Chapter 27

2 0 0
                                    

Sa airport,nang mag check in siya ,nag declare si Heart ng 9,000$ na cash.Mayroon siyang jewelry na 3 bracelet,2 diamond na hikaw,2 24 k na kwintas.Nandun din ang bankbook niya na may lamang 20thousand dollars at Philippine bankbook na may laman 1M.Ang hand carry niya ay may lamang cosmetics 5 tshirt,1dress,2pants at chocolates.Iyong iba nasa travelling bag niya.Nagdaan ito sa x ray machine.Okey na lahat.Excited siya.Gusto na niyang makita ang mga magulang nya.Duon na siya titira.Gusto niya sa mga huling araw nila sa world,magkakasama sila.
. Ang hindi niya alam pinagmamasdan siya ng mga ito.Di nga lang nagpapakita.Pati si Igor sa mura niyang edad ay tahimik lang na nakatingin.Sabi ng eagle sa kanya,pag di niya hinabol ang mama niya,mabubuhay ito.Mahal na mahal niya si Heart.Mas gusto niyang buhay ito kaysa nasa malaking bato sa Vegas.
. Naiinip na si Heart.Gusto na niyang makasakay ng eroplano.Masyado siyang maagang nag check in.Pero ano ba ang gagawin niya sa labas.Lahat ng mahal niya,si Igor,si Ramon,ang biyenan niya,nakalibing na lahat sa Vegas.
. Hindi niya akalain na sa famosong Vegas matatapos ang masasayang araw nila ng pamilya niya.Wala ng atraksyon sa kanya ang naglalakihan nitong hotel at casino.Ang milyon nitong nagliliyab na ilaw ay di nakikita ng kanyang mga mata.Ang Vegas ,para sa kanya ay isang libingan.Duon nakalibing ang mga mahal niya sa buhay.Duon nakalibing ang kanyang mga pangarap.
Tamang buhay siya pero ang puso niya kasamang nalibing sa Vegas.Ang uuwi sa Pilipinas ay ang katawan lang niya.Pipilitin niyang mabuhay para sa mga magulang niya.
. Nakababagot ang byahe.Pinilit niyang matulog pero si Igor ang laman ng isip nya.Bakit hindi man lang nabuhay ang anak nya.Di sana may dahilan pa siya para mabuhay.Pati si Ramon sumagi sa isip nya.Ang malambing at mapagmahal na si Ramon.Talaga bang ang mababait kinukuha agad ni Lord?
Tumulo ang mga luha sa kanyang pisngi.Ibinigay sa kanya ang rangya.at pagmamahal.Pero maaga din itong binawi.Fair ba yun ?Ang mapagmahal na si Ramon,ang mabait niyang biyenan at ang malambing niyang anak,nawala sa kanya ng isang iglap.Kung kukunin din pala sila bakit di pa siya isinama.?
Ang food sa plane di niya malasahan.Mechanical na lang ang pagkain nya.Gusto na niyang makarating ng Pilipinas.Nandun pa ang mga magulang nya.Matutuwa ang mga ito .Duon siya bubuo ng panibagong buhay.
Pagkatapos ng ilang oras na stop over sa Korea,lumipad na sila papunta ng Pilipinas.Pag touched down ng eroplano nakaramdam siya ng pagluwag ng dibdib.
Sa NAIA,nangiti siya.Nasa Pilipinas na siya.Magulo,mainit,matrapik .Pero ito ang kanyang bansa.Bakit ba naisipan nilang iwanan ito.Kung di ba sila umalis,buhay pa kaya ang mga mahal niya.
Kinuha niya ang kanyang maleta.Magaan lang ito.Di hatak lang kaya di siya mahihirapan.Tumawag siya ng taxi.Nagpahatid siya sa bus station.Hindi punuan ang mga bus.Nakapili siya ng magandang pwesto.Duon siya sa may bintana.
Pinanood niya ang mga building na malalaki habang tumatakbo ang bus.Makakarating siya ng Cab.bago mananghali.Aayain na lang niyang kumain sa labas ang mga magulang para di na mapagod ang nanay nya.Habang papalapit siya sa distinasyon nya,di na siya mapakali.Magtutulog muna siguro siya.Nakakapagod ang biyahe.
.Pagdating nila sa bus terminal,sumakay siya ng tricycle at nagpahatid sa kanila.Nakakandado ang gate nila.Kumatok siya.Di yata siya narinig.Kumatok siya ulit.May lumabas na lalaki.Siguro mga 20 years old."Bakit ho?Ano ho ang kailangan nila."Nabigla si Heart kaya di nakasagot agad.Pero nakarecover din agad.

Heart
Sino ka?Nasaan si nanay at tatay.
Lalaki
Ako ho ang boy dito.Nasa Laguna po ang may ari nitong bahay.Sino kayo?Wala din hong nanay at tatay na nakatira dito.Binata ho ang amo ko.

Heart
Paanong nangyari yun?Eh bahay namin ito.

Lalaki
Ah baka ho iyong dating may ari.Bagong bili lang ho ng amo ko ito.Siguro mga 3 weeks na.

Heart
Kanino binili?At saka nasan ang dating may ari nito.

Lalaki
Ayun ho sa bida ng boss ko,pupunta daw sa ibang bansa ang may ari nito kaya ibenenta.May nangyari yata sa anak.Kaya lang,naaksidente sila sa Maynila.Patay ho yung mag asawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

10 Years AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon