5

349 8 0
                                    

"Class, for this activity, I want you to find a partner." Sabi ng history teacher namin. Agad namang nagka-ingay ang buong klase sa paghahanap ng kanilang partner.

I silently roam around my eyes to find mine. Nang makita ko si Axel na nasa isang sulok na nagbabasa ng libro, I instantly want him to be my partner. I want a peaceful activity at ayaw ko ng maingay. He's perfect for the position.

Pupuntahan ko na sana siya sa kanyang upuan upang ayain na maging partner ng may malaking katawan ang biglang humarang sa aking harapan. Mabuti na lamang at mabagal ang aking lakad kundi ay siguradong bumangga ako sa kanya.

Nag-angat ako ng tingin kay Prince San Diego saka siya tinaasan ng kilay. Ano na namang problema niya?

Ngumuso siya habang nakatitig sa akin. "Partner tayo?" Alanganing tanong niya at saka nagkamot ng batok. "Wala akong ka-partner, e." Aniya.

Pero...

Napatingin ako sa lalaking hindi natinag sa sulok at nagbabasa pa din ng William Shakespeare book.

"Gusto mong partner si Axel?" Napatingin ulit ako kay Prince na ngayon ay kunot ang noo na nakatingin na rin kay Axel.

"Ahm... Sana." Mahinang sabi ko at nagyuko ng tingin sa aking desk upang kunin ang notebook kung saan naroon nakasulat ang directions sa activity na ito.

Tumango siya but I can feel disappointment dripping in his eyes na ngayon ay nag-iiwas ng tingin sa akin. I instantly felt guilty.

"But, since you're here, ikaw na lang. At least I won't have to ask him to be my partner." Bawi ko. His eyes sparkled when he heard that.

"Yes!" Napasuntok pa siya sa hangin at saka tumitig sa akin. Napanguso naman ako. Para siyang nanalo sa lotto kung maka-react. I wonder how's his reaction going to be if the girl he will court someday say yes to him. It would be priceless, I know.

Kaya nga ayun, siya ang naging partner ko sa history activity namin. He's happy and very talkative. I suddenly regret na pumayag pa akong maging partner siya. As I've said, gusto ko sana ng tahimik na partner.

Napasulyap ako sa gawi ni Axel na ngayon ay may ka-partner na din. May sinasabi iyong babae sa kanya at tahimik lamang siyang nakikinig.

"Alison, sa bahay tayo o sa inyo?" Tanong ni Prince limang minuto bago matapos ang klase namin sa history. Dahil imposibleng matapos namin ngayon ang activity'ng ito ay ipinauwi na lamang sa amin ng aming teacher upang tapusin at mai-present namin bukas.

"Nandiyan si Mommy at Daddy ngayon. I want you to meet them." Mula sa aking notebook, napaangat ang tingin ko sa sinabi ni Prince. He wants me to meet his parents?

Kumunot ang noo ko. Gusto ko sanang sa bahay na lamang kaso ayaw ko namang ipakita kila Daddy na nag-aaral ako. They shouldn't know that. Ni wala nga akong plano na ipakuha pa sa kanila ang report card ko sa end of grading, e. Mas okay pa na hindi ko makita ang grades ko kesa makita pa nila iyon. I want them to worry of me not studying well anymore because of the fiancèe thing. I know, I'm bad. Pero gusto kong subukang makipag-matigasan sa kanila. It might change their minds.

"Sige, sa inyo na lang." Sabi ko at ibinalik muli ang atensiyon sa notebook ko kung saan inaayos ko ang aking sched.

"Are you sure? Okay lang sa'yo?" Tila hindi siya makapaniwala na napapayag niya ako.

Kumunot ang noo ko doon. "Ayaw mo?" Nanlaki ang mga mata niya at agad umiling.

"No. No." Iling niya kaya ibinalik ko nang muli ang aking atensiyon sa aking sched.

"Gagawa lang naman tayo ng activity, e." I said just to remind him. I know he's hitting on me. At ayaw ko namang paasahin siya. He might mistaken things if I won't be careful of my words.

That Cold BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon