Hinawakan ng taxi driver ang kamay ng babae.Pinisil.Nabuhayan siya ng loob.Mainit,may buto at laman.Tao.,tao ang katabi niya."Sino ka ba?Bakit ka sumakay sa taxi ko.Nasan ang kasama mo?tanong ni Wax.
Ako si Heart Buenavidez.Nasiraan ang bridal car na sinasakyan ko.Sumundo ng mekaniko yung driver.Nainip ako at saka mainit.Nakita kitang pumarada pumarada.Sumakay ako.Tulog ka,natulog din ako."Nilingon ni Wax ang babae.Pwede ba tanggalin mo ang belong nakatakip sa mukha mo.Kinikilabutan ako.
"Hindi pwede.Baka ma in love ka sa kin.Kargo de konsensiya pa kita"sagot ni Heart.Natawa si WaxAlam niyang gwapo siya.Habulin ng chicks.Tapos sasabihin nitong multong tao na ito na baka ma attract siya dito.No way!'Alam mo miss dalawa na ang nobya ko.Wala akong balak kumuha ng pangatlo.At saka di ka conceited,nu.Siguro nang magsabog ng virtue ng kababaang loob si Lord,tulog ka.Wala kang napulot kahit isang butil."ani Wax.
Natawa ang dalaga.Nagulat si Wax.Parang bumukas ang puso niya.Dahil sa tawa?Totoo na masarap itong pakinggan pero wala naman sigurong na in love sa tawa.
"Gud.Taxi driver ka,pasahero aq.Let's keep it that way."Luminga linga si Heart."May nakita ka bang nagtitinda ng buko?Nauuhaw ako.Ayun!Bili ka.Abunohan mo muna.Babayaran ko pagdating ng simbahan."Inihinto ni Wax ang taxi.Bumaba.Bumili ng dalawang buko.Pagbalik niya sa sasakyan,nakaupo na sa harap si Heart.Nakalilis ang gown hanggang hita.Tinatanggal nito ang puting stockings.
"Ano ang ginagawa mo?tanong ng binata..Umingos si Heart."Di ba obvious?Tinatanggal ko ang aking stockings.Di ko kailangan yan.Bat kailangan ng mga babaeng magsuot ng ganyan."Inabot ni Wax kay Heart ang buko.Sa sobrang uhaw naubos agad ng dalaga ang sabaw ng buko.Yung laman naman ang kinain niya."Alam mo ba yung swimmingpool na nilalagyan ng yelo?Punta tayo dun." Tinignan siya ni Wax."Sa Bocaue yun.Wag mong sabihing magswi-swimming ka ng naka gown.Baka di ka lumutang.10 kilos yata ang bigat ng suot mo."Natawa si Heart.Wala ka bang baon na shorts at t shirt?Pahiram naman.
Dumating sila sa.resort.Sinalubong sila ng boy.Nakita niya si Wax."May shooting ho kayo dito"Nangiti si Wax.Napagkamalan na naman siyang si Richard.Inabot niya ang damit kay Heart.Pagkaabot lumakad na si Heart.May nakasalubong siyang matandang lalaki."San ho ako pwedeng magpalit?"
"Ako si Delfin.Ako ang may ari ng.resort.Pasensiya ka na pero ngayon lang may dumating dito na naka traje de boda at mag swi-swimming.Initiation ba ito ng Sorority?"Umiling si Heart."San ho ako pwedeng magpalit?"Itinuro ni Delfin ang opisina niya.Lumakad palabas si Delfin.Nakita niya si Wax.Lumapit siya kay Wax.Kinamayan mag shu-shooting ba kayo dito Richard?"Natawa ng malakas si Wax.Hindi po ako artista.Ako po si Wax,taxi driver.May pasahero ho ako.Yung naka gown.
BINABASA MO ANG
10 Years After
Romance"Kung sino man ang tumututol sa kasalan ito magsalita na o panghabang buhay na manahimik". Ako tumututol ako,sabi ni Wax.May utang sa kin ang babaeng yan.Magbayad muna siya bago siy a magpakasal.