11

263 7 0
                                    

Wala na akong nagawa kundi samahan ang bestfriend ko sa kanyang kabaliwan. Nandito na 'to e. And besides, this is the least I can do for her. Para makasama niya ang kinababaliwan niya. Na kinababaliwan din ng puso ko. Slight lang naman. I guess?

Isa pa, I'm not angry or what to Prince. Medyo nag-iba lang ang tingin ko sa kanya ngayon. Siyempre, we both know where our parents leading us. Pero bukod sa kaalamang siya ang magiging fiance ko, wala na. He's just a classmate.

"Thank you, Alison. Akala ko magagalit ka, e!" Inirapan ko na lang si Heidi.

"Ngayon lang 'to. Hinding-hindi na mauulit." Sabi ko habang nandito pa rin kami at hinihintay ang mga friends niya.

Parang kagabi lang, magkasama kami sa rooftop ng school at sa bahay. Kanina namang umaga, nagkita sa village. And now what? Baka naman isipin ko nito na tadhana na ang gumagalaw para paglapitin kami. Tss. Corny!

"Are we late?" Sabay kaming napalingon ni Heidi ng may magsalita sa aming likuran.

"Prince!" Si Heidi na biglang nag-iwas ng tingin ng maaninag si JM sa likuran nito. "And, uhm... Marcus." Gusto kong tawanan ang reaksiyon ni Heidi pero hindi ko magawa dahil alam kong nagkakaganyan din ako sa harap nung mabangong lalaking yun- ALISON, STOP!

"Hey." Ngumisi sa akin si Prince. "You look good today."

"Thank you." Malamig na sabi ko. Siniko ako ni Heidi ng mapansin ang pakikitungo ko sa ka-date ko.

"So, shall we go?" Excited na sabi ni Heidi na tinanguan ko lang at hindi naman nagsalita yung dalawang lalaki. Prince is watching my cold expression while Marcus is busy on his phone.

"Marcus..." Tawag ni Prince sa pinsan.

"Tss. Fine." Anito na parang napipilitan at nakasimangot habang tinatago ang cellphone sa kanyang bulsa. Napilitan din like me?

My heart beats so fast ng magtagpo ang mga mata namin. As usual, his were cold. As ice.

"I'm planning to watch a movie. Kaya lang..." Heidi look at me then wink. Oh, no...

"Kaya lang?" Malamig na tanong ni JM.

"Kasi..." Heidi got nervous. "Dalawa lang yung ticket na nabili ni Ali. So... Is it okay with you kung kayo na lang muna ni Alison ang pumasok sa sinehan?" Baling niya kay Prince. What? Is she making her move para ma-solo niya si JM?

"It's fine..." Si Prince.

Hindi ako makapaniwalang tiningnan ang walanghiya kong bestfriend! Ugh!

"Is that so?" My protest was cut mid-air when JM spoke. "I'll buy two more tickets, then..." With his hands in his pocket, dumiretso na ito sa bilihan ng ticket. Mukhang walang makakapigil sa kanya at walang nakapag-salita sa amin kahit isa. Kahit si Heidi ay napasinghap na lang.

"So cold..." Bawi ni Heidi. "I really like him." Humagikgik pa siya sa kilig and I just roll my eyes at her.

"Mahilig ba siya sa movie? Mukhang gusto niyang manood e." Tanong ni Heidi kay Prince.

"He doesn't like watching movies. I believe he's not fond of anything." Ismid ni Prince tapos ay tiningnan ako.

Tinaasan ko lang siya ng kilay at nag-iwas ng tingin. Napanguso ako habang pinapanood ang lalaking nakapila doon at mukhang hindi napapansing pinagtitinginan at pinagbu-bulungan na siya ng mga babae sa likuran niya.

You're not fond of anything, huh? You're not fond of girls, then. How 'bout me? Are you fond of me? You like me, yeah?

Kumunot ang noo ko habang tinitingnan siya mula dito na ngayon ay kinakausap na yung mga babae sa kanyang likuran. Seryoso ang mukha niya habang nakikinig sa kung ano man ang sinasabi nung mga babae sa kanya na halos himatayin na sa kilig.

That Cold BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon