'' Naks naman.''
''O tapos''
''Lumapit siya sa akin, mga one inch nalang layo ko sakanya..then..''
''Guys! Maya na yan! nandyan na si Coach. Gather up!'' Naputol ko na naman ang kwento ni Pao. Hindi ko naman kasalanan na utusan ako ni Coach para igather sila. Umayos kami ng upo nung pumasok na si Coach Al sa locker room..
''Boys we need to get ready for the semi-finals. Dapat makapasok tayo sa Final 4! So starting on this date, mag-oovertime na tayo sa practice!'' Sabi ni Coach Al habang isinusulat sa white board ang August 18.
Halos manlaki ang mata ni Pao habang nakatitig sa August 18 na date, ''Coach,pwede po ba maexcuse muna ako sa 18? Anniversary po kasi namin ni Cathybabes. Siguradong sasapakin po ako nun kapag di ako sumipot. Please Coach..Pleaaaaase?''
''Bahala ka sa buhay mo De Guzman. Ano pipiliin mo, Final 4 o yang si Cathybabes mo?'' Kitang kita kong nagpigil din ng tawa yung iba kong team mates nung narinig mula kay Coach yung 'Cathybabes' Hahaha! Ang weird eh.
'' Uhh.. Pwede po both?'' Pao
''Bahala ka! Kapag di ko nakita pagmumukha mo sa 18, sa bench ka lang the whole game!'' Pagbabanta ni Coach at bumalik na sa pagsusulat ng mga motivational words.
''Hayy. bahala na nga..''Narinig kong bulong ni Pao habang nakatingin sa photo ni Cathy. ''Nako patay na talaga ako sayo Cathybabes ko..''
''She'll understand. Alam naman niya kung gaano mo kagusto na mapasama sa Final 4 ang Black Knights di ba?'' Sabi ko sa kanya habang diresto ang tingin sa white board.
''Sana nga. Hayyy..''
''Think positive pre. Mahal ka nun, for sure maiintindihan niya yun.'' Tinapik ko nalang yung likod ni Pao habang nakayuko siya.
Tumingin siya sa akin at ngumiti..''Salamat pre ha. Ewan ko ba kung bakit inayawan ka ni Steff. Psssh. Thanks Jet!'' Pailing iling na sabi ni Pao habang idineretso na rin ang tingin niya sa white board.
I'm Jet Castaneda. Captain Ball ng South Hill University Black Knights. Junior college student taking up Civil Engineering. Madaming nakakakilala sa akin sa school since I'm the captain ball. I doubt it na makikilala nila ako kung hindi ako sumali sa tryouts sa team nung freshman ako. Mahilig ako magluto at masayahing tao. Kasama din ako sa Dean's List. I make a point na nababalance ko ang academics at sports dahil pangarap ko talaga na sumunod sa yapak ni Dad at grumaduate on time with flying colors.
About naman sa lovelife, pahinga muna ako dyan. I had 7 girlfriends before. Bad boy kasi ako noon, I wasn't serious about love and relationships so hindi talaga nagtatagal ang past relationships ko. Until I met Steff. Napatino ako ng babaeng yun, I don't know what happened, pero I fell inlove with her. Okay naman ang relationship namin then came the truth na naging sila pala nila Patrick, yung pinalitan kong captain sa team.
Dahil heto naman akong si tatanga tanga at martir, pumayag naman ako maging rebound niya. Mahal ko eh. Our relationship lasted for a year. 6 months seryoso, 6 months lokohan na lang. Para lang mapatagal ang relasyon namin. I decided to break up with her nung naliwanagan na ako sa mga katangahang ginagawa ko. Thanks to the team na sumuporta at nag-advice sa akin na tigilan na ang kalokohang yun.

BINABASA MO ANG
Confessions of a Torpe
Novela JuvenilPaano mo masasabi na wala ka na sa Friendzone? Madali lang daw sabi ng mga ka-team ko. Madali nga ba sa tulad kong torpe at nice guy? I'm Jet Castaneda and these are my confessions.