53

133 8 1
                                    

I understood a bit of the situation. JM thinks I had sex with Matias after something happened between us. It's just so frustrating that he assumed that, ni hindi man lang ako tinanong kung kailan nangyari 'yung kung anumang narinig nila ni Alexus. He doesn't trust me that much, huh? Sa bagay, bago pa lang kami. The foundation is still not that strong. But, to what happened yesterday, from his words...

"Nagsisimula pa lang akong ayusin ang lahat para sa atin, hindi mo na ako mahintay. I'm sorry I didn't even ask if you're ready for all of these."

Does he mean we're over? I mean, sinabi niya kay Alexus na kami, 'di ba? So, kahit hindi ko naman siya sinagot at ni hindi man lang nga siya nanligaw, kami nga! At mukhang sa nangyari... break na ata kami. Damn, speed.

"Good morning, Miss Finlay. What can I do for you?"

Bumuntong hininga ako bago sagutin si Pauline. "Nandiyan ba si... Mr. San Diego?"

"Wala po, Ma'am. At hindi daw po siya makakadaan dito ngayong araw." Tila nahulaan na ni Pauline ang next question ko.

Dismayado akong bumalik sa office floor ko. "Saan ulit tayo ngayon, Angela?" Wala sa sariling tanong ko sa sekretarya.

"Advertising po, Ma'am."

Napatango-tango ako. Nabanggit niya na ito kanina. At sa ginawa niyang schedule ay isang linggo kaming magwo-work doon. Sa buong nakaraang linggo ay doon ako pumapasok sa manufacturing site sa Bulacan upang mag-aral. Kaya ngayong araw lang ulit ako napadpad dito sa Finlay Building. Balak ko rin sanang kausapin si JM kaso ay wala naman pala siya.

Matapos ng unang araw ko sa advertising ay ipinabago ko kay Angela ang schedule. I figured one week would not be enough for that department.

"Ma'am, Sir Alexus is here." Imporma ng sekretarya ko at pumasok na nga si Alexus ng aking opisina.

"Are you done?"

"Give me five minutes." Simpleng sabi ko at nagligpit na. Hindi niya naman kasi sinabi na mas maaga siya sa alas singko pupunta dito. Basta ang alam ko lang ay susunduin niya ako upang sabay na kaming umuwi. Mabuti pala at hindi ko naisipang magtagal sa Advertising department.

As usual, tahimik pa rin kami at cold pa rin sa isa't isa. I won't say sorry for what he heard that night. I know he's just always damn protective of me but I won't tolerate such perspective of him. He must've realize that.

Pagdating namin sa mansiyon ay abala ang lahat ng mga kasambahay, at nangunguna si Mommy sa pagka-aligaga ng mga doon.

"Palitan niyo yung table cloth sa balcony dahil baka mag-inuman ang mga lalaki diyan mamaya!" Dinig kong mando nito. "Oh, my children! Nakauwi na pala kayo." Humalik kami sa pisngi niya. I'm really glad she's been this vibrant for the past weeks.

"Ali, nariyan na ang stylists ko. Kung gusto mo ay mauna ka ng magpaayos dahil hindi pa kami tapos dito sa kitchen." Aniya.

Umiling naman ako. "Mom, I told you. I'll do my look for tonight."

Umakyat na ako sa kwarto upang makapagpahinga saglit bago maligo ulit. Okay na rin na maaga akong sinundo ni Alexus sa office. Alas siyete pa naman ang dinner with the San Diegos.

Natulog ako saglit dahil kulang ako sa tulog kagabi. I was a bit nervous dahil sa pag-iisip ko sa kahihinatnan ng magiging pag-uusap sana namin ni JM ngayon but he's not in his office today so, sayang effort ko sa pagpupuyat. Nawala tuloy ang kaba ko kahit na alam kong may posibilidad na kasama siya sa dinner mamaya. Alam ko kasing magaling umiwas ang isang 'yon.

For that night, I wore a maroon, casual sleeveless rompers. Sinadya kong hindi na magsuot ng masyadong pormal dahil dito naman sa bahay gaganapin ang dinner. Bahala si Mom na mag-overreact mamaya when she sees my outfit.

That Cold BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon