Confession 9 : Road to Final Four

1.1K 28 3
                                    

Nung moment na yun, parang nabingi ako. oo baka naman di makapagsink-in sa utak ko na may nagugustuhan na si Toyang.

At yun ay hindi ako.

I have a crush on someone. Taga-Engineering siya.

I have a crush on someone. Taga-Engineering siya.

I have a crush on someone. Taga-Engineering siya.

I have a crush on someone. Taga-Engineering siya.

FINE! MAY CRUSH NA KUNG MAY CRUSH. Ano magagawa ko? Sino kaya yung someone na yun?

Napatingin ako sa kanya ng matagal at hindi ko mapigilan matanong kung yung ''someone ' na yun. Ngumiti lang siya at bahagyang namula at saka sinabi na '' Secret. Basta may crush ako.''

''Taga-Engineering ba? Anong klase ng engineering?''

''Secret nga kasi.'' Dinaan niya ako sa pagpisil ng ilong at saka uminom ng Coke.

Damn it! Sino kaya yung tukmol na yun na crush ni Toyang?

Malaman  ko lang kung sino yun. Pshh.Lagot yun sa akin!

Natahimik na lang ako at di na ulit tinanong kung sino yung crush niya. Baka mainis pa ito sa akin at mawala ang happy mode niya. Secret daw namin yun, wag ko daw ipagkakalat. As if naman kilala ko kung sino talaga yung guy na yun. She didn't even bother to spill the guy's name! Nakakahighblood lang.

But..WHY AM I LIKE THIS? ANO NAMAN SA AKIN IF MAY CRUSH SIYA?! CRUSH LANG NAMAN YUN!

Pero kasi, her crush is some other guy and not me. That is why I'm really getting serious on this issue. Buti sana kung ako yung crush niya, matutuwa pa ako. Kaso hindi eh! Mukhang ibang Engineering ito at ibang tao ito. Malamang na di ko kilala yung lalakeng yun kung sino man siyang mukhang aspalto. Hayyy! Why am I like this ba? Nakakapanibago lang. Parang since Steff left me hindi ko na masyadong pinapakialamanan yung lovelife or crushlife ng may crushlife. Like nothing happened.

Pero iba kasi si Toyang. Alam niyo naman yun di ba?
She's something. She's damn special to me kasi nga may gusto ako sa kanya.

---------

'" Eh ano naman kung may crush siya? Nako Jet!'' Päo

"Syempre nakakailang lang.'' Ako

''What?! Anong nakakailang dun? Alam mo pre, crush lang yun, at saka malalaman mo din naman sooner or later kung sino yung guy.''

Biglang lumabas si Coach Al at tinapik kami isa-sa na nakaupo sa may locker room..

''Ready for the Semis?'' Kakaiba ang aura ni Coach ha. Napaka-confident lang niya at para bang walang inaalala sa napipintong pagkatalo..este pagkapanalo namin! Mananalo kami, for sure yan! Hindi ako papayag na matatalo ang Black Knights!

''YES COACH!'' Tumayo na kami at nagsimulang magdasal. Hihingi muna kami ng basbas ni Lord para matuluyan na kami sa Final4. Kayo na po bahala sa amin, Bro. : D

Nung tinawag na ang Black Knights, isa-isa na kaming nagsilabasan sa room. GRABE ANG DAMING TAO SA ARENA! Parang pang Final4 ang audience! HINDI KAMI PAPATALO LALO PA'T TODO SUPORTA ANG SOUTH HILL U. Huminga ako ng malalim at nagplano na kaming 5 : Ako, Pao, Toby,Kurt at Chris.

Confessions of a TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon