Confession 6 : Ang Katakawan ni Ma. Concepcion

1.3K 39 1
                                    

Pagkapasok pa lang namin sa Mcdo, agad siyang pumila sa may counter. Mukha siyang gutom na gutom. Nanlalaki kasi ang mga mata niya habang nagbbrowse sa mga pictures sa menu.

''Float sa akin at Big Mac. Sa'yo?'' Lumingon siya sa akin at hinintay ang sagot ko..

''Ganoon na lang din'' sabi ko, nakakahiya ha. Seryoso kaya siya sa panlilibre niya?

'Eh? Order ka pa! Diet kasi ako kaya konti lang inorder ko. Wag mo kong tularan! Hahaha!'' At talagang gusto niyang gumastos ng husto ha?

''Osige. Float,Big Mac, large fries at sundae. Okay na yun sa akin.'' Sabay ngiti syempre. Dagdag pogi points yun ha. Mukha naman siyang nainggit kaya kinalimutan nalang daw muna niya ang pagdada-diet, tutal minsan lang naman siya mag-pig out.

------

Pagkaupo pa lang namin, agad niyang binuksan yung Big Mac niya at kumagat ng pagkalaki-laki dito. Ayos siya ha. Ngayon pa lang ako nakakita ng babaeng sabik na sabik pagdating sa kainan.

*nguya*

*inom. nguya ulit*

*kuha fries*

*inom*

''Hmmmmm. Nomnomnommmm...'' She said in between her bites.

''Hindi naman halatang gutom ka no?'' Sabi ko habang kumukuha ng fries. Napatingin siya sa akin at ngumiti, saka uminomm ng float. Huminga muna siya ng malalim at nagsimula nang magsalita..

''Eh kasi naman, ang dami naming ginawa ngayon! Biruin mo ha, deadline ngayon ng plate namin sa perspective. Pang-Midterms yun ha! Tapos nagquiz pa kami sa Filipino. Tapos yung boring naming prof sa History of Art nagpasurprise quiz pa! Buti na lang nakapagbasa ako in advance kung hindi, deds ako! At wag ka, tinambakan na naman kami ng new plates para naman daw sa Finals.' Hayyyyyyyy!'' (____ _____'') Ganyan ang mukha niya pagkatapos magpaliwanag.

Ang cute niya kahit mukha na siyang pagod na pagod. Nainterrupt lang ang pagkatitig ko sa kanya nang magwave na siya sa mukha ko..

''Jet Huy, nakikinig ka ba? Okay ka lang?''

''Ay sorry, Narinig ko lahat. Naspaced out lang. Haha!''

''Eh ikaw ba?Anong ginawa mo sa campus?''

''Plates din saka overtime practice. Malapit na kasi ang Semi-Finals.'' sabi ko

''Speaking of Semi-Finals.. FIGHT BLACK KNIGHTS!'' Nagsitinginan yung mga katabi at katapat ng table namin. Pati yung malalayo sa amin napatigil. Isigaw daw ba ang suporta niya? Loud and proud eh. Nakataas pa yung kamay! Haha!

''Salamat ha. Sana talaga makapasok tayo'' Sabi ko. Tinapik niya ako sa braso at ngumiti.

"Makakapasok yan. Nandyan ka eh. Ikaw ang dakilang Captain Ball ng South Hill University Black Knights! Walang makakapantay sa ' yo. "

Sarap lang sa pakiramdam nang may sumusuporta sa'yo. Madami namaing sumusuporta sa Black Knights, buong campus nga nandyan para sa amin eh.

Pero syempre, iba pa rin pag si Toyang ang sumuporta.

Crush ko siya eh. Ayputekkkkk! Ang bading kooooo! ><

Confessions of a TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon