Ten years after

14 0 0
                                    

Nagkoconcentrate ng husto si Wax sa pagmamaneho.Pangalawang beses pa lang niyang umakyat ng Baguio.Nuong una pasahero siya,ngayon siya na ang driver.Mabida ang pasahero nya.7 years na ito sa Canada,at ngayon pa lang umuwi.Approved na ang petition niya sa magina niya,kaya kasama na niya itong lilipad after 1month.Ngayon mag eenjoy siyang makipaginuman sa mga kaibigan.Siyempre ang paborito nilang pulutan azocena."Nakatikim k n b nun pare?tanong ng pasahero niya.Umiling si Wax
"Luto yun ng aso.May kapukan,kaldereta,adobo pero the best ang kapukan.Kakain aq ng marami dito kasi sa Canada wala nun"paliwanag ng pasahero nya.Na offend si WAx sa mga sinasabi nh pasahero niya.D ba man's best friend ang aso?Ang kaibigan minamahal,inaalagaan,di pinapatay,di kinakain.Mabuti na lang nasa Baguio na sila.Itinuro ng pasahero sa kanya ang daan.Taga Aurora Hills pala ito.Ng ibigay sa kanya ang napagkasunduan na 8k umalis na siya.Naglibot libot muna.Nagpunta siya sa MInes View Park.Nakita nia ang malaking Saint Bernard.Nangiti siya.Naalala niya si Timothy,ang asong iniregalo niya kay Meldy.Kaisa isa niya itong kapatid.Magulang nila si Remigio at Zeny Torres.Construction worker ang tatay niya at sa kakarampot nitong kita pinagaral silang magkapatid.Sa Public School.Ngayon graduating n siya sa Electrical Engineering.

Chapter 2
Si Timothy ay pandak at may mahabang balahibo.Parang holen ang mga mata nito.Hilig nitong ilabas ang dila.Alagang alaga ito ni Meldy.Parang mas nakakabatang kapatid ang turing niya dito.Minsan inabutan niyang nakapalda si Timothy."Bakit nakapalda eh lalaki yan,"tanong niya sa kapatid."Bading yan kuya.Panggap lang na lalaki pero bading"Tinignan niya si Timothy,maskulado at makintab ang kulay abo nitong balahibo."Paano mo nalamang bading?"tanong niya kay Meldy."Di ka kasi observant kuya,iniipit niya ang boses niya pag tumatahol at makembot siyang lumakad.Ginaya ni Meldy ang lakad ng aso.Haloss himatayin si Wax sa katatawa.Si Meldy ang clown ng pamilya niya.Palibhasa alam nito na mahal na mahal nila kaya huma ba ang buntot.Mabuti pa bilhin na niya ang bilin nitong strawberries,strawberry at ube jam.Kailangan daw gawa ng Good Shepherd para masarap.
Nag via Cabanatuan si Wax.Bumili siya ng 3kilo ng pamoso nitong langgonisa.Bumili din siya ng palutek.Gusto ito ng nanay at tatay nya.Pagkabili ng pakwan at melon lumabas na siya sa highway.Gosh ang traffic.may 30 minutes yata siya sa painot inot. na pagandar.Maya maya nakita niya ang culprit.Isang nasiraan na bridal car.Kawawa nman ang bride,siguradong pawisan na ito.Nangiti siya.Sigurado oily na ang mukha nito at baka humuhulas na ang maskara.
Itinabi niya sa shoulder ang taxi.Magpapahinga siya saglit.Naubos ang energy niya sa mga zigzag ng Baguio.After 30 minutes nagising siya.Tinatamaan siya ng init ng araw.Nag inat sandali tapos pinaandar na ang taxi.Sa may Baluarte traffic ulit.May libing pala.Ng nasa San Miguel siya tumingin siya sa salamin ,may nakasakay sa likod ng kotse.Nakaputi,nakatakip ng belo ang mukha,nahiyaw siya sa takot.Aaaahhhh.Humiyaw din ang babae .Aaaahhh.Nagmamadaling binuksan ni Wax ang pinto at tumakbong palabas.May 10 meters ang tinakbo niya bago siya huminto.Huminga siya ng malalim.Ang lakas ng ihip ng hangin.Nakakarelax.Huminga ulit ng malaĺim ang binata.May napansin siya,may nililipad lipad na puting lace sa tabi niya.Nilingon ni Wax.Ang babaeng nakaputi!Nanlamig ang mga kamay niya.Halos di na siya makahinga sa takot.Hinimatay na si Wax.
To be continued

10 Years AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon