Sabay sabay na silang pumasok ng hospital.Kinunan si Heart ng petrsonal data.Sinabi ni Heart na si Dra.Dominguez ang doctor niya.Kumuha din siya ng private room.Itinuro sa kanya ang kwartong papasukan.Sumama ang magulang at kapatid ni Wax.Di sila pinapasok ng nurse."Pasyente lang ho."
Naghintay sa labas ang tatlo."Na text mo na ba ang kuya mo?"tanong ng nanay ni Wax kay Meldy."Opo.Kanina pa bago tayo umalis ng bahay" sagot ni Meldy.Palakad lakad ang tatay ni Wax."Umupo ka nga.Nahihilo na ko sa katitingin sa yo.Hintayin na lang natin ang
ng doktor" sabi niZeny.Napabuntung hininga si Igme."Bakit ang tagal.Di ba moderno na ngayon.Dapat sandali na lang manganak"sabi ni Igme sa asawa.Natawa si Zeny."Naku itong matandang ire.Aba eh di mo maaapura ang bata sa paglabas.May sarili siyang oras ng paglabas".Nagkatawanan sila.Medyo nawala ng konti ang nerbiyos sa dibdib nila.
Lumipas pa ang tatlong oras.May lumabas na nurse."Lalaki ho ang baby.Sa nursery nyo na lang puntahan".Nakahinga na ng maluwag ang tatlo.Punta agad sila sa nursery.Ipinakita sa kanila ng nurse ang baby.Maganda ito at maputi."Kamukha yata ni kuya" sabi ni Meldy.Nag isip si Zeny.Siguro dapat niyang sabihin sa mag ama niya ang sinabi ni Heart."Hindi siya anak ni Wax.Anak siya ng asawa ni Heart".Napatingin ang mag ama kay Zeny. "Ano?Di siya anak ni Wax?Bakit na sa atin siya?"ang gulat na tanong ni Igme.Si Meldy maiyak iyak."Di atin.yung.baby?Bakit sya sa tin nakatira?Ibig mong sabihin nay kukunin siya sa atin,pati si ate Heart?"tanong ni Meldy sa ina.Tumango si Zeny
Umalis si Igme.Asang asa siya na apo niya ang bata.Napamahal na sa kanila si Heart.Malakking gulo itong pinasukan ni Wax.Paano kung matunton sila ng asawa nito.Madedemanda pa sila
Nasa field si Wax ng matanggap niya ang text ni Meldy.Pinagbilinan niya ang assistant niya.Itinuro ang mga dapat gawin."Update mo aq sa mga development" sabi ni Wax .
Halos liparin niya ang Maynila.Sobrang traffic.Mapapamura ka talaga.Ang dating mahinahong si Wax panay na ang busina.Kahit alam niyang wala naman magagawa ang nasa unahan niya.Hindi siya makalma.Sa wakas after 3hours narating nita ang East Av.Nagtanong kaagad siya sa information
Sa elevator di na siya mapakali.Kailangang makita niya si Heart.Baka nanghihina ito.Baka natatakot.Bakit naman kasi di nakisama ang baby.Lumabas ito ng 5days ahead sa schedule.Nakita niya ang room .Buti na lang private room ang kinuha nito.
Pagpasok niya,naramdaman agad siya ni Heart.Ngumiti ito.Lumapit siWax sa kama."Kumusta ka na?"tanong ng binata kay Heart.Hinawakan niya ang kamay ni Heart,hinalikan.Di nila namalayan ang pagdating ng mga magulang niya at kapatid.Naluha si Meldy.Kitang kita niya kung gaano kamahal ng kuya niya si Heart.Sana wag ng makita si Heart ng asawa nito.Dapat wag na itong lalabas ng bahay.
Napapikit si Igme.Mauulit ba ang nangyari kay Wax,anim na taon na ang nakaraan.Ganito ba ulit ang sitwasyon.Isang malungkot at walang kibong Wax.
BINABASA MO ANG
10 Years After
Romansa"Kung sino man ang tumututol sa kasalan ito magsalita na o panghabang buhay na manahimik". Ako tumututol ako,sabi ni Wax.May utang sa kin ang babaeng yan.Magbayad muna siya bago siy a magpakasal.