33

207 7 2
                                    

Monday, kinabuksan, ay hinatid nga ako ni Dad sa school. My heart keeps on thudding so loud it's echoing in my head. I kept on shifting uncomfortably in the passenger's seat as I silently pray that JM's still mad at me and he is not waiting for me in the parking. No, please.

I imagined the worst scenarios in my mind. And my heart stopped beating just as the car stopped moving. I spotted JM in the usual parking space of Kuya Dodong, waiting. Hindi naman siguro malalaman ni Dad na ako ang hinihintay niya dahil 'di niya naman alam na doon palaging naka-park ang service ko, right? Right?

"That's the other San Diego, right?" Napalunok ako sa tanong ni Dad. Nakangisi siya sa direksiyon ni JM na parang tuwang-tuwa na makita ito. And I'm happy as you to see him, Dad.

Lumingon ako sa direksyon ng mga mata ni Dad at nagkunwaring hindi ko pa nakita doon ang lalaki kanina. "Oh, yeah. That's him."

Tumigil ang pag-ikot ng mundo ko nang mukhang mamataan ni JM ang kotse ni Dad. I just don't know if he knows this is Dad's car. Nagulat ako ng tila parang nagtagpo ang mga mata namin kahit na medyo tinted ang car windows ni Dad. Deretsong-deretso ang mga mata niya sa akin na parang alam na nasa loob ako at tumatagos ang tingin niya dito.

I have to look away. I sighed silently.

"Anong grade na nga ba ang batang iyan?" Si Dad na mukhang may planong bumaba at batiin si JM.

"He's on his last year in high school, if I-I'm not m-mistaken." Kunwari ay hindi ako sigurado habang nakayuko kong tinanggal ang seatbelt ko.

"Until now I still can't believe how he's managing some of Arthur's business. He can even host an international seminar!"

Gusto kong mapangisi sa pagkamangha ni Dad ngunit pinigilan ko.

"He'll make a good businessman after years of studying, I'm sure."

Bumaba si Dad ng kotse kaya gano'n din ang ginawa ko. Nagyuko agad ako ng ulo upang hindi ko matagpuan ang mga mata niyang ramdam ko ang pagtagos sa kaluluwa ko. Bakit ba ganyan siyang tumingin? Baka makahalata si Dad niyan.

"John Marcus!" Bati ni Dad at dinig ko ang galak sa kanyang tinig. Mabilis ang yapak ni Dad at mabagal naman akong nakasunod sa likuran niya.

"Tito Johann." Malamig ang boses ni JM ngunit nagagawa niyang langkapan ng respeto ang kanyang tono sa kabila niyon. "Looks like you dropped your daughter off today."

"I just wanna check the surroundings of my princess. Baka may umaaligid na, hindi ko pa alam." Humalakhak pa si Dad, unconscious of the feeling he's making me feel at the moment and probably JM, too.

"Well, Tito, your daughter broke so many hearts." Nakitawa si JM na tila hindi apektado sa sinabi ni Dad. Not guilty as charged, Mr. San Diego, huh? Hindi ka ba umaaligid sa akin?

"Really? Sa bagay, kanino pa nga ba magmamana kundi sa gwapo niyang Daddy!" Biro pa ni Dad.

Tumingala ako sa kanila at huling-huli ko ang pagngisi ni JM sa biro ni Daddy. Tss. And now I'm trapped in a boys' talk.

"What are you doing here, by the way? Looks like you're waiting for someone? Your girlfriend maybe?" Himig panunukso iyon.

"That's partly true, Tito. Too sad she's still not my girl. But I'll make sure sa 'kin ang bagsak niya." A wick smirk momentarily stretched the side of his lips and he resembles a ruthless businessman who's so proud he won't accept defeat.

Ang gwapo, hays. And... was he pertaining to me? If he is, ang lakas ng loob ng loko! Sa harap talaga ni Dad? Oh my God, he's unbelievable!

"You look seriously in love. Well, you should pursue your feelings then. Bibihira ang seryosong pag-ibig sa mga kabataan ngayon."

That Cold BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon