Pinapasok ang mga magulang ni Heart.Nagmagandang gabi ulit.Si Ramon ang tinanong."Totoo ba Ramon,tumawag si Heart?"Makikita sa mukha ni Gina ang kaba.Natatakot siya na baka false alarm ang lahat.Tumango si Ramon."Talaga?sabi ni Gina.Excited ang boses nito.
Naririnig ito lahat ni Heart.Di siya makalakad sa sobrang tuwang nararamdaman.Na miss niya ng husto ang asawa niya,ang mga magulang niya at ang mabait na biyenan.Napatingin si Ramon sa may kanang bahagi ng salas.Hindi nila napansin si Heart dahil may artificial na mataas na halaman na dekorasyon.Nilapitan nito si Heart.Inakap.Pinaghahalikan."Paano mo ko natiis ng walong buwan?Hinanap kita sa mga hospital.Pati sa paligid ng UP campus ,nagbakasakali ako.Pati mga art exhibitions pinuntahan ko.Baka sakali nandun ka.Halos mabaliw ako Heart".
Umiiyak na umakap si Heart sa asawa."Sorry.Pero kailangan kong gawin yun.Alam mo naman ang ginawa sa kin ni Rona.".Nagsalita si Nilda."Wala na si Rona.Wag ka ng matakot.Babalik ka na sa bahay".Lumapit si Gina.Inakap ang anak."Ang mahalaga kasama ka na namin ulit"Nag iyakan ang mag ina.Tahimik na nakatingin si Zeny,si Igme at si Meldy.Nagising ito sa sunod sunod na patao po ng mga bisita.Kitang kita nila kung gaano kamahal ng mga nagsidating si Heart.Si Wax nakatalikod.Ayaw niyang makitang inaakap ni Ramon si Heart.Nadudurog ang puso niya.Napansin ni Ramon ang nakatalikod na lalaki.Nagsalita si Heart."Siya ang tumulong sa akin ,si Wax.Kung di sa kanya baka patay na ko ngayon."Nilapitan ni Ramon si Wax "Salamat pare.Malaki ang utang na loob ko sa yo."Humarap si Wax.Nagulat ang mga nagsidating. Di nila pwedeng makalimutan ang mukha na yun.Ito ang tumutol sa kasal ni Heart..Matagal na nagtitigan ang dalawa.Parang nagsusukatan ng pagkalalaki.
Tumingin si Ramon kay Heart.Para siyang nalilito."Siya ang nagdala sa kin sa hospital.Muntik na kong mamatay nun.Dito na rin ako tumuloy dahil wala akong dalang pera."paliwanag ni Heart.Nakahinga ng maluwag si Ramon.Hindi sumama.sa ibang lalaki ang asawa niya.Nakituloy lang.Expect Heart to find no malice in her action.Masyado ang trust niya sa mga tao.
"Pare bayaran ko yung nagastos mo sa ospital.Wag ka sanang tatanggi".Sabi ni Ramon.Sumabat si Heart."Ang dami mong nagastos sa kin.Hayaan mong palitan ni Ramon ang mga naubos mo sa mga gamot ko."
Nakakatakot si Wax ng mga oras na yun.Mahinahon siyang nagsasalita pero makahulugan ang bawat salita."Di ako nagpapabayad.Tulong iyon ng isang tao sa kapwa niya.Pero sana ito na ang huli nating pagkikita.Ayaw na kitang makita Heart.Wag ka ng pakikita sa kin.Sa susunod na magkita pa tayo di ka na makukuha ni Ramon.Sa tabi ko ikaw mamamalagi".
Di umimik si Ramon.Naiintindihan niya ang sakit na ibinigay ni Heart sa binata sa pangalawang pagkakataon.Tumalikod si Wax.Umalis ng bahay.Ayaw niyang makitang umaalis ang mag ina.Nagsalita si Nilda."Mabuti siguro magpaalam na tayo at ng makapag pahinga na sila."Lumapit si Gina kay Zeny."Maraming salamat po sa pagpapatuloy ninyo sa anak ko.Kung hindi ho sa inyo baka napahamak na siya".Inakap ni Gina si Zeny.Nagpasalamat si Ramon at Nilda.Hinawakan ni Ramon sa braso ang asawa."Tayo na luv.Uwi na tayo".
"Sandali.May kukunin ako"sabi ni Heart.Tinitigan niya ng matagal ang asawa niya.Nakalimot na ba sila?Ganun lang?Basta na lang sila uuwi.?Nagtaka si Ramon sa inasal ng asawa.Galit ito.Ngayun lang ito nagalit sa kanya ng ganito.Para nga itong nag aatubiling sumama sa kanya.Napansin din ito ni Gina at Zeny.Gusto ba ni Heart si Wax.?Di ba niya ito maiwan?Inirapan ni Heart ang asawa at saka tumalikod.Pumasok ng kwarto.Sumunod si Meldy.Medyo matagal bago lumabas.Kinakabahan na si Ramon.Baka nagbago na si Heart.Baka napaibig naito ng binata.
Sa wakas lumabas din ito.May dalang bag si Meldy.May kipkip sa dibdib niya si Heart.Nanlamig si Ramon.Para siyang nawalan ng lakas.Palagay niya isang tulak ng daliri ni Heart,tutumba siya.
Walang lakas ang tuhod niya.Inilagay ni Heart sa bisig ni Wax ang baby."Ramon,eto si Igor,ang baby natin.Baby eto na ang daddy mo.Sinusundo na tayo"sabi ni Heart.
Tumulo ang luha sa mga mata ni Ramon.Tuloy tuloy.Inakap niya ang anak.Sumandig ito sa kanya.Kampante.Parang safe ang feeling nito.Siguro lukso ng dugo.Nararamdaman ng baby ang pagmamahal ng ama.Tumayo sa harap niya ang asawa."Si Igor.Ang baby natin.Siya ang dahilan kaya di ako nakauwi ng 8 months.Igor nandito na si.daddy.Tignan mo o.Sinusundo ka na niya.." Tumingin ang baby,ngumiti.Hindi ito umiyak.Naginat ito.Parang inaantok .Pinaghahalikan ito ni Ramon.Umakap ito sa kanya.Parang okey sa kanya ang taong ito.
Father and son finally met.Umagos ang luha sa mga mata ni Ramon.Tuloy tuloy.Inakap siya ng asawa.Hinalikan niya ang buhok ni Heart."Salamat.Sobrang saya ko.Lahat na yata ng blessing binigay na sa kin ni Lord."
BINABASA MO ANG
10 Years After
Romans"Kung sino man ang tumututol sa kasalan ito magsalita na o panghabang buhay na manahimik". Ako tumututol ako,sabi ni Wax.May utang sa kin ang babaeng yan.Magbayad muna siya bago siy a magpakasal.