Nagpasiya ng umuwi si Wax.Isang bote pa ng beer at di na siya makapagdra drive pauwi.Isa pa gusto na niyang makauwi kay Heart.
Bukas pa ang ilaw sa.salas ng dumating siya.Good.Baka gising pa si Heart.Baka nag aalala ito at di pa siya dumarating.Bumaba siya ng kotse.Sinuklay muna ng kamay niya ang buhok niya.Kailanngang pogi siya pag humaharap sa mahal niya.Kumatok siya.Dali dali itong binuksan ng ina niyang si Zeny.Kumunot ang noo nito.Lasing si Wax.Alam na kaya nito na aalis na ang mag ina.Pero hinihintay siya ni Heart para magpaalam.Iba ang dahilan kung ganun.Sa ibang araw na lang siya magtatanong.May problema pang haharapin si Wax.
Lumapit si Heart ng makita si Wax."Nakainom ka.Siguro nagkainuman kayo ng mga kaibigan mo.Gusto mo ng kape.?Ipagtitimpla kita."Umiling si Wax.Inakap si Heart."Ang lambing ng mahal ko.Paano ba kita makakalimutan.?Ang daming babaeng humahabol sa kin,pero ikaw pa rin ang gusto ko.Di pumiglas si Heart.Hinayaan niya si Wax na paghahalikan siya.Si Wax mismo ang titigil.Alam nito na hindi pwede.Maya maya pa huminto si Wax.Inakbayan siya. Kumusta ka?Kumusta ang baby?Marami pa ba itong gatas?"Tumango si Heart.Paano ba siya magpapaalam kung ganitong lasing si Wax.Baka magwala ito.Tinignan niya si Zeny.Tumango ito.Tumango din siya.Inuupo niya si Wax sa upuan."May sasabihin ako.sa yo
Wag kang magagalit ha."Ngumiti.si Wax."Ano yun.Di ako pwedeng magalit sa yo,pwera lang kung iiwanan mo ko."Inakap ni Wax sa baywang si Heart,inupo sa mga hita nya."May gusto ka bang ipabili?,puntahan?Sabihin mo."Lalong di makapagsalita si Heart.Parang nawala ang pagkalasing ni Wax.Bigla siyang kinabahan."Aalis ka na?Aalis na kayo ng baby?Bakit?"Tumango si Heart."Susunduin na ko ni Ramon"Parang binagsakan ng hollow block sa ulo si Wax.Para siyang nawalan ng lakas.Para siyang sinuntok ni Pacman.Gusto niyang umiyak pero di umiiyak ang lalaki.Tinignan niyang mabuti ang mukha ng babae sa kandungan niya.Maamo ang mukha.Maganda.Pero hindi kanya.Paulit ulit na sinasabi ng isip niya.Hindi kanya.Hindi kanya
Itinayo niya si Heart.Tumayo din siya."Kailan?"tanong niya."Tinawagan ko siya kanina.Mga 1 hour na".sagot ni Heart.
"Ibig sabihin,anytime parating na siya.Nay maghanda kayo ng meryenda.Meron tayong magiging bisita."Tumingin sa wall clock si Zeny."Disoras na ng gabi.Siguro magpapabukas na yun".Umiling si Wax."Basta tumawag si Heart,darating si Ramon."
Hindi nagtagal may pumaradang sasakyan sa labas.Isang montero,latest model.Maya maya may nagpa tao po.Walang kumikilos kila Wax.Nagising si Igme.Sino ba yung nagpapatao po sa labas ng bahay.Kinapa niya ang asawa.Noon lang niya nalamang wala ito sa tabi niya.Pupungas pungas siyang tumayo.Lumabas ng salas.Nagtaka siya sa 3 nandun.Si Zeny parang nalilito.Si Wax galit.Bibihira nila itong makitang magalit.Si Heart namumutla.Parang natatakot.Malakas ang pakiramdam ni Igme na may kaugnayan ito sa tumatawag sa labas.Lumakad siya para buksan ang pinto pero nandun na si Zeny.Narinig niya ang boses nito
"Sino yan?Bakit ho?".May sumagot .Isang lalaki."Ako ho si Ramon.Asawa ho ako ni Heart.Nagpapasundo po siya sa akin.Nandiyan ho ba siya?."Walang nagawa si Zeny.Pinapasok niya si Ramon.Nakita nito kaagad si Igme."Magandang gabi po."Sumagot si Igme."Magandang gabi din.Ano ho ba ang atin?Malalim na po ang gabi,bakit napasugod kayo?"Sumagot si Ramon."Pasensiya na po.Ako po si Ramon ,asawa ni Heart.Tumawag po siya kanina sa bahay.Yun pong maid ang nakausap.Nandito daw po siya.Susunduin ko na po ".May huminto na naman na sasakyan.Everest naman."Tao po,Tao po".Kumunot ang noo ni Igme."Tao ulit?"Nabosesan ito ni Ramon."Mama ko po yun.Wala po siya ng umalis ako.Sinabi ho siguro ng maid na nagpunta ako dito ,kaya sumunod".Pinapasok ni Zeny si Nilda.Nagmagandang gabi ito."Pasensiya na po kayo kung napasugod kami.Nakatanggap ho kasi kami ng balita na nandito daw ang manugang ko.Napakagandang balita po noon kaya napasugod kami.
Maya maya may nagpatao po na naman."May mga kasama pa ho ba kayo.May tumatawag na naman" sabi ni Igme.

BINABASA MO ANG
10 Years After
Romance"Kung sino man ang tumututol sa kasalan ito magsalita na o panghabang buhay na manahimik". Ako tumututol ako,sabi ni Wax.May utang sa kin ang babaeng yan.Magbayad muna siya bago siy a magpakasal.