Ano na gagawin ko? Nakatapak ako. BILISAN MO MAG-ISIP JET! Nagmumukha ka nang tanga, I swear. Isip isip isip isip isip!!
''Pssst.'' Narinig ko na sumitsit sa may table si Hans. Lumingon ako sa kanya nang may di-maipintang-mukha. Telling him na Í'm in trouble pre. Tulooooong!' Pinapunta nya ako sa table at agad na kinausap
''Anong nangyari sayo? Bat na-stroke ka yata?'' Hans
Paano ko ba ito sasabihin sa kanila? Isip!
''Uyyy Anyare?'' Pao
Uhhh. Anoooo.. Ano na? Sabihin ko na nga! Wala naman mawawala!
''Ano kasi...'' Ako
''Ano yung amoy na yun?'' Umasim yung mukha ni Toby
Luminga-linga naman si Kaloy at sininghot ang hangin. ''Pwe! Ano yun? Amoy tae!''
''Hoy! Umamin nga kayo! Sino umutot!'' Tumingin si Toby kay Brian. Siya kasi yung katabi ni Toby sa table. '' Oy Brian, amin-amin din pre! Walang mawawala sa 'yo kung aaminin mo!''
''MAMATAY MAN ASO NIYO TOBIAS MONTEMAYOR! KAKAJEBS KO LANG BAGO YUNG OT PRACTICE!!'' Makadepensa naman si Brian wagas! KAILANGAN SINISIGAW?!
''Nagkakahiyaan pa. Kurt! Tahimik mo yata pre..umamin ka na!'' sinisiko naman nya si Kurt
''Lubayan mo ko. Imposibleng ako yan! Di ako pumapasok sa school nang may 'kargada' '' Ayaw na ayaw ni Kurt na iniistorbo siya habang nagpi-PSP.
Aamin na nga ako!
''Ako yun.'' Sinabi ko ng pagkahina-hina
''Huh? Anong binubulong mo dyan Jet?! Pwe! Ang baho talaga~Pweee!'' Halos masuka-suka na si Jet
''Ako nga yung umaamoy! Nakatapak ako ng tae kaya di ako makalapit kay Toyang'' Okay, fine! Bahala na kung matawa sila or what...
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!
At tumawa nga sila.. NG SOBRANG LAKAS! Saya lang! Thank you ha! Mga kaibigan ko talaga sila. Pshhh..
''Hala naman pre! Tingin tingin din kasi sa dinadaanan! Hahahaha!'' Halos di makahinga si Pao kakatawa. Mahimatay ka sana! Bestfriend ba yan ha?!
''Paano na yan? Parang inaantay ka ni Miss CAFA oh'' napalingon si Kaloy sa may bandang tapat namin kung saan nakatayo si Toyang
''Pre, pahiram muna ng sapatos oh~sige na!'' Bahala na! Eto na lang ang last choice ko para makalapit sa kanya! Lumapit ako kay Toby at nagmakaawa ''Sige na please. Please Toby''
''Ayaw ko nga! Tapos susuotin ko itong may tae? NO WAY!''
''Sige na. Please! kawawa naman si Toyang inaantay yata ako!''
''Edi supladuhan mo!''
''Sige naaaaaaaa''
''NO''
Ayaw mo ha! Teka!
BINABASA MO ANG
Confessions of a Torpe
Teen FictionPaano mo masasabi na wala ka na sa Friendzone? Madali lang daw sabi ng mga ka-team ko. Madali nga ba sa tulad kong torpe at nice guy? I'm Jet Castaneda and these are my confessions.