57

142 2 0
                                    

"Shit!" Heidi cursed. "Your brother's calling my phone, Ali!"

Napatingin ako sa cellphone sa dashboard and she was right. "I think you should pick it up. Baka lalo siyang maghinala na ikaw ang kasama ko if you won't answer the call."

"Magsisinungaling ako kay Alexus?" Nanghihilakbot na tanong niya, eyes widening on the road in front of her as she drives. Kumunot naman ang noo ko sa reaksiyon niya. "I mean, okay, fine!" She groaned then accept the call on loudspeaker.

"A-Alexus." Heidi cleared her throat.

"Where are you?" Alexus' tone is dangerous.

I saw Heidi bit her lip, fear stricken her eyes. Ilang ulit siyang napalunok and before I could nudge her to say something, she spoke. "Why are you asking?" Her words came out almost as a whisper. "I don't even know why you're calling me now all of a sudden ."

Napatingin ako sa kaibigan kong tila dismayado habang kausap ang aking kapatid. Nagtataka ako sa nahihimigan kong pagtatampo sa boses niya.

"My sister is nowhere to be found, Miss. I have no time for your drama. Tell me where she is." Mariing sabi ni Alexus sa kabilang linya. My lips parted. How rude! Ganito ba siya makipag-usap sa kaibigan ko? They used to like each other when we were kids, before Alexus left to study abroad.

Heidi sighed, glancing at me nervously for a sec. "Oh, right. Of course you called me only for your sister. Sadly, she's not with me as of the moment." Malamig na ang boses niya.

"Where the fuck are you?" Nagtitimping tanong ng kapatid ko. Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya ngayon, I can picture him clenching his jaw right now.

"I was driving home, okay?! And I'm not so sober right now so can I just deal with you the next day? Hindi ako makakatulong sa paghahanap kay Alison ng lasing!" Inis na sigaw ni Heidi.

Natahimik saflit sa kabilang linya. "You're drunk driving?" His tone sounded like a warning.

"I said I'll deal with you the next day! Goodbye, jerk!" Mabilis ang hininga ni Heidi pagkababa ng tawag. Tila kinakalma niya pa ang sarili niya. Pinapanood ko naman siya at halatang umiiwas itong tumingin pabalik sa akin. "S-sa condo ko tayo uuwi. Hindi pwede sa mansiyon kasi baka mabanggit ni Daddy kila Tito."

Tumango ako sa kanya at pinili na lang tumahimik at 'wag ng magtanong. Ayoko na ring mag-isip masyado dahil gulong-gulo pa ako.

"Oh, fuck! That's your brother's car, right?" Nag-panic bigla si Heidi and was about to turn the car back pero pinigilan ko siya.

"No, Heidi!" Nilibot ko ang paningin sa paligid. "Bababa muna ako doon at magtatago! Face Alexus. He's probably waiting for you outside your door."

Wala sa sariling hininto niya ang sasakyan bago pa makapasok sa parking lot ng condominium building. "And you won't be able to contact me. I'll pull out this damn sim card dahil baka ma-trace pa ako. Hihintayin ko na lang hanggang makaalis ang kapatid ko. You have to convince him I'm not with you, okay?" Hinawakan ko siya sa balikat dahil napapatulala ito.

Ganoon nga ang ginawa namin. Nagtago ako sa dingding doon, tanaw ang kinalalagyan ng sasakyan ng kapatid ko upang malaman ko kung pwede na akong umakyat. Iniwanan naman ni Heidi sa akin ang kanyang unit number. Halos abutin ako doon ng dalawampung minuto before I saw Alexus' car driving off. Naghintay pa ako ng ilang saglit bago nagpasyang pumasok na sa building. Mukhang na-inform naman na ni Heidi ang receptionist doon dahil hiningian lang ako nito ng ID at pinapasok na.

Kumatok ako sa unit na sinabi sa akin ni Heidi at tumambad sa akin ang namumula niyang mga mata. Pinasadahan ko rin ang kanyang suot dahil mukhang nakapagpalit na siya. I sighed. "I'm sorry nadadamay ka pa sa gulo ko."

That Cold BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon