Confession 2 : Miss Anonymous

2.1K 43 0
                                    

Halos mapanganga ako nung makita ko kung sino ang babaeng inoffer-an ko ng panyo..

Para kasing nakita ko na siya pero di ko alam kung saan. baduy man ito mga pre, perooooo..

Parang siya yung babae na napapanaginipan ko for the last 3 years of my life in college. Oh di ba? Ang baduy! Basta kung hindi man siya yung babaeng napapanaginipan ko, pamilyar ang mukha niya. Parang matagal ko na siyang nakasalamuha. I just felt good having her infront of me right now, even though she is sobbing in pain.

Tiningnan niya ako ng maigi at nanlaki ang mata niya habang kinukuha ang panyo..

''Uhhh..''I was about to tell her something but..

''JET! NAGTEXT SI TOBY~ BAT ANG TAGAL DAW NATIN! TARA NA TOL! Baka uminit pa ulo ni Birthday Boy!'' Panira ka Hans! Kung kailan naman aariba na ako sa damoves ko oh. Tsss. What will I do now?

''Te-Teka lang pre! Uhh. Miss I need to go ha? See you around. Mag-ingat ka'' Tumayo ako at sumulyap muli sa kanya sa huling pagkakataon bago ako makapasok sa kotse.

--

''Bat ganyan mukha mo? Yung mata mo ilagay mo sa daanan!'' Sabi ni Hans habang tintingnan kung ano yung tinitingnan ko mula sa rear view mirror.

I took a deep breath and tried to get rid of her in my eyes but she keeps on boggling my conscience..

''Si CAFA girl noh?Hahaha! Suuus. Magkikita din kayo nun!'' Sabi ni Hans habang umiinom ng Gatorade.

''Ano kaya pangalan nya? Hmmm..''

''WHAT?!YOU DIDN'T ASK FOR HER NAME? Seryoso ka ba!?"' Napatingin bigla si Hans sa akin. Wala akong magawa kundi tumango.

''Wala ka na talagang pag-asa pre. Torpe mo'' Sige pa Hans! Mabulunan ka sana! Nanlait pa. Hayyyy tingnan mong minsan lang ako magkaganito tapos lalaitin pa? Pshhh.

''Kasi naman tatanungin ko na sana nang bigla mo kong tinawag. Pshhh. Saka gusto ko lang malaman ang pangalan niya so I have an idea who my new friend is..'' Which is true naman!  Tatanungin ko talaga out of mere curiousity lang. No more no less.

''NEW FRIEND MO MUKHA MO! HAHAHAHAHAHA!  MAY IBA KA PANG INTENSYON UY~KITANG KITA KO SA PAGLINGUN LINGON MO SA KANYA'' Natawa na lang ako kay Hans. Masyadong tamang hinala, tinalo pa mga babae. Pero I only wanted to know her name because..Tama na nga! Baka pati kayo iba isipin!

Basta, I need to know her name.

-----

Pagkadating na namin sa Escape, akala namin may pakain sa barangay. ANG DAMING TAO! All walks of life kumbaga. May mga sosyal, may mga pa-sosyal, may mga jejemon, may mga first timers at may mga expert na sa Bar.

Confessions of a TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon