Isinuot ulit ni Heart ang traje de boda.Bumalik siya kay Wax,"tayo na."Nakatingin lang ang binata.Si Delfin ang nagsalita,"sasama ko,para makasimba naman."
Sa daan walang kibuan ang tatlo.Bawat isa may iniisip.Si Wax,nagpapasalamat at matrapik.Dinadasal niya na magkaroon sana ng landslide sa Antipolo.Yung walang makakaraan sasakyan.Sigurado siya na pag di sila nakarating doon ng 9pm sa kanya na si Heart.
Si Delfin halos mapiga na ang utak sa kaiisip.Gusto niyang magkatuluyan ang dalawa.Si Wax naduduwag.Nagaalinlangan.Si Heart nakokonsensiya.Paano ba niya makukumbinse ang dalawa na sakit ng loob at pagdurusa ang mangyayari sa kanila pag nakasal sa iba ang dalaga."Wag kang magmadali Wax,marami pa tayong oras.9pm pa ang kasal ni Heart."Sumagot si Heart,"9am po.Umaga po ang kasal ko."Napatingin ang.dalawa sa dalaga."9am?Aba eh wala na tayong aabutan.Wag na tayong tumuloy.Magtanan na lang kayo ni Wax."Nagkatinginan si Wax at Heart.Kung pwede lang sana pero tama ba yun?Tumingin sa malayo si Heart.Naging napakabait ni Ramon sa kanya.Pati ang mga magulang niya,puring puri ang binata.Dahil sa malaki ang tiwala nila dito,pumayag silang pakasal dito si Heart kahit 16 pa lang ang dalaga.30 na si Ramon.Magbuhat ng magkakilala sila,di naaaa tumingin sa ibang babae ang binata.Gwapo ito,mayaman kaya maraming nagkakagusto.Pero ang gusto niya si Heart.Pati si Nilda,mama ni Ramon ay boto kay Heart.Magiging smooth sailing ang marriage niya.Bakit nagaalangan siya ngayon?Dahil ba iba ang nararamdaman niya kapag nasa tabi niya si Wax?Di ba kataksilan yun?
Tuloy sa pagmamaneho ang binata.Nakikita na nila ang simbahan ng Antipolo.Parang namatayan ang tatlo.
Sa loob ng simbahan kinakausap ni Bartolome,tatay ni Heart,si Ramon."Pasensiya ka na.di namin alam kung bakit di sumipot ang anak namin.Hiyang hiya kami sa yo."Ang nanay naman na si Gina ang ."Umuwi na tayo.Gabi na.Kakausapin namin ang anak namin pagdating namin sa bahay.Umiling si Ramon."Pilya si Heart.Sinusubukan lang niya kung kaya ko siyang hintayin.Kung kaya kong mapahiya ssa iba dahil sa kanya.Parating na.siya.Punta na ho kayo sa pwesto nyo sa may pinto ng simbahan."Tinawag ni Ramon ang mama niya."Sunduin mo na ang pari mama.Tuloy na ang kasal."Tinawag ni Ramon ang nag oorgan at ang kakanta.Pasensiya na kayo sa abala.Dadagdagan ko na lang ang ibibigay ko sa inyo.Gandahan nyo ha."
Dumating ang pari."Nasaan na ang bride?".Pababa na ho yun ng kotse.2minutes to 9 pa lang naman ho.Nailing ang pari."Masyado mo siyang mahal hijo.Napakaunawain mo.Dumating na sana siya"
Tumingin sa relo niya si Ramon.9pm na.Magsimula na tayo father.Tumingin ang pari sa pinto.Nandun ang" bride.Tumugtog na ang organ.Kumanta na ang singer."Tinanong mo sa akin kung sino ang aking mahal.Sabi ko sa yo ikaw ang.aking mahal"Tumagos sa puso ni Heart ang ibig sabihin ng kanta.Naluha siya.Mahal na mahal siya ni Ramon.Nang iabot ng tatay niya ang kamay niya kay Ramon tumulo ang luha nito.Huminto siya.Kinuha ang panyo na nakadekorasyon sa amerikana ni Ramon."Andito na ko luv,wag ka ng umiyak"Inakap siya ng binata."Sobra kitang mahal.Kaya kong tiisin ang lahat alang alang sa yo."Na iyak ang lahat ng nasa simbahan.Nandun din si Wax at Delfin.Umiyak siya kasi ikakasal sa iba ang babaeng mahal niya.
