46

144 5 1
                                    

"Tumawag sa'kin yung gagong Matias Primier na yon!" Gigil na gigil si Alexus sa kabilang linya. "Ano sa tingin niya? Makukuha niya ako sa pagpapaalam-paalam niya sa akin? Tangina niya ba?"

Nasapo ko na lamang ang noo ko. Nandito na ako sa opisina ko and it's almost lunch. Bumaba na ako dito kasi hindi na bumalik si JM matapos ang kanyang pagwa-walk out. Ang sabi ni Pauline ay umattend na ito ng meeting para sa SDC. At wala naman itong iniwang trabaho sa akin kaya nagpaalam na lamang ako na bababa dito sa aking opisina para makagawa muna ng ibang trabaho.

"Kakausapin ko siya."

"Anong kakausapin? Hindi ka makikipagkita sa lalaking 'yon!"

Umikot ang mga mata ko. At kelan niya pa naging hawak ang mga desisyon kong ganito? Pero hindi ko na iyon isinagot sa kapatid dahil hahaba lamang ito.

"Papabantayan kita kaya 'wag ka ng magtangka. Sasabihan ko si Marcus na tambakan ka ng trabaho." Sabi pa nito.

Nagsisimula nang maubos ang pasensya ko. Huminga ako ng malalim. I need to talk to Mat. We need to clear things up anyway. And this is the best time habang wala pa ako masyadong ginagawa.

"Hello..." Bati ko.

I heard him sigh. "Can we meet, please? I badly want to see you."

"Yes, we need to talk." Sabi ko kay Mat. He mentioned a nearby Italian resto kung saan siya maghihintay.

At dahil wala akong balak na ipaalam pa ito kay Alexus ay hindi ako magpapahatid sa driver.

"S-saan po kayo, Ma'am?" Si Angela nang makita niyang nag-aayos ako.

"The office of Mr. San Diego got me a subscribed meal. Doon na ako maglu-lunch. Please take yours." Pagdi-dismiss ko sa kanya. Tumango naman ito.

Nagpatawag ako ng cab ea guwardiya. Nakita ko pa ang panonood nito sa bawat galaw ko at pansin ko na hindi siya mapakali.

Nag-abot ako ng ilang libo dito matapos niyang buksan ang pinto ng cab para sa akin.

"Don't tell my brother, Manong." Seryosong sabi ko at alanganin naman itong tinanggihan ang inaabot ko. "Take it or I'll fire you." Pananakot ko na wala namang katotohanan.

Kitang-kita ko ang kaba sa mukha nito at tila may pagtatalo sa kanyang utak.

"Saglit lang ako. I'm craving for some italian cuisine. Hindi malalaman ni Alexus kung hindi mo sasabihin." Sabi ko pa.

Napipilitan itong tumango sa huli pero hindi talaga tinanggap yung perang iniaabot ko. I cussed under my breath. Magkano kaya bigayan ng kapatid ko? Tss.

"Please, Ma'am, bumalik po kayo kaagad bago malaman ni Sir. Mananagot po kami." Bilin pa nito.

Nagpahatid ako sa cab sa mismong resto na sinabi ni Matias. Pagpasok ko pa lamang ay natanaw ko na ang sadya.

Sinalubong ako nito ng yakap at mariing halik sa pisngi. Pilit kong isinantabi ang ilang at paninibagong nararamdaman. Sinipat ko siya and he's wearing a black Lee shirt matched by a manly brown khaki short. I saw him wearing a sunglass earlier pero tinanggal niya ito nang matanaw ang pagdating ko.

"Fuck, I miss you so much." Mariing bulong niya habang inaalalayan akong makaupo sa katapat ng inuupuan niya kanina.

"Mat... You shouldn't contact my brother." Sabi ko matapos naming umorder.

Nag-iwas siya ng tingin. "I want to earn his trust." Aniya.

Kumunot ang noo ko. "You don't need to do that. We already broke up." Paalala ko.

That Cold BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon