Confession 3 : TOYANG

1.6K 37 8
                                    

Mahina na kung mahina pero may magagawa ba ako? Kung bakit ba kasi nasakto pang birthday ni Toby yung araw na una ko siyang nakita. But why would I blame Toby for that, right? Kung sabagay, if he didn't announced his birthday to the whole gym hindi naman ako magkakainteres lumabas ng campus. Kung hindi ako lumabas ng campus, hindi ko siya madadaanan. At kung di ko siya nadaanan, malamang na di ko siya makikita at makikilala.... Wait! Did I say makikilala? I DON'T EVEN KNOW HER NAME AT THE FIRST PLACE! ANO BA NAMAN YAN JET! ISIP ISIP DIN OKAY?!

Pagkatapos ng birthday party ni Toby sa Escape, balik na naman sa normal ang lahat. Academics-Practice Games ang inaasikaso ko. Pero, she's still bothering me. Katulad nung isang araw, habang nag-eexams kami sa Philosophy, bigla ko nalang naisip si CAFA Girl nung nakabasa ako ng ''arts'' sa multiple choice. Wala pa yan! Nung pababa naman ako sa staircase ng Engineering building, natalisod pa ako at napasigaw ng ''CAFA!''. Syempre all eyes were on me, natalisod na nga, napa-CAFA pa! San ka pa,di ba? Ang weird lang ng nararamdaman ko towards her,whoever she is.

Alam mo yung feeling na you have this urge to know and to see her again pero di mo alam kung saan mo siya hahanapin? HAYYYYY! PLEASEEEE CAFA GIRL! TANTANAN MO AKO!

----

Last 2 minutes.

.....

....

...

..

''That's all for today. Wag niyong kakalimutan simulan yung plate! Bago magSemi Finals ang pasahan! Class dismissed.''

Kinuha ko kaagad yung bag ko at lumabas na kaagad sa classroom. Maganda ang pakiramdam ko sa Lunes na ito. Parang may mangyayaring maganda at memorable. Ano nga kaya yun? Habang naglalakad sa corridor, dali-dali kong tinext si Pao at Kaloy na malelate ako ng konti sa overtime practice. Nakakagutom naman kasi, I need to grab some snacks first bago mabugbog sa practice.

Suddenly I saw someone sa may tapat ng building..

She looks familiar. Teka... Tingnan ko muna ng matagal...

IT'S CAFA GIRL! WAIT TEKA! BAKA NAMAMALIKMATA AKO!

SIYA NGA!

Nang makita niya ako na nakatingin sa kanya, tumakbo siya papalapit sa akin.

Ay putek. Ang bango niya. Nakakawala ng stress sa school. She looked at me and smiled. Inabot niya sa akin yung panyo na inoffer ko sa kanya nung una kaming nagkita sa CAFA Building. Nang kinuha ko yung panyo, I looked at her note there.

''THANK YOU :) '' in black pentel pen.

There was a moment of silence. Parang nagkakahiyaan pa. Jet! Speak up! Ano ka ba?! Palalagpasin mo na naman ba ito? I was about to say thank you when..

''TOYANG! NANDYAN NA SI MA' AM! IPASA NA NATIN YUNG PLATE NATIN!'' Lumingon siya sa likod at nakita niya yung kaklase niya na kumakaway sa kanya mula sa CAFA. Lumingon siya sa akin at ngumiti then she ran towards her friend.

Ayshh! Sayang! Pero come to think of it.

Toyang.

What a cute name. :)

Confessions of a TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon