"Mrs.okey lang ho ba kayo?Dadalhin ko kayo sa hospital"sabi ng taxi driver.
Hindi makapaniwala si Heart.Nasa langit ba siya?Di siya pwedeng magkamali boses ni Wax yun.Tumingin siya sa driver,si Wax nga.Hindi magkandatuto si Wax.Duguan ang sakay niya,kailangang makarating sa hospital agad.Nilingon niya ang babae.Puro dugo ito."Dadalhin kita sa Makati Med."Umiling si Heart."Wag sa Makati.Quezon City o Manila pwede na.Wag mo din ibibigay ang pangalan ko."Nagtataka si Wax.Takot ang babae.Parang may gustong itago.Wala na siya doon,basta kailangang madala niya ito sa hospital.Baka maubusan pa ito ng dugo.
Sa wakas dumating sila ng East Avenue.Inalalayan niya ito.Tumingin ang babae sa kanya.Nanginig siya."Heart!Heart! Shit!Anong nangyari sa iyo?"Pinangko niya si Heart.Pumasok sila ng hospital."Doc!Doc!Nurse !Tulong!"May humimas sa likod nya."Sir,nasa hospital na ho kayo.Kalma lang ho.Nasa ER na ho ang Mrs.nyo.Saka lang naramdaman ni Wax ang panginginig ng tuhod niya.Nangiti ang nurse."First baby nyo ho ba?"Di maintindihan ng binata ang sinasabi ng nurse.Alam lang niya,duguan si Heart.Walang hiyang Ramon yan.Papatayin nya ito pag nakita nya."Gusto ho kayong kausapin ng doktor."sabi ng nurse.Lumapit si Wax sa doktor."Okey na ho ang Mrs.nyo.Muntik ng malaglag ang baby pero ligtas na ang mag ina.Sasusunod pag lasing kayo wag kayong humahawak ng kutsilyo.Tignan nyo muntik ng mamatay si Mrs. at ang anak nyo.Kailangan ho niya ng pahinga.Complete bed rest.Ito ang bibilhin mong gamot.May vitamins at saka pangpahinto ng dugo.Swerte di nalaglag ang baby.."
Ng nasa taxi na sila,galit na nagtanong si Wax."Si Ramon ba ang sumaksak sa yo.?Wag mo na siyang pagtakpan."Pag nakita ko ang Ramon na yan papatayin ko."
"Hindi si Ramon.Si Rona. "Naguluhan ang binata.Sino si Rona?"Saka ko na lang i kwekweto sa yo.Gusto kong magpahinga ."
"San kita ihahatid.?Ituro mo sa kin ang lugar."sabi ni Wax.
"Kahit saan wag lang sa amin.May gustong pumatay sa kin at sa baby ko.Tulungan mo ko Wax."Di kumibo ang binata.Tuloy sa pagmamaneho.Iniliko ang taxi.Binagtas nila ang Espanya."May pera ka ba?"tanong niya kay Heart."Wala pero pag pinautang mo ko babayaran ko din agad.."sagot ni Heart.Inihinto ni Wax ang taxi."Bahay namin ito.Dito ka muna.Sa kalagayan mong yan kailangan mo ng mag aalaga sa yo."Biglang nagtawa si Wax."
Gustong mag nurse ni Meldy ,kapatid ko yun,matutuwa siya.Dinalhan ko siya ng pasyenteng ma pag prapraktisan.Makulit yun pero mabait.Ako na ang bahala sa mga parents ko. Halika na."
Sumunod si Heart .Maliit lang ang apartment.Ipinakilala siya sa mga magulang ni Wax."Nay,kaibigan ko ho.Nasaksak ho ng naghahabulang mga lasing.Inuwi ko ho muna dito para makapagpahinga.Taga Basilan siya.Di pa niya kayang magbiyahe.."
"Pasensiya na ho kayo sa abala.Aalis din ho ako kaagad pag lumakas na ako.."nahihiyang sabi ni Heart.
."Welcome ka naman dito.Pagtitiisan mo lang ang lugar namin at maliit.Doon ka na sa kwarto ni Meldy ."sabi ng tatay ni Wax.
."Salamat ho.Pipilitin ko hong makatulong sa gawaing bahay."pahayag ni Heart.
."Magpahinga ka lang.Complete bed rest ang sabi ng doktor.Ingatan mo ang nasa tiyan mo",sabad ng binata.
Okey naman ang naging treatment nila kay Heart.Lalo na si Meldy.Parang kapatid ang turing niya kay Heart.Si Wax maagang umuuwi.Laging kinakausap si Heart.Naikwento na nito ang tungkol kay Rona.Gustong sugurin ito ni Wax pero pinigilan siya ni Heart."Kailangan masiguro ko na ligtas ang baby ko.Kaya nga ako nagtatago para di niya makita."
Walang nagawa si Wax.Ang mga magulang niya ang nakapansin ng kakaibang kilos ni Wax.Mas naging masayahin ito.Naisip nila na maaaring nobya ni Wax ito.Nabuntis kaya inuwi sa kanila.Hindi nila inaasahan na mahuhulog ang loob nila kay Heart.Siguro dahil sa mabait ito talaga.Buntis man ito kita pa rin ang natural nitong ganda.Naisip nila si Carla.Kaibigan ito ni Wax.Kasakasama ng binata sa libutan at mga parties.May gusto ito sa binata.Ilang beses na rin itong dinala ni Wax sa bahay nila.Mabait si Meldy dito pero ngayong nasa kanila si Heart nakita nila ang kaibahan ng pakikitungo nito kay Carla.Si Heart kapatid ang turing niya.Tawag niya dito ate buntis.
Madaling lumipas ang mga buwan.Due date na ni buntis.Wala si Wax.Si Wax ang kasakasama ni Heart sa pagpapa check up.Ibinili na rin ng binata ng mga gamit ang baby.Madalas na panoorin ni buntis ang mga gamit ng baby.Pag nakikita ito ni Wax,nakakaramdam ang binata ng kakaibang saya.Madalas niyang hawakan ang baywang at kamay ni Heart.Kaya di mo masisisi ang mga magulang ng binata kung magkaroon ng ibang haka haka.Pati si Meldy ang akala niya nobya ng kuya niya ang ate buntis niya.
Kaya lang manganganak si Heart ng wala si Wax.Nasa Laguna ito at may inaasikasong condominium.Lingguhan ito kung umuwi.Kaaalis lang nito .Martes pa lang ngayon.Biyernes pa ng gabi ang uwi nito.Si Meldy at ang mga magulang nito ang nagsugod sa hospital.Tuliro sila lahat.Binuhat ni Meldy ang foam sa kama ni Heart."Iwanan mo yan,may mga higaan sa hospital"sabi ng nanay ni Wax.Tumawag ng taxi ang tatay."Dalhin mo kami sa hospital sa Quezon city.Wag sa St. Lukes."Sumunod ang driver.Sabi ni Meldy"tay bakit ka kumuha ng taxi?Di ba may taxi tayo."Natawa si Zeny. "Excited kasi ang tatay mo."
Sa wakas narating nila ang East Avenue Hospital.Nagbabaan sila.Puntahan sila sa Information."Mayroon ho kaming manganganak na pasyente."sabi ng nanay."Oho,masakit na ho ang tiyan."sabi niMeldy.Tinignan sila ng nurse.Asan ang pasyente.?Nagkatinginan sila.Natapik ni Igme ang ulo niya."Naku,naiwan sa taxi."
Binalikan nila.Inabutan nila itong nagbabayad ng fare.Sa balikat nito may nakalagay na bag.May bitbit pa itong isa sa kabilang kamay.Sa flooring may isa pang bag.Lumapit si Meldy.Kinuha ang isang bag.Kinuha ni Igme ang mga dala dala ni Heart.
BINABASA MO ANG
10 Years After
Romansa"Kung sino man ang tumututol sa kasalan ito magsalita na o panghabang buhay na manahimik". Ako tumututol ako,sabi ni Wax.May utang sa kin ang babaeng yan.Magbayad muna siya bago siy a magpakasal.