9

298 7 0
                                    

Tahimik kami buong biyahe kahit na ang totoo ay gustong-gusto ko siyang tanungin sa mga nalalaman niya tungkol sa... lalaking gusto nila Daddy para sa akin. I can't even call the boy fiance! Ni hindi ko pa iyon kilala. But I really have a wild guess but my mind can't still process it. Even my heart. I don't know what to feel towards it.

Naramdaman ko na lamang ang tensiyon ng natanaw ko na ang mataas na gate ng aming mansion. Ang daming guards na nasa labas!

"Tss. Troublemaker." Komento ng katabi ko. I glared at him but it's nonsense kasi hindi naman siya nakatingin sa akin.

Agad na na-spot'an ng mga nag-iikot na guwardiya ang kotse ni JM na papalapit at lalo lamang silang nagkagulo ng nasa tapat na kami at natanaw nila ako sa loob. May kumuha na ng telepono at alam kong si Daddy na ang tinawagan nila. Nasa loob kaya sila? Does that mean... hindi sila tumuloy sa dinner? Kung hindi, then tama nga ako! Balak nila akong iharap sa magiging fiance ko!

Napailing ako. Tama lang pala ang ginawa ko kung ganoon.

Itinuloy ni JM sa loob ng gate ang itim niyang sasakyan at hindi naman siya hinarang ng mga guwardiya. Hindi na ako mapakali ng tumigil ang kanyang sasakyan sa tapat ng grand entrance at matanaw ko si Daddy at Mommy na palabas. Breath in. Breath out. Wala ka dapat pagsisihan, Alison. You can't be tied to a boy you don't love.

Naramdaman ko ang lamig sa puso ko habang tinatanaw ko ang galit na mukha ni Daddy. Bakit... ganito sila? Bakit 'di nila 'ko maintindihan?

"Be a good girl, please." Mahinang sabi ni JM. Nauna siyang bumaba at bababa na rin sana ako pero naunahan niya ako. He opened the door for me. Kung wala ako sa ganitong sitwasyon, malamang ay pagtutuunan ko ng pansin ang mga kilos niya, but I just can't right now.

Kita ko ang pagsinghap ni Daddy habang pinagmamasdan ang bawat galaw ni JM. Napangisi ako sa reaksiyon ng ama ko. What? He isn't my lover. Don't worry, Dad.

"Alison!" Sigaw ni Daddy pero napapatingin pa rin siya sa lalaking naghatid sa akin. Kahit si Mommy ay na kay JM ang buong atensiyon. Sa isip ko, laking pasasalamat ko na ginawa ito ni JM. At least, they can't direct their anger to me. Pero alam ko namang hindi pa rin palalagpasin ni Daddy ang ginawa ko.

With a serious face, JM offered a hand to my father. "Marcus San Diego, Sir." Natulala si Daddy sa cold na mukha nito. Gusto kong mapasinghap sa epekto niya sa mga tao. Sa mga magulang ko!

"San Diego?" Si Mommy ang unang nakahuma sa pagkakatulala sa malamig na aura nito.

Tumango naman ito at lumapit kay Mommy. I just stood there watching them. "Good evening, Madame." He politely greeted although his voice is real cold.

I thought for an escape. Pero bago pa ako makalusot ay may lumabas galing sa loob ng bahay. "Alison, hija!" Masaya ang boses ni Tita Flory at sinalubong niya ako ng yakap. Nakatingin naman si Prince sa akin ng may ngiti gayon din si Tito Arthur.

Nanlalaki ang mga mata ko at ni hindi ako makayakap pabalik sa ginang. Nakahalukipkip naman si Daddy habang pinanonood kami.

"I told you, we already met your beautiful daughter." Pabirong tinapik ni Tito Arthur ang balikat ni Daddy.

"A-ano pong ginagawa niyo dito?" I asked them, still in shock. Pinasadahan ko silang lahat ng tingin pero nahinto ito kay Daddy na wala pa ring kangiti-ngiti ang mukha. And as I stare at him, unti-unting nawala ang gulat na nararamdaman ko, and there's the coldness in my heart again. I just have the idea a while ago. But, now, I am so sure.

Nalipat ang tingin ko kay Prince at ng magtagpo ang mga mata namin, he smiled so sweetly. Na hindi ko masuklian.

Napayuko na lang ako hindi dahil sa hiya, kundi sa lungkot. I can't believe my family will really push me this hard to this. They knew... They knew how I despise this decision of theirs. Pero, ano 'tong ginagawa nila?

That Cold BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon