Confession 26 : Boys' Night Out!

863 17 1
                                    

''What a pretty scene.'' Nakakainis talaga yang tabas ng mukha mo Zig! Makita ko pa lang kahit hindi ka na magsalita,naiirita ako. Para pang bading na pumapalakpak.

''Hindi kita inaano dyan, Umayos ka Alcantara.'' Pinipigilan ko ang inis ko , baka dumugo pa bibig neto sa akin! %@#@&%@*@

''Hahaha!  Umayos ka lalo,Castaneda. Hindi mo kilala ang kinakalaban mo para kay Macon.'' Lumapit siya sa akin at nagsukatan kami ng tingin.

'' Hindi mo maagaw ang babaeng nasa akin na.'' He smirked after his speech.

''What will you do if I had the courage to get her from you?'' Ako

''Not now,Castaneda. Not now.'' Tapos umalis na sya sa harapan ko.

What's wrong with him anyway? May something sa pagsabi niya nun.

Masama ang kutob ko about this one.

--------------------------------------------

PAO'S POV

Kahit binabagabag pa rin ako ng  konsensya ko, di ko pa rin kayang sabihin kayna Macon at Jet ang narinig at nakita ko noong sembreak sa mall.

Friday night is Boys' Night Out kaya kumpleto na naman ang barkada

'' Grabe. 2nd sem na! Parang kailan lang mga pre noh?'' Kaloy

'' Sinabi mo pa! Teka tekaaa.Tapusin ko lang ito.'' Nagpi PSP pa rin itong si Kurt oh.

''Oy Kurt,, chill ka nga muna! Puro ka PSP. Para kang tanga! Nag-iinuman tayo eh!'' Sabi ni Toby habang shuma-shot. ''Try this pre, medyo matapang pero masarap'' Inabot sa akin ni Toby yung 'Heartbreaker', pinakabagong flavor ng drink sa Escape.
 

''Powtek. Tapang Tobs!''Namula ako bigla. Powtek na yan! Baliw na Toby, natawa pa. Halatang dinagdagan niya ng alcohol ito! Baliw na kaibigan.

''Kamusta naman pre yung eksena mo nung first day of classes? Balita ko daming nakapanood ha?'' Chris

'' Sikat 'to noh! Ako pa! Minsan lang makaabot ng 2 taon kaya nilubos ko na panunurpresa'' Ako

''Baduy daw Pao! Hahahaha!'' Sabay tawa ng malakas ni Kurt habang nagpiPSP pa rin. -____-

'' MAS BADUY MUKHA MO! HINDI MO KASI NAKITA KAYA MABILIS KA MANGJUDGE!''

''Maiyak ka pa dyan Paolo De Guzman! Hahahaha! Oh panyo'' Inabutan pa ako ni Kurt ng panyo. Hahaha! Siraulo!

''SAKSAK MO YAN SA BAGANG MO! POWTEK. GANDA NG SUPPORT NYO HA!PAG KAYO TALAGA NAGKALOVELIFE!'' Dinuro ko sila  isa-isa. Matampuhin much ako eh Haha!

" Eh si Jet na lang talaga pinaka-wala sa atin mga pre. Ano ba kasi problema?'' Toby

''May boyfriend na yun.''Sabi naman ni  pareng Jet

Inakbayan siyani Kaloy '' Kuhanin mo. Problema ba yun? What you see is what you get dapat di ba? Napakadali lang nyan pre''

'' Hindi ako tulad mo! Manunulot!'' Natawa kaming lahat.

''SAKIT NUN HA! ARAAAAY HAHAHAHAHA!'' Napahawak pa sa kaliwang side ng dibdib si Kaloy. '' Atleast ako nakukuha ko naman. Kumabaga,successful. Eh ikaw?''

''Papayag ka ba na nasa Friendzone ka na lang?'' Chris

''Sympre hindi.''

''THEN COURT HER NA!'' Kailangan sabay-sabay kami?! Hahaha!

''I'M SCARED.''

''HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! WEAK MO! KAYA MO YAN! MADALI LANG YAN!'' Toby

"Madali yun para sa inyo kasi di kayo torpe!'' Jet

'' Face your fears pre! Kaya mo yan! Tanggalin mo paminsan yang kaba mo! Trust us!'' Sabi ko na lang  habang magkakaakbay kaming lahat sa harapan niya. Tumango na lang siya at uminom ulit.

'' Pre.tanong lang. Mga what ifs ko lang...'' Sabi ni Kurt. Sa wakas! Nalubayan na rin niya yung PSP

''Ano yun pre?'' Sabi ni Jet

'' What if malaman mo na pinagpupustahan lang pala si Macon?'' Napatingin kaming lahat kay Jet.

Unti-unti niyang nilukot ang lata ng beer  na may laman na hawak niya at nag-iba ang aura.

'' Baka mapatay ko yung guy na yun.''

Alam ko at ramdam kong walang halong biro ang huling sinabi ni Jet. My bestfriend means it.

Confessions of a TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon