40

140 4 0
                                    

Lutang ako buong biyahe pauwi ng mansyon habang talak ng talak si Kuya. But I can't keep up. Kahit isa ay wala akong maintindihan. Gusto kong magsalita pero siguradong hindi ko lamang magugustuhan kung kanino patungkol ang mga nasa isip ko.

"Alison, honey!" Bumungad sa akin si Mommy at ang kanyang yakap, habang nasa likuran naman si Daddy, nakangiting nakatingin sa amin, even teary-eyed.

Pansamantalang nawala sa isip ko ang ikinatutulala ko sa buong biyahe kanina.

"You've grown so beautiful, anak!"

Natawa ako kay Mommy. "Mom, you talk as if you're not able to see me almost everyday!"

"It's different via video chat and in person! You're more beautiful in person!" Pilit niya pa. Napahalakhak na ako sa pambobola ni Mommy. Kung hindi lang siya almost every month or two kung bumisita sa condo ay baka paniwalaan ko pa siya.

Sunod kong nilapitan ang nag-aabang na si Dad. "I wanna scold you for being such a bad girl tonight as what you're Kuya was telling, but I just missed you so." Matagal kaming nagyakap ni Dad while I am glaring at Alexus behind him. Siguro ay isinumbong niya na ang mga maling paratang niya.

"Don't believe him, Dad." Halos maglambitin na 'ko sa leeg niya.

Inirapan lang ako pabalik ni Alexus tapos ay inasikaso na ang pagmamando sa mga katulong sa pag-akyat ng mga gamit ko na nasa kanyang kotse pa.

Sabay-sabay kaming pumasok and due to short notice and not to mention it is already holy hour, mukhang ang nagawa na lang nila ay magpa-deliver ng mga pagkain. Which is really uncalled for pero dahil siguradong kakailanganin na rin ng makakain kahit papa'no sa mahabang gabi ng usapan na parating.

And indeed, we catch up the whole night. We ended up laughing towards the already asleep Alexus in the dining table.

Kinabukasan naman ay sobrang tanghali na ako nagising kaya mga katulong na lamang ang inabutan ko pagbaba. Nakipagkwentuhan ako sa ilan sa kanila before spending the rest of the bright day wearing my swimsuit and enjoying our pool area. I realized this is one of the few things that haven't change in here.

Nagbabad talaga ako sa paliligo at wala pa sanang balak umahon kung hindi lamang ako tinawag ng katulong dahil nandiyan na daw ang kapatid at hinahanap ako.

Sinuotan ako nito ng puting roba at hindi naman na ako nag-abalang itali pa yon. Pag-akyat ko ay maliligo na rin ako agad sa kwarto.

"Meryenda po." Saktong pagpasok ko ng dining area ay inaayos na ng katulong ang meryenda.

"Alexus is here, right? Siya ba ang makakasabay ko sa meryenda?" I asked.

"Opo, Ma'am. Pababa na iyon at baka nagbihis lang."

Naupo na ako sa high stool ng bar counter while waiting for my brother.

"Ganito ba talaga usual na uwi niya?" I asked further while staring at the delectable looking cinnamon rolls in front of me. Matagal pa ba si Alexus?

"Hindi po, Ma'am. Lagi pong nauuna ang Mommy at Daddy niyo."

Napatango-tango ako. He must've missed me this much. Napangisi ako doon at alam na agad ang ipang-aasar sa kanya mamaya.

"Baka sipunin ka niyan." Ilang sandali pa ay narinig ko na ang sarkastikong pamumuna ni Alexus sa aking likuran.

Bago ko pa siya malingon ay naramdaman ko na ang paghalik niya sa aking pisngi before settling down to the stool in front of me.

"I got a healthy immune system. How was work today?"

"Doing excellent as usual." Kibit balikat niya.

That Cold BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon