4

362 6 0
                                    

Flag ceremony ng muling mag-vibrate ang cellphone sa aking bulsa. Pa-simple kong binuksan ang message na galing ulit kay Heidi habang nanunumpa pa ang mga guro.

Heidi:

Huhu. Pinapila kaming mga late sa labas ng gate. Magfa-flag cer. daw kami later tas community service.

I can picture Heidi's pout at ang nakasimangot niyang mukha habang nakapila sa labas kasama ang ibang late. Napa-iling na lang ako. Hindi na kasi natuto, e.

"Pst. Bawal 'yan." Mahinang sabi ni Prince at nginuso ang aking cellphone. Nasa gilid ko lang siya dahil tig-isang pila ang girls at boys at pareho kaming pang-pito sa pila. At sinadya niya yon. Ang tangkad-tangkad pero nasa harapan. Find your height po!

Itinago ko na ang cellphone ko at dumiretso ng tingin sa harapan. Baka isumbong niya 'ko, e.

Patapos na ang panunumpa ng mga guro at malapit na ring matapos ang flag ceremony.

"Ang snob talaga." Bulong ni Prince na narinig ko naman. Hindi ko na lamang iyon pinatulan.

Pagtapos ng flag ceremony ay naghintay kami para sa aming unang subject. Habang ginagawa 'yon ay ni-text ko muna si Heidi. Siguradong nagsisimula na ang kanilang flag ceremony at maya-maya lang ay matinding sermon mula sa head bago ang community service. Naranasan ko 'yan when I was in grade 8. At hindi na ako umulit. Pero si Heidi ay quota na. Haha.

Ako:

Good luck. (Insert smiley face)

"Alison." Napa-angat ang tingin ko kay Prince mula sa aking cellphone. Tinaasan ko siya ng kilay bilang pagtatanong dahil tinatamad akong magsalita. At, oo. Nakakatamad magsalita minsan.

"Pa-text naman." Sabay kamot sa kanyang batok.

Nanliit ang mga mata ko sa kanya."Bakit?"Alam ng lahat kung gaano kayaman ang pamilya niya. At ngayon, makiki-text siya sa akin?

"Nalimutan ko kasing magpa-load, e." Aniya.

I sighed. Nakita niya akong nagte-text kanina sa flag ceremony at ngayon. Hindi ko pwedeng sabihing wala akong load.

Sigh. Subukan niya lang na may gawing kalokohan... "Make it fast." Sabay abot ko sa kanya ng aking cellphone.

Isang minuto lang at ibinalik niya rin naman kaagad. I quickly checked my phone pag-alis niya, as if may makikita akong kahina-hinala don. Tss.

Binuksan ko ang ni-send niyang mensahe sa isang unknown number.

My load, please.

Ayun ang aking nabasa kaya hindi na ako naghinala pa na may ginawa siyang kalokohan. And besides, masyado na yata akong nagiging judgemental.

Nagsimula na ang klase at sobrang naging busy kami. Ibinigay na sa amin ang final sched for this school year.

"If you notice, class, walang PE na subject diyan." Sabi ng aming adviser.

So I checked the schedule he gave us. At, oo nga. Wala nga.

"That's because every whole third week of the month will be your Physical Education class. Is that clear?"

Nagsimulang magbulungan at mag-react ang aking mga kaklase. Karamihan sa kanila ay rinig na rinig ang mga angal. Well, karamihan sa mga nandito sa first section ay hindi sporty type. I'm glad I'm not one of them.

"What will be our PE, Sir?" Natahimik ang mga nagbubulungan ng magtanong si Prince. Nabaling ang atensiyon ng buong klase sa kanya. Parang isang kasalanan kung hindi mo siya pakikinggan.

"Salamat sa pagpapatahimik sa mga kaklase mo, Mr. San Diego." Mr. Cortes joked. But for some unknown reason, walang natawa. Awkward silence filled the room.

That Cold BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon