Buong linggo yata kaming kono-congratulate ng bawat estudyante at faculty sa SHU. Parang mga heart throbs lang ha. Nginingitian ko lang iba at nagpapasalamat. Hindi kasi ako sanay sa sobrang exposure, unlike my other teammates. SIla kasi sanay na kasi kahit sa ibang extra-curriculars naawardan. Ako kasi sa basketball lang talaga ako loyal..
Tulad ng pagkaloyal ko kay Toyang! Naknammmmmm. BADUY MO JET! HAHAHAHAHA!
Speaking of Toyangbabes (babes talaga?! Assume assume din minsan! Pagbigyan na!) nasaan na ba ang aking napakagandang inspirasyon? Ang dahilan kung bakit pinagbuti ko pa ang pagpasok sa Final4? Hayyyy. Ilang araw ko na siyang di nasusundo simula nung nananalo kami against SRU.
So I decided to get out of the Engineering department at magliwaliw sa bandang CAFA. Sinabayan nga lang ako ng Paolo na ito. For sure, mang-iintriga 'to daig pa babae sa pagka-chismoso.
''Oy saan ka punta?'' Pao
''Kung saan-saan lang'' Ako
''Kung saan-saan daw. Lokohin mo lola mo Castaneda! Kay Toyang lakad mo noh?'' Ayan an nga, nagsisimula na siya. ''Ano gagawin mo dun? manliligaw ka?''
''Oo.''
''Ha?! Manliligaw ka? Seryoso?'' Napalakas pa ang sabi netong lokong ito! Biglang natigilan yung mga kasabayan namin. Binatukan ko nga!
''Sira! N-N-NO. YE-YES! NOOOOO~ NNN--NOT YET! ANO BA BRO!'' Nakakautal na ha!
''Ano ba talaga pre? hahaha! namumula ka na uy!'' Pinisil pa niya pisngi ko.
''Lalake ka ba talaga ha? Aminin mo nga Pao!Kadiri ka namimisil ka pa ng pisngi!' Sinigawan ko nga! Kakahiya ito kasama! Hayyyy!
'' Hahahahaha! Nilalambing ka lang bro! Woooo! Bahala ka nga! Goodluck sa'yo Jet.'' Thank God nakaalis na siya. May date pa daw sila ng Cathybabes niya.
-----------
So I was walking down the corridor and all of the students there were like ' Congratulations Castaneda'' and '' Goodluck sa Finals and Fight Black Knights!'' Nginingitian ko lang sila dahil shy-type nga kasi ako. Hindi naman ako tulad nila Toby na pasikat.. este super sikat dahil mas madami pa ang extra-curricular nila. Ako kasi basketball lang talaga forte ko. Anyways, kesa kuyugin ako ng mga chicks and guys dito,binilisan ko nalang ang pagpunta ko sa classroom ni Toyang. (Naks may schedule niya ako eh, bakit ba?! Angal kayo!? Hahahaha!)
Ayun si Toyang! Kausap nga lang mga kaklase niya sa labas ng room.
Masurpresa nga! Matagal-tagal ko na rin siya di nasusundo matapos nung Semis e. Lumapit ako sa likod niya at nagsign ng "shhh" sa mga kausap niya. Nagpaalam naman ng maayos yung mga kaklase niya at nginitian nila ako.
Ayan! Masosolo ko na siya! Tinakpan ko yung mata niya gamit mga kamay ko. ..
''Waaaa! Sino ka?!'' Toyang
''Anong sinuka?! Tao ako! Secreeet. Hulaan mo!'' Ako
"Ehhh~ Sino nga kasi? Pshhh. Clue?'' Feeling ko nagpa-pout na sya. Cute lang!
'' Hmmm. Lalake.'' Ako

BINABASA MO ANG
Confessions of a Torpe
Novela JuvenilPaano mo masasabi na wala ka na sa Friendzone? Madali lang daw sabi ng mga ka-team ko. Madali nga ba sa tulad kong torpe at nice guy? I'm Jet Castaneda and these are my confessions.