Confession 16 : No bitterness. No stress.

847 18 0
                                    

Hindi ako nagkakamali. si Steff nga yun. Likod pa lang niya alam ko nang siya yun.

I can't believe it!

Bakit ngayon pa? Ngayon pang balak ko nang magdamoves kay Toyang? Kasi syempre,isipin niyo ha.. Kung manliligaw na ako kay Toyang (YUN AY KUNG PAPAYAGAN NIYA AKO) makikita ko si Steff gabi-gabi kapag manliligaw ako sa bahay nina Toyang. Oh di ba? What if papasok pa lang ako ng bahay nina Toyang nun, tapos makikita ko siya at magkakamustahan kami?

ANG AWKWARD.

Alam mo yun. Wala naman nang feelings na natitira at pati bitterness din, pero syempre.. THAT STEFF IS MY EX GIRLFRIEND. May nakaraan pa rin kami ng babaeng yun. At paano kung magkikita kami ngayon? Ano na lang sasabihin namain sa isa't isa? Yung parang magbabatian nang walang malisya o kaya hindi magfaflashback ang nakaraan sa amin? Waaaaa! Nakakasira ng ulo. Pshhh.

So ano na?! Ano nang gagawin mo Jet? Hayyyy! HELPPPPPPP!

''Oh, hindi ka ba papasok sa bahay?'' Nawala ang pagkatulala ko nung nagwave si mukha ko si Toyang. Ayputek.

''Ay sorry. Haha!'' ako

''Something's wrong?'' Toyang

''Wa-wala naman. Haha! Tara na sa loob?'' Hahatakin ko na sana si Toyang papasok ng bahay nila nang magtama ng di inaasahan ang mga mata namin ni Steff.

Shemayyyyy~ Nakilala niya ako!

''OH MY GOD. JET?! JET IKAW BA YAN?!" tapos lumapit sa amin si Steffi at niyakap ako. ''Whta do we have here? Hi Macon!'' Ngumiti siya kay Toyang.

'' Kilala niyo isa't isa?'' Toyang

''Uhhh Yeah! Haha. He's my ex boyfriend.'' Tapos umakbay pa sakin si Steff. Uggh! AWKWARD HA! gusto ko sanang umiwas ng kaunti sa kanya kasi alam mo na, baka sumulpot si Patrick, iba pa makita niyang eksena at ma-misunderstood pa.

'' Talaga? Haha! Ayos ha.'' Toyang

''So Jet. Kamusta? You hitting on Macon?'' Nakita ko si Toyang na medyo natawa.

''HAHAHAHAHA! Loka ka Steff. Jet's my close friend. As in.''

ARAY HA! HARAP-HARAPAN NA HA!!AKYVXKAGFSKAHGS!!

Nanlaki ang mata ni ex at humingi ng sorry. Mga 5 beses yata syang panay sorry ang binabanggit. nakakawala nga ng pasensya, kakarindi sa tenga! hahaha!

''Osya, nice seeing you again Jet. I hope you'll have a happy life. I gotta go, may date kami ni Pat.'' She's referring to her boyfriend Patrick. Oh well.. No bitterness, no stress. Ang sarap pala sa feeling na mako-conquer mo yung fears at doubts mo. Tipong in the end, it's really not bad at all. Na wala naman palang regrets ngayon na nakikita kong talagang masaya at inlove si Steff.

Nung papasok na ako sa bahay nila Toyang, biglang bumalik si Steff sa akin at may binulong na hindi ko aakalain na sasabihin niya. Alam kong di ko ito makakalimutan at isasaksak ko ito sa kukote ko!

" Go get her, loverboy.''

Confessions of a TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon