Chapter 7

19 1 0
                                    

Di mapakali si Meldy.Naaalala niya ang kuya niya.Nagpunta siya sa ref at kumuha ng malamig na tubig.Kumuha din siya ng baso.Dahan dahan binuksan niya ang pinto ng kuwarto ng kuya niya."Kuya,gising ka pa ba?"Umupo siya sa gilid ng kama nito.Hinawakan niya ang kamay ng kuya niya."Okey ka lang ba kuya?"Tinignan ni Wax ang kapatid.Bumangon."Ba't gising ka pa?Gabi na.Tulog ka na."Nakatingin si Meldy sa mukha ni Wax,parang may hinahanap..
"Kuya wag ka nang makikipagkilala sa multo.Bad ang mga yun.Kanina,maputla ka at nakatulala.Natakot ako,kuya.Naisip ko baka kunin ka ng multo.Wag ka sasama kuya.Kawawa kami.Iiyak ako lagi."
Parang kinurot ang puso ni Wax.Kailangan maging matatag siya.Kailangan siya ng pamilya niya.Ang lungkot niya di dapat makita ng pamilya niya.Ngumiti siya,"bakit may dala kang tubig?"ngumiti si Meldy,"para sa yo to kuya.Baka nauuhaw ka."Ginulo nçi Wax ang buhok ng kapatid."Ang thoughtful naman ng kapatid ko."Nagsalin si Wax ng tubig sa baso at saka ininom."O tulog kana.Bukas na lang tayo mag usap.Tumayo na si Meldy."Yung bilin ko sa yo kuya ha.Wag ka ng makikipagkilala sa multo."Lumabas na si Meldy ng kuwarto ni Wax.Naiwan ang binata na nag iisip.Hanggang ngayon masakit pa rin ang.puso niya.Pag naaalala niya si Heart halos di siya makahinga.Ipagluluksa niya magdamag anng kabiguan nya.Bukas kailangang wala ng bakas ng lungkot sa mukha niya.Bata pa siya.Isang taon na lang engineer na siya.Magtratrabaho siya ng husto para mabilhan niya ng bahay ang pamilya niya.Di na siya iibig ulit.Walang laman ang puso kundi si Heart.
Lumipas ang isang taon,graduate na ang binata ng engineering.Nakapagtrabaho siya sa isang malaking kumpanya.Sosyuhan ito ng Filipino,Taiwanese at 2 Thailander.Gumagawa ito ng condominium,malls at mga malalaking bahay.May mga engineers sila.accountants,architects at daan daan na mga.workers.Isa siya.sa electrical engineers.Mataas ang sweldo niya.Pinahinto na niya ang ama sa pagtratrabaho.Ibinili niya ito ng sariling taxi.Lahat ng.kinikita ng taxi para sa tatay at nanay niya.Inako ni Wax ang gastusin ni Meldy.Siya na rin ang gumagastos sa bahay.Inaabutan din niya ng panggastos ang nanay nya.
Minsan ,nagiinuman sila ng beer ng tatay nagulat siya sa sinabi nito."Isang taon na man na pwede mo na sigurong sabihin kung ano ang nangyari sa yo.Babae ba?"Hindi agad sumagot ang binata."Itinatago mo pero alam kong nasasaktan ka.Ama mo ko.Kilalang kilala kita."
"Tama kayo tay,babae.May babae akong minahal ng husto pero di pwedeng maging kami."malungkot na sagot ng binata.
"Baķit mo nasabing di pwedeng maging kayo,mayaman ba?tanong ni Igme sa anak.
"Nuong makilala ko siya,yun din ang araw ng.kasal niya.Ako ang naghatid sa kanya sa simbahan.Saksi din ako ng.ikasal siya sa.ibang lalaki."malungkot na paliwanag ni Wax.Hindi kumibo ang ama.Uminom muna siya ng isang bote pa ng beer
"Pawalan mo ang alaala niya .Di ka nagnonobya,kasi nasa puso mo pa siya.Ikaw na ang nagsabi,kasal na siya.Kung babae ang naging sanhi ng kalungkutan mo,babae din ang sagot.Wag mong isarado ang puso mo sa pagibig.Isang araw mawawala din kami.Magkakapamilya din si Meldy.Paano ka?Tumingin ka sa ibang babae.Siguradong may babagay sa yo"
Sa bahay ng mag asawang Ramon,tuwang tuwa sila.Sa wakas pagkatapos ng isang taon buntis na si Heart.Dahil sa parehong solong anak excited sila sa paparating na dagdag sa pamilya nila.Walang pinagsisihan si Heart.Napakabait ni Ramon at ng biyenan niya.Isa lang ang bwisit.Si Rona.Kinakapatid ito ni Ramon.Iniwan ng mga magulang nito sa pangangalaga ng mama niya dahil hindi ito nakasama sa petition.Pero ng nasa Amerika ang mga magulang nito,si Rona naman ang ipinitisyon.Any time inaasahang mananaog na ito.Problema ni Heart si Rona.Paniwala nito,dapat siya ang asawa ni Ramon.Sibil silang makitungo sa isat isa pero alam ni Heart na galit ito sa kanya.
