19

226 5 0
                                    

Napatitig na lang ako sa repleksiyon ko sa salamin ng makalabas na si Vaness. Pasabog? Maybe some announcement or entertainment number lang?

"Pasimpleng chismosa ah." Napatingin ako kay Heidi na may sarkastikong ekspresyon.

"Huh?" I asked, confused.

Umismid pa siya at saka dumiretso rin sa salamin upang maghugas ng kamay. "Ang sabi ko pasimpleng chismosa." Ulit niya.

Pero hindi ko pa rin nakuha.

"Ako?" I asked while pointing at my chest.

Kumunot naman ang noo niya at hinarap ako. "What the? Bff naman! Ang slow mo ha! Si Vaness siyempre! You're not chismosa naman 'no!" Winagayway niya pa ang kanyang basang kamay sa ere, dahilan upang magtalsikan ang mga patak ng tubig mula doon.

"Si Vaness? Bakit naman?" Ako. "And will you please watch your words! Baka may makarinig sayo at isumbong ka!" Naiirita kong sabi. Totoo naman! Baka mamaya ay makarating kay Vaness yung sinasabi niya. I don't want Heidi having a confrontation with Vaness.

"Tayong dalawa na lang naman ang tao dito, e! See?" Minuwestra niya ang kabuuan ng washroom. "And besides, totoo naman ang sinasabi ko! Masyado siyang feeling close sayo! 'Are you okay?' pa siyang nalalaman jan! If I know, gusto niya lang maki-chismis. Ha!"

Napailing na lang ako sa kanya. "Akala ko ba dinala mo 'ko dito para kumalma? Bakit parang ikaw pa ang nanggagalaiti jan? Ikaw yata ang dapat kumalma, e. And Vaness was just being friendly and nice to me."

Inismiran niya na lang ako.

"Anyway, okay ka na ba? Labas na tayo? Kanina ko pa naririnig yung tungkol sa pasabog pasabog na 'yan ng SD Acquaintance Party, e. We can't miss it too!" Bigla siyang naging excited.

Tumango naman ako. 'Yan na naman yung pasabog na yan. Tss. I just hope na ikatutuwa ko yan.

Paglabas namin ay may mangilan-ngilan ng mga nagsasayaw sa gitna. Slow dance.

Pabalik kami sa upuan namin ay agad kong natagpuan ang naiiritang mga mata ni JM na nakadirekta agad sakin. Oh, what's your problem now?

Si Axel at isa pang lalaki na Ace ata ang name na lang ang inabutan namin sa aming mesa, and JM and Prince of course. Mukhang bumalik na yung iba sa pwesto nila. Tahimik silang nanonood sa mga nagsasayaw, maliban kay JM na masama ang tingin sa akin sa hindi malamang kadahilanan, pero ang atensiyon nila ay nabaling sa pagbalik namin ni Heidi.

"Alison, Heidi. Natagalan ata kayo?" Ngiti ni Prince.

Nagkatinginan naman kami ni Heidi. "Well, mahaba ang pila sa washroom, e." She reasoned out for us.

Kitang-kita ko naman kung paano tumaas ang kilay ni JM dahil don. At masama pa rin ang tingin niya sa akin!

"Really, huh?" I heard his sarcastic voice.

"U-uh, yeah. Ang daming t-tao sa cr e." Nauutal si Heidi. Aish! Lalong hindi kapani-paniwala! Ano ba yan! Pero teka nga. Galit ba siya dahil natagalan kami? Tss. Parang yun lang ang sama na makatingin!

"Okay." Masungit niyang sabi at tumingin na sa mga nagsasayaw sa gitna. Hindi ko na lang siya masyadong pinansin at naupo na sa upuan, ganon din si Heidi.

"He looks irritated to me." Malungkot na bulong sa akin ni Heidi.

Tiningnan ko naman siya. "He's not." I told her seriously.

"Then why is he like that? Look! Para siyang may kaaway sa dancefloor kung makatingin!" Aniya. Tiningnan ko naman ang tinutukoy niya and she's right! Ang sama ng tingin ni JM sa mga nagsasayaw at parang gusto kong matawa! He looks cute while his forehead is creased to death!

That Cold BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon