31

163 4 0
                                    

Happy moments should come to its end. It won't surely lasts that long.

"Pagod ka na? You wanna go home?" Tanong ni JM. Maga-alas tres na ng hapon at nagpapahinga na kami sa mga sunbathing benches dito sa seashore. Nakakapagod mag-swimming.

Parang nagsisisi na tuloy ako na pinagod ko ang sarili ko sa paglangoy. Siguradong maya-maya lang ay kakailanganin na naming umuwi dahil pagod na ako. I'm sure he is too but it really doesn't show. Kung ako ay napagod kalalangoy, kung mapapagod man siya ay yun ay dahil sa kababantay at kasasaway sa akin buong maghapon. It's quite amusing, right? At nakakakilig.

"Later." Simpleng sabi ko. Gusto ko mang siglahan ang boses ko ay namamaos na din ako katitili dahil sa pakikipagharutan ko sa kanya sa tubig. I really had fun today. Never thought his definition of a date is like this. Where have you been all my life, boy?

Umismid naman siya kaya bahagya kong idinilat ang pagod kong mga mata. Teka, kanina pa ba siya topless? Ang alam ko ay nag-shirt na siya kanina.

I glared at his waving abs on my face. He's flaunting them too much.

"Come on, stubborn. Wag mong pilitin ang sarili mo kung talagang pagod ka na." Aniya.

Ngumuso ako ng bahagya. "Ayoko pa nga. Dito muna tayo."

His stares turned sharp, but look away in defeat a few seconds of direct eye contact with me. "Fine. Let's at least go back to our room para makahiga ka ng diretso. Your eyes are too cute, by the way." Tumayo na siya sa deck na hinihigaan ko, offering a hand to me. His lips protruded in his attempt to hide the smile forming.

I gladly took his hand and he helped me up. Sabay kaming naglakad pabalik ng hotel, nasa unahan siya. And I have a good view of his broad and wide back from here. Ba't kailangang ganyan siya ka-sexy? Is he really just a high school student?

Tss.

"Can you go up to our room alone? May dadaanan muna ako." Aniya, huminto at lumingon sa akin nang nasa tapat na kami ng reception desk.

Napalinga-linga ako sa paligid. Sa'n ba siya pupunta?

I saw the receptionists giggling and I think it was about him and his abs. I glared at them but looks like their eyes were fixed to him. Aish!

So I narrowed my eyes on the waiting JM instead. "And where would you go?" I crossed my arms.

Bigla naman siyang ngumiti tapos ay kinurot ang aking pisngi at sigurado akong mas nalukot ang aking mukha.

"Fine. Ihahatid na muna kita sa taas." Kinuha niya pa ang kamay ko upang magpatiuna na sa paglalakad but I stayed still, making him turned his eyes on me again. "Hey. What's the problem? You still mad?"

I pouted. "Kaya ko ng umakyat mag-isa." Biglang sabi ko. Nakaka-guilty kasi na babalik pa siya dito pagkatapos akong ihatid.

Lalong lumambot ang kanyang ekspresyon. "Hatid na kita."

"No need. May elevator naman."

"Come on." Ayaw niya paawat.

I sighed. "Sa elevator mo na lang ako ihatid."

Kaya gano'n nga ang ginawa namin. Bago pa kami makalagpas sa reception ay nilingon ko pa yung mga kinikilig na babae. My eyes were sharp and I'm glad I finally got their attention.

Mabilis silang nag-iwas ng tingin at dumiretso ng tayo. Tss. Masyado pang bata si JM para sa kanila. How old are they, by the way?

"Dito na lang. Puntahan mo na yung pupuntahan mo." Pigil ko sa kanya dahil mukhang nalimutan niya na hanggang elevator lang siya.

That Cold BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon