3

452 7 0
                                    

"Alison, 'wag kang bastos at sabayan mo kami ng mommy mo na kumain!" Dad's voice boomed in our whole house.

Pasok sa kaliwang tainga, labas sa kanan. Dumiretso ako sa front door ng bahay at agad sumakay sa aming sasakyan.

"Manong, h-hatid mo na 'ko sa school." My voice broke.

Nagsimula ng umandar ang sasakyan palayo sa aming mansiyon. Ayaw ko naman talaga ng ganitong buhay kasama ang mga magulang ko. But, I wanna prove my point to them. I'm already tired of explaining my side to them. I'm tired. That's why I'm trying this now. For months, actually. If disobeying them like this will open their eyes that their decision is not right, I'm willing to be a black sheep of this family.

Pinunasan ko ang luhang pumatak sa aking pisngi.

"Ma'am, okay lang po ba kayo?" Nakatingin si Mang Celso sa rearview mirror.

"Yes po." Nginitian ko siya ng tipid.

Natanaw ko na ang malaking gate at arko ng aming school. St. Dominic High.

"Gusto mo bang ihatid muna kita sa isang kainan? Narinig kong hindi ka na naman kumain sa inyo. Maaga pa naman." Ani Mang Celso. He looks and sounds so concern.

"Thank you po. Sa canteen na lang po ako kakain."

Bumaba na ako ng aming sasakyan at dumiretso sa loob ng school. Alas sais pa lang at sobrang aga pa. Halos wala pa akong nakikitang mga estudyante dahil alas siyete pa naman ang flag ceremony. This is our second week at wala pa masyadong ginagawa. Ang alam ko ay ini-schedule na ang acquaintance party namin bago pormal na magbukas ang klase.

Dumiretso muna ako sa locker upang kunin ang ilang mga gamit ko roon at saka pumuntang canteen. Naabutan kong nag-aayos pa lang ang mga nagtitinda don.

"Ay naku, hija! Bibili ka ba?" Nakita ako nung isang nagluluto doon. Napatingin naman ang ilang mga kasama nung babae doon na mga busy din.

Ngumiti ako."Sana po. Kaso mukhang wala pa kayong naluluto. Babalik na lang po ako maya-maya."sabi ko.

Tumalikod na ako at siya namang pagsalubong sa akin ng isang bulto ng lalaki sa may pinto palabas ng canteen. I quickly felt the familiar intimidating feeling the first time I met him.

"Marcus!"kahit hindi naman ako ang tinatawag nung aleng tindera ay lumingon ako upang maiwasan ko ang kanyang mga mata."Naku! Sabi ko naman sa 'yo wag ka ng mag-abala na pumasok ng maaga!"sabi ni ate.

Agad akong naglakad palabas ng canteen na walang kahit na sinong nililingon sa mga tao doon.

"Okay lang, Manang Celia. Gusto ko po talaga kayong tulungan."narinig ko pang sabi ni JM. He really has that cold and baritone voice. Isa siguro 'yon sa asset niya sa mga babae.

Naglakad-lakad muna ako sa paligid ng school. Siguro mamayang breaktime na lang ako kakain. I don't know, pero biglang nagbago ang isip ko na babalik ako maya-maya sa canteen upang bumili ng makakain. Nawalan ako ng gana.

I quickly plug in my earphone ng makahanap ako ng magandang pwesto dito sa malawak na school field. Kinumportable ko ang aking likod sa puno ng acacia. It's so peaceful in here.

Sinusubukan kong umidlip dahil may isang oras pa naman ako, pero ilang minuto pa lang akong nakapikit ay may naramdaman akong kung anong mabigat.

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at halos mapasinghap ng muli kong masalubong ang kanyang malalamig na mata. I want to ignore him again if only his eyes were not directed on me.

Tinanggal ko ang earphone sa aking kaliwang tainga at nakipagtitigan sa lalaking ilang metro lang ang layo sa akin, kung saan nanggagaling ang mabibigat na titig.

That Cold BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon