Confession 8 : WHATTTTT!?

1.3K 30 2
                                    

Ilang gabi na akong di makatulog ng maayos after ko sabihin kay Toyang na mag-kaibigan kami. Para bang nakakakonsensya na ewan. Teka  nga, bat ako makakakonsensya eh wala naman akong ginagawang masama? Pero iba kasi yung nararamdaman ko sa kanya simula nung una kaming magkakilala.

Alam niyo na yun.

I think I like her. At kung hanggang kaibigan lang kami, paano ko na maiaangat ang status namin?

HEP HEP! TEKAAAAA! BAKIT BA ANG ADVANCE MO MAG-ISIP?! MANLILIGAW AKO? EH? TOTOO BA YAN?

ANG TORPE KO KAYA. Kausapin ko nga lang sya pahirapan na, what more kung liligawan ko na sya? IMPOSIBLE. DI KO PA KAYA. Wala pa akong lakas ng loob >< Okay na sa akin yung ganito, I'm always here for her. Always ready to be her crying shoulder at nandito ako para patawanin at pasiyahin ang bawat araw niya dito sa SHU.

Tama. Tama nga iniisip ko.

I'll be her friend. For now. :)

--------------

Pansamantala kong di inisip si Toyang. Semi-Finals na kasi eh...Pero di ko siya matiis! Ano ba naman yan!  After nung huling O.T Practice namin, tinext ko si Toyang na susunduin ko siya.

To: Toyang<3 (Kailangan may heart pa,Jet!?Ang baduuuuuy!akhgswyvkwgs)

Nasaan kn? Puntahan kta

Nagreply siya kaagad..

From: Toyang<3

May klase pa kmi. Una ka na. Kakhiya nman sau. :)

.Masurpresa nga ito. Inayos ko ang sarili ko at nagpabango pa. Nagpaalam muna ako kay Toby na di ako makakasama sa Boys' Night Out namin this Friday kasi susunduin ko si Toyang. Syempre, nanukso na naman ang mga tukmol. Kahit kailan talaga oh!
 Dumiretso ako sa CAFA Rm. 120. Sakto! Nagdismiss na prof nila...

Ilang students pa ang nagsilabasan bago ko siya nakita..

''Si Castaneda ba yun?''

''oo nga! Bakit nandito siya?''

''Baka may susunduin dito''

''Baka kamo may girlfriend na taga-3A! Ayiiii sino kaya yun! Baka ako yun!''

''Kapal mo. If I know, ako lang hinihintay ni Papa Jet.''

''Tse! Pangit mo mars!''

''Mas pangit ka! Tara na nga''

''Hi Papa Jet''

''Si Jet oh.''

Parang mga bubuyog itong mga ito. Nagfocus bigla yung mata ko kay Toyang nang pindutin niya ilong ko. ''Bakit ka nandito?Sabi ko wag mo na akong sunduin eh'' Nang narinig siya ng ibang taga CAFA,napatingin sila sa amin. Napapangiti yung iba, may mga walang pakialam naman at may mga may  violent reaction pa! OA HA!!!!!

Confessions of a TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon