41

140 3 1
                                    

"I'm so excited introducing my friends to you!" Sobrang hyper ni Heidi habang nagdi-drive siya along BGC.

Nagkatinginan naman kami ni Martina through rearview mirror tapos nginitian niya ako. I smiled back and sighed at the back of my mind.

Heidi's energy tonight is to the moon and I honestly can't keep up. I understand tho since maybe I was feeling a little bit nervous meeting new people.

But Martina's nice. We were introduced earlier and she had this silent yet kind vibe, very opposite to Heidi's.

Pagkaparada ng sasakyan ni Heidi sa parking ng siguradong isa sa mga high-end bars here in the Metro ay mabilis akong lumabas ng backseat, to finally feel the calming night breeze.

Sumunod sa akin si Martina bago si Heidi na hinila agad kami papasok. Papasok pa lamang sa bar ay napakadaming tao na Ang l bumabaling sa gawi namin, particularly to greet my friend who seems famous here and the center of attention. Wow.

Ang iba ay hinihintuan ni Heidi upang ipakilala ako, samantalang karamihan naman sa mga nilagpasan lang namin matapos ang mabilisang balik niHeidi ng pagbati ay naiiwan pa ang tingin sa amin. And I can feel their curious eyes on me. Gusto kong yumuko pero I collected my confident self I build up way back from my Cali years.

"Guys!" Hiyaw ni Heidi pagkapasok namin sa VIP room na sa tantiya ko ay may labing-tatlong katao.

Nakita ko pang sumenyas ang isa sa kung saan at bigla ang pagtigil ng napakaingay na pop music.

All eyes were on us now. Natawa ako nang ang tinitingnan kong lalaking sumenyas kanina ay kumindat sa akin. Ibinaling ko na lamang ang tingin ko sa kaibigan na abot-tenga ang ngiti.

"I'd like you to meet my bestfriend and my childhood bud, Alison! You can call her Ali!" Napangiti na lamang ako sa nag-uumapaw nilang energy.

Nagsimula silang maglapitan, nauuna ang mga kababaihan sa pila habang nagtutulakan naman ang mga kalalakihan na nasa bandang likuran.

"Don't mind the guys, Ali. They're just innate at flirting but not everyone is still available." Bulong sa akin ni Chloe sabay irap sa mga naghihiyawang kalalakihan sa bandang likuran namin.

Natawa ako do'n. Their crowd seems fun to be with.

"You changed a lot, Alison!" Kiming sabi ng nagpakilalang Cheena. I had a hard time remembering her from my high school years. But I remember her as one of the dance troupe I joined and Vanessa's bestfriend. Uh, am I even mentioning the right name?

Inabutan ako ni Dessa ng isang shot ng hindi ko pa kilalang alak at lalong umingay ang hiyawan when I drank it bottoms up.

Dahil si Cheena ang huling babaeng nagpakilala, susunod na ang mga kalalakihan. They all seems playful pero alam ko namang nagkakatuwaan lang sila. Like what Chloe said, I'm sure not all of them are still single.

May isa sa kanilang nagpainom pa ulit sa'kin ng isang shot.

"Hoy, Roy! Anong inaarte-arte mo? Ikaw na lang ang hindi nagpapakilala!" Sigaw ni Heidi.

Napadpad tuloy ang paningin ko sa malayong bar counter kung saan seryoso at tahimik nang nakaupo yung lalaking kumindat kanina.

"What?" He snapped back at Heidi. "Maybe you should tell me first if she's still available for me." Masungit niyang sabi as if it's the most natural thing Heidi should've done.

"Gago!"

May nambato pa sa kanya ng kung ano na mabilis niya namang nasalo.

"I'm fucking serious. She's a hot deal." He sounds so cocky, blunt and serious.  Bigla niyang nilipat ang mariing tingin sa akin.

That Cold BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon