Nakarating sila sa tuktok.Napaupo si Desto sa sobrang pagod.Hingal kabayo,eka nga.
Tuminginsiya sa paligid.Maganda nga pala dito.Parang abot mo ang mga ulap.Malamig.Mas maganda sana
kung kasama ng boss niya si mam Carla.
Nakikita niya ang mas mabababang bundok.Nasa bundok sila pero napapaligiran pa rin sila ng bundok.Bundok dito,bundok doon,bundok everywhere.Parang at peace ka dito.Pumikit siya.Sarap ng hangin.Ang lamig.Nadilat sya bigla.Sumisigaw si Wax.
"Destiny,naririnig mo ba ko?Tama ba ang ginawa mo?Pinaglaruan mo ang puso ko.Dinala mo sa mundo ko si Heart,di naman pala pwedeng maging kami!"Tumahimik sandali si Wax.Si Desto tahimik na nakikinig.Lasing na ang boss niya.Akalain mo pati si destiny kinagagalitan.Hmmn.Heart pala ang pangalan noong babae.Maganda kaya ito.Siguro.Kasi bakit inayawan si mam Carla.Panay ang tingin niya sa boss niya.Baka bigĺa itong lumundag.Mababawasan ng gwapo sa earth.Out numbered pa naman sila ng mga pangit.
Nagsalita na naman si Wax."Yung una naming pagkikita,pagkakamali na.Bat pinagtagpo mo uli ang landas namin.Sadista ka ba?Masaya ka bang makitang durog durog ang puso ko?How dare you!Di ako laruan,di ako tau tauhan.Walanghiya ka destiny!Makinig .Makinig kang mabuti.Wag mo na siyang dadalhin sa mundo ko.Ang una posibleng nagkataon lang.Ang pangalawa,kalabisan na.Ang pangatlo pang gagago na.Kaya wag mo siyang dadalhin sa kin.Di na ko magiging maginoo.Magiging kidnapper na ko.Di ko na siya papakawalan.Masaktan na ang masasaktan.Bakit?Sila lang ba ang pwedeng maging masaya?Pano ko?Dapat ako din.!Destiny nakikinig ka ba?"
.Sumagot si Desto."Bossing nakikinig ako.Kung di nakikinig yang pahamak na destiny na yan,ako all ears!."Lumapit si Desto kay Wax."Bumaba na kaya tayo boss.Baka nasa baba si destiny.Baka di niya type umakyat ng bundok".
Natawa si Wax."Okey ka rin.At least hindi ako nagiisang galit kay destiny.Lasing ka rin nu ".
. "Slight lang boss.Pero pag nakita ko si destiny,lulundagin ko.Itatali ko at dadalhin sa yo"
Nagtawa ng nagtawa si Wax."Desto,marami ka yatang nainom.Buti na lang kasama mo ko.Maaalalayan kita.May pinagdadaanan ka siguro.Matindi rin ang hugot lines mo."Tumango si Desto.Naisip niya.Ano ba ito?Ang boss niya ang maraming nainom,tapos siya pa ngayon ang lasing.Kailangan makababa na sila.Baka magalit na si.destiny,batukan pa silang dalawa.Posible.Naniniwala siya na may espiritu ang bundok,lupa,tubig ,hanginpati na ang mga puno.Baka naiinis na ang mga ito sa kasisigaw ni Wax.Baka bigla silang sipain at ihulog sa bundok.Kailangan alalayan niya ang boss niya.Mas mahirap ang paakyat kesa pababa ng bundok pero madulas ang daan."Boss madulas ang lupa .Di baleng mabagal ang pagbaba natin.Wag tayong magmadali."Kasasabi pa lang niya ng biglang dumulas si Wax.Napasalampak ito.Tawa ito."Kulang ako sa exercise".Lakad na naman sila.Nadulas ulit si Wax.Napaupo.Napailing si Wax."Mahina na ang tuhod ko.Kailangang mag gym".
Nakababa naman sila.,kaya lang dalawang beses dumulas si Desto.Gumulong siya pababa.Mabuti na lang nahaharang siya ng ibang puno.Ang aalalay siyang inalalayan.Panay ang kantyaw ni Wax."Kailangan makabalik ka sa Mrs.mo ng buhay.Konting ingat.Ako ang sisisihin ng Mrs. mo paag umuwi ka ng nakasaklay".Tawa na naman si Wax."Akalain mo ,lampa ka pala.Kailangan mong magkakain ng balot para tumigas ang iyong tuhod".Natawa din si Desto.Okey lang sa kanyang mapagtawanan.Di kasi siya nag ingat.Basta sana good mood lagi ang boss niya.Sana magustuhan na nito si mam Carla.Wala naman palang pag asa duon sa Heart na yun.Di ba dapat mag move on na si Wax.No one is irreplaceable.Naks.Saan ko ba nabasang libro yun.Palibhasa kasi naglakwatsa siya nuong college.Di tuloy siya nakatapos.Pero may asawa siya at anak.Si Wax engineer nga pero magpapakatandang binata yata.Sus,ginoo.Indespair pala ang kanyang bossing.
BINABASA MO ANG
10 Years After
Romance"Kung sino man ang tumututol sa kasalan ito magsalita na o panghabang buhay na manahimik". Ako tumututol ako,sabi ni Wax.May utang sa kin ang babaeng yan.Magbayad muna siya bago siy a magpakasal.