Birthday ni Heart.Naghanda sila.Marami itong natanggap na regalo.Isa na dun ang isang maliit na kahon na naka gift wrap ng pink.Maganda ito.May fresh pa itong katleya sa ibabaw.Galing ito kay Rona.Nagtataka man, naisip ni Heart na nakikipagbati na sa kanya ang dalaga.Maingat niya itong binuksan.Tumambad sa kanya ang isang malaking tarantula.Naghihiyaw siya sa takot.Nilapitan siya ni Ramon at.biyenan.Nasigaw din ito sa takot.Pinatay agad ni Ramon ang tarantula.Lumapit siya sa asawa.Nuon.niya nakita na dinudugo ito.Dinala niya sa.doktor,pero nakunan pa rin ang asawa.Sobra ang iyak ni Heart.Galit na galit.si Ramon kay Rona.Pinagbawalan itong lumapit.kay Heart.May gana pang magalit ang dalaga."Bakit nyo ko sisihin kung nakunan siya.Malay ko bang takot siya sa gagamba!"Lumipas ang mga araw malungkot pa rin si Heart."Luv,magkakaron pa rin tayo ng ibang anak.Wag ka ng malungkot."Nagkatotoo ang sabi ni Ramon.Paglipas ng limang buwan nagbuntis ulit si Heart.Mas maingat siya ngayon.Pag nakita niya si Rona lumalayo na siya.Madalas niyang hipuin ang tiyan niya.2 months na ito.Di pa halata.Lagi lang siyang nahihilo at nagsusuka.Gustong gusto niyang kumakain ng dinuguan.Gusto din niya ng black grapes."Ano ba yan Heart,baka negro ang maging apo ko.Ngayon pa lang magkakaroon ng maitim na Sy."nakatawang sabi ni Nilda.Nagkatawanan sila.Excited si Heart.Dadalawin siya ng mga magulang niya ngayon.Kaya nasa kusina siya.Nagpaluto siya ng kare kare.Paborito ito ng tatay at nanay niya.
Nakarinig siya na may nagmamadaling lumalakad.Pag lingon niya,nakita niya si Rona."Dalian mo Heart.Naaksidente ang magulang mo.Nasagasaan ang ulo ng tatay mo.Ang nanay mo bali bali ang buto.Dead on the spot.Dalian mo,puntahan mo na sila."Hindi makakilos si Heart.Umakyat ang dugo sa ulo niya.Hinimatay .Sa hospital na siya nagkamalay.Nandun si Gina,nagbabantay."Di kayo patay nay?"Nuon lang naintindihan ni Heart.Pakana ito ni Rona.Humawak siya sa tiyan niya.Nakiramdam.Tumingin kay Gina."Nakunan ka.Pero wag kang magalala.Pwede ka pa namang magkaanak ulit
Nuon naman galit na kinakausap ni Ramon si Rona.Lumayas ka!Dalawang beses ng nakukunan ang asawa ko dahil sa yo."Nagsisigaw din si Rona."Bakit ba ako ang sinisisi nyo.Nag jo joke lang naman ako.Pag umalis ako,saan ako pupunta,nasa Amerika ang parents ko."Nakialam na si Nilda."Sige dito ka muna.Papunta ka naman na ng US sa isang buwan.Wag ka na lang muna lalapit kay Heart.
Masyadong naging malulungkutin si Heart.Naisipan ni Ramon na pabalikin sa pagaaral ang asawa.Nakainam naman nabalik ang.dati nitong sigla at pagkamasayahin.After 2years grumaduate siya sa Fine Arts.Kumain sila sa Viking.Blowout ni Bartolome sa anak.Masaya sila lahat.Si Heart laging nakatingin sa asawa.Di na nakatiis si Ramon.Binulungan ang asawa."Bakit luv?"Umakap si Heart sa braso ng asawa."Ang gwapo gwapo ng asawa ko."Natigilan ang lahat.Iisa ang tinatakbo ng isip nila.Buntis si Heart at si Ramon ang pinaglilihian.Biglang nakaramdam ng kakaibang saya si Ramon.Inakap niya ang asawa.Siguradong magkakaanak na sila.Nasa Amerika na si Rona.Wala ng mamumuwisit kay Heart.
Masaya ang mga sumunod na mga araw.Laging nagkakakain si Heart ng buko.Lagi din nitong binabantayan ang asawa.Lagi itong pinanggigilan."Ang cute cute ng asawa ko."Natatawa si Nilda.Sigurado siyang maputi ang magiging apo niya.Ngayon pa lang nasasabik na siya sa paglabas ng baby.
Mag lilimang buwan na ang tiyan ni Heart.Di na napigil si Ramon Nagpagawa na ito ng room para sa baby.Bumili na rin ng kuna.Bumili ng bed na tutulugan ng magbabantay.Bumili na ng ibang laruan.Lalaki ang magiging anak nila.Bumili ng barilbarilan,mga robot na laruan."Ano ka ba naman luv,baby pa lang ang magiging anak natin.Taon pa ang bibilangin para ma appreciate niya ang mga toys na yan.'masayang kantyaw ni Heart.
Naging ugali ni Heart na matulog sa kwarto ng baby.Pagdating ni Ramon binubuhat na lang siya para ilipat sa kwarto nilang magasawa.
Nasa hardware store nila noon si Ramon.Iba ang pakiramdam niya.Ligalig siya.Meron siyang nararamdaman pero di niya alam kung ano.
Nasa palengke nuon si Nilda.Bumili siya ng alimango at prutas.Nag ring ang ang cp niya.Tawag galing sa Amerika."Hello?"Sumagot ang nasa kabilang linya."Mare,si Rona bumalik ng Pilipinas na mimiss na daw niya kayo ni Ramon."Nakadama ng takot si Nilda."Kailan pa?"Sumagot ang kumare niya."Wala pa ba diyan?Dapat kanina pa siya nandiyan.Baka na trapik lang."Nagpaalam si Nilda sa kausap .Tinawagan si Ramon.Ipinasara ni Ramon ang tindahan.Dali dali siyang sumakay ng kanyang puting Fortuner.Sobrang traffic.Usad pagong ang mga sasakyan.
Sa bahay naman nasa salas si Heart.Masaya niyang iniinspeksyon ang mga binurdahan niyan damit ng baby.Bawat gamit na lampin,tuwalya,short,tshirt may pangalang Igor.Gusto ni Ramon ang pangalan.Lalaking lalaki daw ang dating.
Di napansin ni Heart si Rona.Galit na galit ito.Nagpunta ng kusina,kumuha ng kutsilyo.Papatayin niya si Heart.Ito ang hadlang sa balak niyang pagakit kay Ramon.Nakita ng katulong si Rona.Pinigil niya ito.Aksidenteng tinamaan ng kutsilyo ang braso ng katulong.Dumugo ito.Hindi pinansin ang nasugatang.katulong.Si Heart ang pinuntahan.Nakatalikod si Heart,nasaksak agad sa braso.Pinilit ni Heart lumaban.Alam niyang papatayin siya ng dalaga.Tumulong ang katulong kay Heart.Sinaksak ito ni Rona.Napaakap ang katulong kay Heart.Napakaraning dugo ang tumulo.Sasaksakin pa ulit ni Rona si Heart,pero may biglang humaltak kay Rona.Isinalya ito ni Ramon."Walanghiya ka.Papatayin mo pa ang asawa ko.Ipapakulong kita."Inalalayan ni Ramon ang asawa.Duguan ito.Nanlumo si Ramon.Nalaglag na naman ang anak niya.Ngayon pati si Heart balak patayin ni Rona.
Nakatayo na si Rona,sasaksakin ulit si Heart.Si Ramon ang tinamaan.Tumakbo si Heart,tumakas.Lumabas ng bahay,lumabas ng gate.Marami ng dugo ang nawawala sa kanya.Naupo ito sa sidewalk.May taxing huminto.Bumaba ang driver,tinulungan siyang tumayo.Ipinasok sa loob ng taxi."Dadalhin kita sa hospital.

10 Years AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon