56

134 5 0
                                    

"Where's your coat?" Nabalik ako sa reyalidad when I heard JM asked. Napasunod bigla ang mga mata ko sa kanyang kamay nang mapansing siya na pala ang nagkakabit ng seatbelt ko habang bukas pa ang passenger door sa gilid ko.

"Naiwan ko ata sa office."

Pumalatak siya, murmuring something against his breath. "Ano yon?" Naiinis na tanong ko.

"Where do you want to eat?" Natapos na siya sa pagse-seatbelt sa akin. He rested a hand at the back of my seat, just beside my head. His other hand's on the hood of his car. Nakabukas ang pinto ng kotse sa gilid ko dahil nakaharang siya doon.

"I'm full." Pinili kong tumingin sa harapan ng sasakyan at tanawin ang paalis na sasakyan ni Prince kasama si Cheena at Vanessa. Si Prince na rin ang nagprisintang maghatid sa huli.

"Ni hindi mo naubos yung cake mo kanina." He reminded dangerously.

"We had an early dinner before the movie, that's why." Sarkastikong sabi ko.

He sighed, as if defeated. "Kausapin mo 'ko ng maayos." Akala ko suko na siya sa pakikipagtalo sa 'kin, pero minamanduhan pa din ako!

I folded my arms over my chest, still staring straight in front of me like it's the most interesting thing to look at. He sighed again then I felt his hand caressing my cheek and gently facing me to him. "I miss you." He looked me in the eye.

Madadala na sana ako sa ginagawa niya pero when I realized what he said, muli kong ibinalik ang paningin sa harap at mas lumalim ang gitla sa noo ko. Due to my movements, his hand dropped from my cheek.

"You don't." Matigas na sabi ko. Because if he really misses me...

"I can't distract you from work." Napalingon ako sa sinabi niya.

"What are you saying? Don't you give me that fuck up reason."

Tumalim saglit ang tingin niya sa akin marahil dahil sa pagmumura ko pero agad ding lumambot 'yon. "Mainit pa ang mata sa akin ni Sir Johann. Let me convince him first that I won't be a distraction to you."

Bumilis ang paghinga ko. "Dad told you that?!"

He cupped my face with both his hands. "You seem mad. Don't be."

Nangilid na ang mga luha ko. "But..." Parang sumosobra na si Dad.

"Shh." He stole a peck on my lips before looking at my face again. "Your man just want the best for you."

Napailing-iling ako sa kanya. Pinagtatanggol pa. "I know what he did to you! I heard Alexus arguing with him about it!"

He smiled. "That won't harm me, Ali. I would gladly give the damn shares."

Napalunok ako, hindi matanggap na ganito kagaan ang pagtrato niya sa kalupitan ni Daddy. "But that means you won't pass by in the office."

He chuckled all of a sudden. Nahiya naman ako sa sinabi ko. Bakit nga ba 'yun pa inisip ko? "You'll miss me, is that it?"

Inirapan ko siya at itinulak palayo ang kanyang mukha. "And you're happy about it? Prince is one of the boards! Now you're not. Mas makakasama ko na siya." I mocked. Pansin na pansin ko kasi ang init ng titig niya sa amin ni Prince kanina sa resto.

Nawala ang ngiti sa mukha niya. "Don't you dare, Alison." Nagbabantang sabi niya habang sobrang dilim ng ekspresyon.

Tinawanan ko naman siya. Pikon pala! "Bakit, ano gagawin mo? E wala ka namang magagawa kasi hindi mo na ako mababantayan." I slowly traced my index finger to his clenching jaw, teasing him more with a sultry voice.

That Cold BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon