Confession 25 : Heart to Heart

856 15 0
                                    

TOYANG'S POV

Pamilyar yun ha! Waaaaa!! Tama nga. si Paolo nga yun!

'' Awww. Ang sweet naman nung guy!'' Gabby

''Tama! Sana naman may mga ganyan pang lalakeng atitira sa mundo'' Sabi ni Lexie habang nakapalumbaba sa may railings ng corridor.

Oo nga noh? May katulad pa kaya ni Paolo? Hmmmmm. Nakakainggit naman si Cathy. Buti pa siya. Kasi naman itong si Zig, oo sweet nga siya pero parang kulang pa. ANG CHOOSY KO DI BA? Parang lahat naman ng gusto ko nasusunod niya. Pero may something pa na nawawala eh. Ewan ko ba.

Oh well, okay na siguro na alam kong mahal ako ni Zigbeybe ko. Nararamdaman ko naman yun eh! Malay natin di siya ganoon ka-showy. Hihi~

Buong araw akong sobrang pagod. Ang dami-dami kasing plates! Nagkasembreak lang pero di pa rin tumigil ang pagbibigay ng kung anu anong kaek-ekan. Tulad neto! Katapat ko ngayon yung Plate ko sa Still Life. Nagugutom na sana ako at gusto ko nang kainin yung saging at mansanas... KASO INIISKTECH KO PA, tapos pipinatahan ko pa! Hanubanamaaaaaan! Eh gutom na ako! >:l

Habang focus na focus ako sa  painting ko..

"Wag kang lilingon''

Ayputeeeekkk! Lilingon ba ako or what? Waaa! Mag-isa lang ako dito sa 3rdfloor h! Yung Architecture students nasa assembly nila, yung ibang Fine Arts nagkalat sa campus, ayaw nila tumambay sa CAFA masyado daw mainit!

Waaaaa. Ano ba Toyang! Imagination mo lang yun... PERO NARAMDAMAN KO YUNG HINGA EH! LORD, WAG PO NGAYON. MABILIS AKO MATAKOT.. So, tinuloy ko lang pagpipinta ko.

'' Gutom ka na noh? hihihihiiii"  Nakakakilabot na ha!

''Ayputek ka! Jet naman eh! Bat andito ka at bat ka nananakot aber?!'' Nagpout ako nung makita kong katapat ko ang mukha niya. Pshhhh! Malokong bata ito! Ako pa pagtitripan. UFADXJSAHKSA

'' Oh ilong mo umuusok na! Binibiro ka lang! Dumaan lang ako sa Library nyo regarding sa research namin sa Art, paalis na ako nung nakita kita dito sa dulo. Kaya I decided to scare you. Bleh!'' Nakuha pang bumelat -____-"

*binatukan* *poinkkk!*

''What was that for?!'' Jet

"Hilig mong manakot eh! Nanahimik ako dito! Pshhh. Pag ako bumagsak dito sa Still Life..Papakinin ko sayo tong brush at paint!'' Tinapat ko sa mukha niyya yung brush at paint at aaktong ibubuhos at isusubo sa kanya

'' Chill! Hahahaha! I was lightening up the mood! masyado ka kasing seryoso.'' Jet

*errrr* (tunog ng tummy ni Toyang~Haha!)

'' At gutom ka na rin'' Natawa pa ang loko, eto naman kasing tyan ko hindi kami iniinform na mag-iingay! Kakahiya tuloy.

''Tatapusin ko muna...Jet!'' Hinatak na niya ako at sinabing mamaya na yan. Next week pa naman daw pasahan neto. WHAT THE?! PAANO NIYA NALAMAN? Baka kay Zig~Pero paano naman niya yun malalaman kay Zig kung parang not in good terms sila.

Confessions of a TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon