32

197 4 1
                                    

Right after Manang Fe tucked me on to bed, I fell asleep.

Another day welcomed me as I woke up.

Nakaupo pa ako sa kama at nagkukusot ng mata when someone knocked on my door.

"Alison." It was Manang Fe. "Gising ka na ba?" Tanong niya pa.

"Opo, Manang." Sagot ko.

"Nakaalis na ang mga magulang mo. Tatanungin lang sana kita kung gusto mo bang sumama sa akin na magsimba?"

Oh yes, it's Sunday. Pero teka, umalis sila? May trabaho pa din? Maybe because Dad was absent yesterday so he needs to work today.

"Sige po, Manang, sasama ako."

Mabilis akong nagbihis at sumama nga kay Manang na magsimba.

"Hindi naman siguro magagalit sila AJ kung ipapasyal kita." Nakangiti si Manang sa akin habang palabas kami ng simbahan matapos ang dinaluhan naming misa.

Kahit na hindi official na sinabi ni Dad sa akin na grounded ako, it's automatic, after what happened last night. Pero sigurado din akong walang magiging problema ang paglabas ko basta't si Manang ang kasama ko.

Nagpahatid ulit kami ni Manang kay Kuya Dodong sa kung saan.

"Sa dati pa rin, Dodong." Ani Manang.

Tahimik ako at nakatingin lang sa may bintana habang panay naman ang kuwentuhan at tawanan nila Manang at Kuya Dodong sa hindi ko maintindihang usapan.

Happiness means contentment and not just peace of our mind, but also peace in our heart. When you want something, let go of it. Wanting is dangerous. But when you need something, chase for it. You might not want to lose something that would surely fill the unending gap you're feeling.

I remembered the sermon of the priest earlier.

Am I wanting JM? Needing? I don't know. Maybe that one is what I need to figure out. But what if I found out that this is all just a mere wanting? Should I let him go when he's making me happy and content?

And if needing? Should I fight for him? But needing is... Too deep for someone my age, I think.

"Masyadong malalim ang iniisip mo, hija. Nandito na tayo."

Nagising ang diwa ko ng mag-process ang sinasabi ni Manang sa aking utak. Mabilis ko siyang nilingon at kitang-kita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata. Gano'n din si Kuya Dodong na may halong pagtatanong at pag-aalala ang ekspresyon.

Hindi ko naman sila masisisi. Umiyak ako kay Manang kagabi nang walang kahit na isang paliwanag kung bakit mula sa aking bibig. At kay Kuya Dodong naman, the last time he saw me this sad was when JM's gone for a month. At siguro nga ay dapat kong ayusin ang sarili ko para hindi ko naman maapektuhan ang mga taong nakapaligid sa akin.

"Pasensiya na po. May naisip lang." Sabi ko ng hindi sila tinitingnan at nagpanggap na inililibot ang tingin sa paligid.

Park. Trees. Children.

I heard Manang sighed. "O, siya sige. Maghanap na tayo ng pwesto at nang makain na natin 'tong baon natin."

At doon ko lamang napansin na may dala pala silang ilang medyo may kalakihang lunchboxes and tupperwares.

Tumulong ako sa pagdadala upang wala ng balikan si Kuya Dodong o si Manang sa sasakyan.

Kung hindi ako nagkakamali ay hindi nalalayo ang parkeng ito sa aming subdibisyon gaya ng simbahang pinuntahan namin kanina.

"Ngayon ka lang ba nakapunta dito, hija?" Tanong sa akin ni Manang na marahil napansin ang bahagya kong pagkamangha sa aming paligid kahit na simpleng parke lang naman ito na may malamig at preskong hangin sa kabila ng sikat ng araw.

That Cold BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon