10

302 6 0
                                    

Nakatulugan ko ang kuwentuhan namin ni Heidi. Pero wala naman akong nakaligtaang detalye sa kanya sa lahat ng nangyari sa dinner.

Kinabukasan ay maaga akong nagising sa hindi malamang dahilan. Walang pasok ngayon. Naunahan ko ng tatlong oras ang aking alarm clock.

Tumunganga pa ako sa ceiling ng ilang minuto pero ng maramdaman kong wala na talaga ang antok sa sistema ko ay tumayo na ako at naligo. And while doing my daily routines, I've decided to jog around the village. Besides, sa tinagal-tagal ko sa subdivision na kinatitirikan ng bahay namin ay bihira akong maglibot.

"Miss Alison!" Gulat na bati ng katulong ng makita akong bumababa ng hagdanan. It's just 4:30 in the morning and I'm already up, ready to jog.

"Hindi pa po kami nakakapagluto ng breakfast. Okay lang po bang maghintay kayo saglit?" Nakita kong nataranta ang ibang katulong sa kusina.

"No, it's okay. Sandwich and orange juice will be fine." I told them.

While waiting for my light breakfast, I stalk few people on facebook and twitter. At doon na din ako nag-breakfast sa sala at nagpahinga ng konti pagkatapos.

"I'll jog around the village." I told the guard ng hindi ako agad pagbuksan ng pinto. He looks hesitant for a moment pero pinagbuksan din ako ng makitang hindi ako nagbibiro. Hindi ba halata sa suot ko?

Napairap na lang ako ng malagpasan na ang guard. I put on my earphones and turned on the shuffle. 5 am. Madilim pa at medyo malamig pa ang paligid kaya masarap magpapawis.

I walk first while stretching my arms and my legs for warm up. Ilang minuto lang, I'm jogging along the houses and streets. For one hour, ganun ang ginawa ko. Tumitigil-tigil lang ako 'pag nakakakita ng convenient store upang makainom ng tubig at makapag-pahinga ng konti.

Sumikat na ang araw kaya napagpasyahan kong bumalik na. Ayaw kong abutan ng sobrang init sa labas at medyo malayo-layo din ang narating ko.

Bumagal ang lakad ko ng mag-ring ang phone ko. I checked it and saw Heidi's name registered on the screen.

"Hello..."

"Are you free today? Malling?" She beamed excitedly. At dahil wala naman akong plano ngayong araw ay pumayag na ako.

Saktong pagkababa ko ng phone at ibinabalik na ito sa bulsa ay napadaan ako sa basketball court ng village. Kung kaninang pagdaan ko dito ay wala pang tao, ngayon may mga lalaki ng topless na naglalaro doon.

May narinig akong sumipol doon. "Hi, miss. You're new here?"

Kumunot ang noo ko at napalingon sa gawi nila na mukhang naantala ang laro. Seriously? Dumaan lang ako tumigil na sila? Boys!

"Water?" Itinaas pa nung isang lalaki na mukhang kaedad ko lang ang hawak niyang bottled water. Siyempre, hindi ko 'yon tatanggapin. At aalis na nga sana ako, e. Kaso...

"JM?" He's here!

Hindi lumingon yung lalaking nakasandal sa isang itim na sasakyan na alam kong kanya. He's wearing a red jersey short and nothing else! He's sweating and he looks so damn hot!

"JM? Whose JM, miss?"naguluhan yung lalaking nago-offer ng water at tiningnan kung sino yung tinutukoy ko.

Napalunok ako ng mapatingin si JM sa direksiyon ko. Unti-unting kumunot ang noo niya ng makilala ako. "Alison?" Tapos pinasadahan niya ako ng tingin. Bigla tuloy akong nahiya. Pawis na pawis pa ako e.

Lumapit siya sa pwesto ko at parang gusto ko ng mag-jog pabalik sa amin ng maamoy ko ang bango niya kahit na pawis na pawis siya! "What are you doing here?" Matigas na ingles na sabi niya.

That Cold BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon