-----------EPILOGUE---------

1.1K 14 3
                                    

(----->>>Play 'Paalam by Silent Sanctuary' para feel na feel po ang scene~ hihi -->>>>>>>)

TOYANG's POV

Buong kalangitan ay nagluluksa sa pagkamatay niya.

Akala ko nga babaha na sa sementeryo dahil walang tigil ang ulan. Pero sa tingin ko, kung babaha man sa kinatatayuan namin, yun ay dahil sa mga luha na ibinubuhos namin para sa kanya.

Nung una ko siyang nakita, akala ko parang wala lang. Yung feeling na 'Okay nagkita kami. Bukas wala na ito. Di ako kakaibiganin nito'. Pero nagkamali ako.

Naging close kami. Naging halos magkapatid na ang turingan.

Habang tinitingnan ko ang kabaong, naalala ko ang mga moments namin. Ang ngiti niya ang amoy ng pabango niya. Yung mga jokes at pag-aalala niya. Yung mga panlilibre nya sa akin. Lahat ng ito'y di ko makakalimutan. Alam ko yun, deep in my heart.

'' God is with him forever and ever. In the name of the Father,the Son and the Holy Spirit.''

''Amen''

Unti-unti nang binababa ang kabaong niya. 6 feet under.

Nagsisimula nang lumuha na naman ang mga tao, Nakikita ko ang Mama at Papa niya na puno ng hinagpis at kalungkutan. Nakikita ko ang mga kaibigan nya na nagkakayakapan. Nakikita ko sina Mika at Steff na unti-unting tumatamlay matapos dalawin si Zig sa kulungan.

Ako?

Para akong tanga. Manhid.

Walang masabi. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko. Ano nga ba? Unti-unti nang nawawala sa paningin ko ang kabaong at natatabunan na ng mga puting rosas at lupa. Naghahalo na ang mga gawa ng Diyos para sa kanya. Patuloy pa rin ang ulan. Wala na sigurong tigil ito buong araw.

Huminga ako ng malalim. I need to move on after this.

Ayaw niya na nasasaktan ako. Ayaw niyang umiiyak ako at nalulungkot. Hindi niya gugustuhin na ganito ang sitwasyon ko kung nabubuhay man sya.

Naglakad ako palayo sa libing at unti-unting tumingala sa kalangitan. Okay lang kahit mabasa ako ng ulan. Hindi ko na siya maibabalik pa. Ngumiti ako at umiyak.

'' Ang daya mo naman Jet. Nang-iiwan ka bigla. Di mo tuloy narinig I love you ko. Baliw ka! Hahahaha! I love youuuuu! Sana marinig mo ito dyan! Wag mo akong kakalimutan! Magkikita tayo sa next life natin! Tiwala lang ha? Sana sumaya ka lalo dyan. after this, di na ako iiyak pa dahil sa'yo. Alam kong magagalit ka pa at di matatahimik kaluluwa mo. Hehe! MADAYA KA!MADAYA MADAYA MADAYAAAAAAAAA!!'' Hinga malalim. Okay na siguro yun.

'' Pinaubaya ka niya sa akin bago siya mamatay. Tahan na Macon. Nandito pa ako.''

Nagkatinginan kami habang nakasilong sa itim na payong. Pinunasan niya luha ko at hinawakan ang kamay ko ng sobrang higpit. We both smiled.

Alam kong magiging okay na ako. With Toby by my side, I'll never cry like this again.

Ever.

--WAKAS--

Confessions of a TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon