47

148 4 1
                                    

"What the fuck, sis? What happened to your face?"

Nang sa wakas ay mapilit na ako ni Alexus na bumangon ay gulat na gulat siya. Pinalabas ko na agad siya sa kwarto ko para makapag-ayos na ako. When I look at my reflection in the mirror, I was able to understand Alexus' expression. I had prominent eye bags and swollen eyes!

Pero pagkaligo ko ay umimpis naman ito kahit paano.

"Aren't you excited?" Si Alexus ulit, habang nakasakay kami sa kanyang sasakyan. "You look so grumpy today." He chuckled.

Kakauwi niya lang kaninang madaling araw pero mukhang kahit walang pahinga mula sa biyahe ay mas mataas pa ang energy niya sa akin.

Nireplyan ko si Heidi.

Ako:

I don't know if I can make it tonight. Depends sa lakad namin ni Alexus today.

Sagot ko sa paanyaya niyang mag-bar ulit with her friends. Honestly, parang wala akong gana na magparty. Pero ayaw ko namang agad-agad iyong tanggihan kasi baka mamaya ay magbago pa ang isip ko. Maaga pa naman at mamayang gabi pa 'yon.

"Sino 'yang ka-text mo? Ako ka-date mo pero busy ka sa ibang lalaki?"

Nilingon ko ang nagdri-drive na si Alexus at nakanguso siya. Natawa na lamang ako.

Huminto ang sasakyan sa pamilyar na two-storey building. Nauna akong lumabas at hinayaan siyang mag-park ng maayos. Hinintay ko lang siya at sabay na kaming pumasok sa loob ng gym. As usual, sinalubong agad kami ni Nalla.

"Ang ganda talaga ng lahi niyo!" Kinikilig siya ng balingan ako para maarteng bumeso.

"So magju-judo ka na?" He asked me.

"Sa boxing siya, Nalla." Biglang singit ni Alexus, tapos na rin magbihis.

Napatingin ako sa kanya. Actually, hindi ko pa napag-isipan. But boxing sounds good.

"Dalhin mo na siya don ngayon." Itinulak pa ako ng nakangising si Alexus kaya halos masapak ko na siya.

"Sakto! Maraming pwedeng mag-train sayo ngayon." Tinulungan ako ni Nalla na balutan ang aking mga kamao.

Nag-warm up lang kami tapos niyaya niya na ako sa loob ng isang pinto. Pagpasok ay medyo madilim don at mas kaunti ang tao kesa sa gym proper.

Nilibot ko ang paningin ko. May boxing ring and other boxing equipments. Sa pagtingin-tingin ko sa loob ay nagtagpo ang mga mata namin nung lalaking gigil na nakikipagsapakan sa isang punching bag doon. He's wearing a black jersey shorts and black shoes. Tapos wala na. Tagaktak rin ang pawis niya.

"Dito talaga 'yan madalas. Professional boxer na pero tamad 'yan mag-train." Si Nalla na mukhang nakita ang direksiyon ng mga mata ko. "Papa Marcus!" Tawag nito.

Huminto naman sa pagsuntok ang pawis na pawis na lalaki. "Train mo naman 'tong bagong alaga ko!" Hinila pa ako palapit ni Nalla sa pwesto niya.

Bwisit talaga 'yong Alexus na 'yon. I'm sure he knew this would happen.

Hindi maalis ang titig niya sa akin. Lalong kumabog ang dibdib ko nang tumango ito.

"Ay bongga! Salamat!" Tila hindi pa inasahan ni Nalla ang pagpayag niya. Bakit nga ba siya pumayag? Tsk.

"Wala bang ibang... pwede?" 'Di ko na napigilan. I don't think I would be comfortable kung sa kanya ako makikipagsapakan.

"Magaling 'yan, promise!" Si Nalla.

I saw JM's eyebrows raise. "You scared?" May multo ng ngiti sa kanyang labi.

I cleared my throat. "I'm not. Why would I?" Maarte kong sabi. Nilingon ko na lang si Nalla. "I'm not comfortable with these gloves. Maluwag." I told him.

That Cold BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon