Confession 13 (Part One) : Double Date Disaster

1K 23 0
                                    

Hindi ko alam kung coincidence lang ito o talagang nanadya si Zig. Nagka-conflict na kasi kami neto nung highschool, at parang ganito din ang sitwasyon. Ang pinagkaiba lang, yung babaeng gusto niya hindi ko type. As in hindi ko talaga trip. Medyo malandi kasi yung babaeng napagtalunan namin kaya sumuko na lang ako. Magmumukha lang akong tanga kapag pumatol lang ako sa mga patutsyada ng Zig na yan.

After some months, naging okay na ulit kami ni Zig nun. Graduating na kasi kami ng HS nun. Ayaw ko naman umalis sa alma mater ko nang may hinanakit sa sinuman. Nakakakonsensya kaya yun. Saka mismong si Zig na ang nag-sorry sa akin bago kami grumaduate.

Pero heto na naman. Hayyyyyyy! Tigil tigilan lang nya pag-epal niya.

Nakakairita eh! Ang dami-daming babae dyan, si Toyang pa gugustuhin nya. FEELING KO HINDI NIYA CRUSH SI TOYANG KASI LOOOOOK! LOOK AT HOW HE ACTS : PARANG WALA LANG. Yung tono ng pananalita niya parang pang-flirt lang.

Kabisado ko na yang lalakeng yan. Syempre noh, kaibigan ko pa rin yan. Mas matagal ko siyang kakilala. Halos magkasing tagal na nga nung samahan namin ni Paolo eh. Nauna lang si Pao ng buwan. Anyways,, balik tayo sa binabalak ng Zig na ito....

''So you're here pala.'' Nakatayo si Zigs sa harapan ng table namin.

''Oh, nandyan ka pala.'' Napangiti naman si Toyang. Sympre, tinititigan ko kung may namumuong spark sa tinginan nila.

''Ehem. Uy Zig, what brings you here pre?'' Ako

'' Kakagutom kasi eh. Kaya yun, saka wait. Mika,come here.'' May tinawag siyang chicks. Syempre, kasama yan sa koleksyon ng mga babae niya. Lumapit naman yung diwata...este yung Mika at saka kiniss si Zig sa pisnge.. PDA KAYO HA!

''Oh bakit baby?'' Mika

'' Remember Jet? Yung kwinekwento ko sayong kaibigan ko nung HS?'' Ha?! bat niya ako kwinekwento sa babaeng ito at ano naman kaya ang ikwinekwento niya about sa akin? Baka mamaya sinisiraan ako ng Zig na ito! (Hanubayaaan! Ang sama naman ng utak ko >< )

'' Oh Jet Castaneda. Captain ng Black Knights, right?'' Tumango ako at nakipagshake hands sa kanya. '' Mikaela Gomez. from Oliveros Academy of Multimedia Arts.'' That shows in her pencil skirt and fitted blouse uniform. OAMA ang isa sa pinakamahal at pinakasikat na Art school sa bansa. Di nakapagtataka sa mukha niya.. mukha siyang model at madaming pera. Basta ang ganda niya!

''Yeah.'' Matipid kong sagot

''Oh would you mind if we share?'' EPAL MO ZIG! Hayyy. Ano? Share tayo ng table?Para-paraan mo! Kapal.

''Sure sure.'' Napatingin ako bigla kay Toyang nang tumango siya at pumayag. Unang umupo si Mika tapos si Zig. ANG AWKWARD!

Then yun, nagcatch up kami ni Zig sa buhay college namin. Kahit naman kasi pareho kaming Engineering magkaiba schedule at rooms namin,minsan nga pati buildings kaya di kami  nagkakausap. Nakipagkwnetuhan din ako kay Mika habang etong si Toyang medyo tatahi-tahimik pa. Napansin ko na lang na tinititigan kaming dalawa (kami ni Toyang) ni Mika..

''I was wondering Macon..'' Mika

'' Ano yun?'' Toyang

'' Boyfriend mo ba si Jet?''

Confessions of a TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon