42

147 4 1
                                    

Wearing a backless silver mermaid cut long evening gown, hindi nauubos ang mga lumalapit sa akin sa gabing iyon. Indeed, I was the center of attention. Most of them asking for my experience in this field. I answered them with all honesty. I don't have the formal experience they might be expecting.

Nananakit na ang mga paa ko dahil simula pagpasok ko sa hotel ay wala akong ibang ginawa kundi mag-entertain ng guests with their questions. Ni hindi pa ako nakalapit sa buffet table. Gayon din naman sila Daddy at Kuya Alexus kaya hindi ko magawang umangal.

Kaya nang may mapadaan sa harap kong waiter na nagse-serve ng wine, to ease my already dried throat, kumuha ako ng isang baso and gracefully downed it.

Napatingin ako sa malayong gilid kung saan may long table na punong-puno ng gifts. Napanguso ako. It's not my birthday, is it? Ano naman kaya ang laman ng gifts na 'yon? Corporate attires? Expensive wristwatch and bags? Oh, these people.

Bago ko pa maialis ang tingin ko sa bandang iyon ay may nahagip ang paningin kong isang babae at lalaking nag-uusap sa 'di kalayuan, malapit sa dessert at buffet tables.

"Siguradong ikaw ang matitirang tagapagmana ni Johann ng kanyang kumpanya because Alexus seems to venture on his own."

Atubili akong napatingin kay Mrs. Forestier. Sabi niya ay Pranses ang napangasawa niya at ang negosyo nila ay isa sa pinakasikat na milk brand all over the world.

Nag-focus ako sa kausap. I smiled a bit. "Kuya Alexus has plans about it. I'm sure he won't let me carry the whole company in my shoulders once Mom and Dad retired. I'm still new in the field." Maingat kong sagot gaya ng iba pang mga katanungan simula kanina.

Napabuntong hininga ako ng matapos ni Mrs. Forestier ay pansamantala akong nabakante. Pero tila nawala na ang gutom ko. Parang gusto ko na lamang magpahangin sa labas. Yet I know that would be unpleasant. This is my party.

"You should eat now." Bulong ni Alexus na nasa likuran ko na at may kausap pa ring matandang negosyante.  Nakilala ko na ito kanina pero sa dami nila, balewala rin.

Umiling ako sa kanya, not daring to look at the buffet tables again.

"I'm fine."

Kumunot ang noo niya doon at alam kong magpipilit pa kung hindi lamang busy sa kausap. Siya nga 'tong hindi pa rin makakain eh.

I sighed when my stomach grumbled. Pero ayaw ko pa talaga kumain.

Nag-request na lang ako ng champagne wine sa napadaang waiter. That would do.

May mga lumapit na naman upang kausapin ako at makipagkilala. Sobrang daming calling cards na ang naipon ko sa gabing ito. And I think that's the real purpose of this socialization event - to gain connections.

Halos nakausap ko na ata ang karamihan sa mga taong narito nang matagpuan ako ni Heidi.

"Finally, I got you alone!" Gigil niyang bulong. "Hindi kita malapitan kanina sa sobrang dami ng taong gustong kumausap sa 'yo!"

I quickly gazed at her familiar lavender cocktail short gown with a sweetheart tube top. She's so stunning.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong niya nang mapansin ang pagkatahimik ko.

Napailing naman ako upang gisingin ang sarili. "Yes, sure. I'm just kinda starving." Naisatinig ko na kahit na kanina pa ako sinasabihan ni Alexus na kumain pero tinatanggihan ko.

"Hindi ka pa kumakain? My god!" Mabilis niya akong hinila marahil papuntang buffet table.

Nakagat ko ang labi ko nang hindi ko na mapigilang tanawin ang parteng iyon habang palapit kami. Mabuti naman at wala na siya dito. Heidi's with me already, anyway.

That Cold BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon