngayun lang ako nakagawa ng mabuti.Hayaan ninyong mahugasan nito kahit kaunti ang katakot takot na kasamaang ginawa ko.
Pinipilit ng mangkukulam na idilat pa ang mga mata niya.Habang buhay siya ,ligtas ang mga dayo.
BINABASA MO ANG
10 Years After
Romance"Kung sino man ang tumututol sa kasalan ito magsalita na o panghabang buhay na manahimik". Ako tumututol ako,sabi ni Wax.May utang sa kin ang babaeng yan.Magbayad muna siya bago siy a magpakasal.