Magsisimula na tayo,bago mas kumunti pa ang bilang natin.Kanina siguro nasa mahigit 100 ang tao.Ngayon 11na lang"Tawanan sila.Natawa si Ramon,inakap si Heart."you are an imp luv.But I love you."
Nagsalita na naman ang pari"kung sino man ang tumututol sa kasalang ito,magsalita na o pang habang buhay ng manahimik."Tumingin ito sa mga tao.Tumayo si Wax at sa gumagaralgal na boses nagsalita."Tumututol ako,di pwedeng pakasal ang babaeng.yan."Napapalakpak si Delfin.Sa wakas natauhan na si Wax.
"Bakit ka tumututol lalaki?"tanong ng pari.Nag isip si Wax,pwede ba niyang sabihing nobya niya si Heart?Pero di naman tatoo yun.May naisip siya bigla.May utang sa akin ang babaeng yan.Magbayad muna siya bago magpakasal."Nanlumo si Delfin.Ano ba ang pinagsasasabi ni Wax.Nakahinga ng maluwag si Nilda.Nilapitan niya ang binata."Magkano?"Nagisip si Wax.Kaailangan lakihan niya para di makabayad si Heart."10k."sabi ng binata.Binuksan ni Nilda ang bag niya,naglabas ng 10k.Inabot ito kay Wax.Lumakad na ito pabalik sa upuan nito.
"Magpatuloy na tayo.Ikaw ba babae ay kusang nagpunta dito para pakasal sa lalaking ito.?Bago makasagot si Heart nagsalita si Wax."Tumututol ako."Napabuntong hininga ang pari."Di ba bayad ka na,bakit tumututol ka pa?sabi nito.Sumagot ang binata.Kulang pa ho.Marami siyang pinaabonohan sa akin."Tumayo si Nilda,lumapit kay Wax.Inabot sa binata ang 3k."Naiintindihan kita binata.Pilya si Heart.Wag mo nang guluhin ang kasal nila.PLEASE."
At natuloy na ang kasal ng dalawa.Kitang kita sa mukha ni Ramon ang kasiyahan nito.Imbitado ang lahat sa reception.Ang handa para sa 200 guest,9 na lang ang kakain.Ipababalot na lang ang sobra.
HIndi makatayo si Wax.Nakatulala ito.Lumapit ang tagapaglinis ng simbahan,"magsasara na ho kami".Hinawakan sa braso ni Delfin si Wax."Ihahatid na kita.Ako na ang mag dra drive."
Sa bahay nila Wax,excited na sumalubong ang nanay nitong si Zeny at kapatid na si Meldy.Nagulat sila ng makita si Delfin,lalo na ng akayin nito si Wax papasok ng bahay."San ho ang kwarto niya?Itinuro ni Zeny."Ano ho ba ang nangyari?"tanong nito."Medyo na shocked lang ho"paliwanag ni Delfin.Nilingon si Meldy."Wag mo munang kukulitin ang kuya mo ha."Nagtataka si Meldy.Ngayon lang niya nakitang ganun ang kuya niya."Ano ho ang nangyari sa kuya ko?"Nag isip nang isasagot si Delfin."May nakilala kasi siyang multo.Kaya ikaw iiwas ka sa multo."Ngumiti siya kay Meldy at nagpaalam na kay Zeny.
To be continued
BINABASA MO ANG
10 Years After
Romance"Kung sino man ang tumututol sa kasalan ito magsalita na o panghabang buhay na manahimik". Ako tumututol ako,sabi ni Wax.May utang sa kin ang babaeng yan.Magbayad muna siya bago siy a magpakasal.